Derek Ramsay on Angelica-John Lloyd rumored romance: “If she finds something that I lack in John Lloyd, then I’m happy for them.”

IMAGE Arniel Serato


“I don’t know exactly what’s going on between Angel and John Lloyd. I don’t wanna make any assumptions. But if kung meron, I wish them the best. Sana mahanap ni Angel yung happiness na hinahanap niya, kay John Lloyd,” says Derek Ramsay about the rumored romance between ex-girlfriend Angelica Panganiban and Kapamilya actor John Lloyd Cruz.


July 24, Martes, nung tumulak patungong London, England, si Derek Ramsay upang i-cover ang 2012 London Olympics para sa TV5, Aksyon TV 41, at AKTV.

Kasama ni Derek na lumipad patungong London ang kanyang ama, ina, at kapatid na nakatakdang mag-aral sa Cambridge University.

Pero bago pa man ang nakatakda niyang paglipad papuntang London, napagbigyan niya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang mahabang panayam noong July 20, sa TV5 Broadway Studios, kung saan ginanap ang kanyang plug shoot para sa Sports 5.

Dito, inilahad sa PEP ni Derek ang mga bagong pangyayari sa buhay niya nitong halos dalawang buwan nang pagiging busy niya sa mga shows.

Una na nga rito ang naulat na freak accident na nangyari sa kanya sa Japan, kung saan naiulat dito sa PEP ang kanyang pag-ihi ng dugo.

Pagkatapos daw ng Japan tournament ay titigil na siya sa paglalaro ng competitive Frisbee.

Aniya, “I can still compete with all those young guys, but yung mga sakit sa katawan, yung mga injuries, I don’t recover as fast.

“Dun yung disappointing side because kaya pa naman, e.

“I am fast, I can jump as high, but yung recovery [from injuries], matagal.

“Of course, I will always support the sport and all sport in general.

“I’ll be coaching and, of course, I’ll be tempted to throw the [Frisbee] dish every now and then, but to go and compete in the next worlds, that’s a no-no,” pahayag ng 32-year-old Filipino-British model-actor.


MOVING ON AFTER ANGELICA. Noong July 10 ay nakausap ng PEP si Angelica Panganiban sa isang endorsement presscon.

Dito ay tahasang sinabi ng aktres sa media na naka-move on na siya mula sa paghihiwalay nila ni Derek.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano naman ang reaksiyon ni Derek sa pahayag na ito ng dating kasintahan?

“Yeah, yeah…if you love somebody, you should want her to be happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If she’s happy that way, it makes me happy as well,” sagot ni Derek.

Dagdag niya, “I feel good. I moved on.

“You know what? It’s not easy to forget six years, and I definitely will never forget.

“That’s a lot of memories. And every now and then, mapapa-look back ka.

“But then, our paths just didn’t end up the same way, and I’m very happy where I am right now. And I’m ready to meet new people.

“I’d love to meet new people, and let’s enjoy life."

Dagdag nito, “My dad said it, ‘The day you’re born is the day you start dying.’

“So, might as well…what you do in between that, must matter. So, you gotta get on your feet and ipagpatuloy ang buhay.”

Sa mga nakakakilala kay Derek, alam nilang malapit na malapit ito sa ama at malaki ang papel ng ama sa mga desisyon ni Derek sa career at iba pang bahagi ng kanyang buhay.

Isa sa mga naitanong noon kay Angelica sa presscon ay kung nagkakausap pa ba sila ng ex-boyfriend.

Pahapyaw at pabiro nitong sagot na naghihintay lang naman siya ng tawag.

Binanggit ng PEP kay Derek ang sinabing iyon ni Angelica.

“You know, I’d love to see Angel and talk to her face to face, or even a phone call,” reaksiyon naman agad ni Derek.

“But I’m sure she’s very busy, and from what I’ve seen on TV, she looks very happy.

“What I see on TV and on her eyes, I know she’s very happy.

“I feel good that…I know she wants to grow and find her own self.

“Maybe I’ll give her a call, I don’t know. I don’t know what to say.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the great thing about this is, kung bakit pareho kaming nakaka-move on, is walang siraan, walang badmouthing.

“If you weigh the scale, mas lamang ang good times namin sa bad times by a big chunk.

"So, alam mo na we had a very mature relationship.

“Walang ‘I love you now, I hate you tomorrow.’

“That’s the good thing about our relationship,” patuloy ng morenong model-actor.

ANGELICA-JOHN LLOYD SIGHTINGS. Ano naman ang masasabi ni Derek sa mga sinasabing “sightings” kay Angelica at ng aktor na si John Lloyd Cruz?

“That’s good,” sagot niya.

“If she finds something that I lack in John Lloyd, then I’m happy for them.

“I don’t know exactly what’s going on between Angel and John Lloyd. I don’t wanna make any assumptions.

“But if kung meron, I wish them the best.

"Sana mahanap ni Angel yung happiness na hinahanap niya kay John Lloyd.”

READY FOR LOVE? Pero siya kaya, handa na bang umibig muli?

“You know, that hits you anytime,” tugon ni Derek.

“When you say you’re not ready, or when you say you’re ready, that hits you.

“The best way to know about the next relationship you’ll have is you don’t look for it.

“Yeah… I don’t know,” buntong-hininga ni Derek. “I don’t want to say I’m not ready or I’m ready, basta ganun talaga ang buhay.

“Sinabi ko na naman kay Angel 'yan. People fall in and out of love every day.

"So, if she’s fallen out of love with me, I will continue to respect that.”

Sa ngayon ba masasabi niyang happy siya?

“I am. I have a wonderful family who is always there for me. Every time I fall down, they’re there to pick me up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why I’m very lucky my family is always there for me.

"So, when I was down because of the breakup, they’re there to pick me up.”

BUSY SCHEDULE. Sa ngayon, mukhang malayo munang pumasok sa isa na namang relationship si Derek.

Abalang-abala kasi ito sa mga trabahong ibinigay sa kanya.

“You know, I don’t have rest talaga.

“We shot the Amazing Race (Philippines). Na-shoot na namin, tapos na lahat. Walang ano yun, wala akong pahinga dun. No one knows that.

“It took a while, tuluy-tuloy yun. Pagkatapos diretsong competition sa Japan.

“Konting pahinga lang ngayon, and then alis na ulit ako for Olympics. So, I’ll be in London for a month.

"And then when I get back here, I think I’ll spend a couple of hours in Manila and then I’ll fly to New York. I might be guesting on the soft opening of TV5, kung makahabol.

“I’ll try my best kasi di naman parang Quiapo 'yan, ang papuntang New York,” nakangiting banggit ni Derek tungkol sa busy schedule niya.

Pagkauwi daw niya ng bansa mula New York sa October, may gagawin na siyang pelikula sa Viva Films.

“I’m gonna be shooting with Anne Curtis, and hindi na si KC [Concepcion], si Andi Eigennman na. She’s a very talented actress.”

ULTIMATE DREAM. Bilang isang sportsman, ultimate dream daw ni Derek ang makasali sa Olympics.

Pero kahit na hindi natupad ang ultimate dream niyang ito, masaya na rin siya na nasa Olympics para maghatid ng mga balita.

“Olympics—this is a dream, it’s my passion.

“I’ve been to the Olympics before. I wish I was competing.

"So, hindi nangyari, ito na yung second best,” sabi ni Derek tungkol sa pagko-cover niya ng pinakamalaking international sporting event sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wanna get to see the best athletes in the world, even if it’s in the sport na hindi ko ginagawa.

“I admire athletes that excel in their sport. Ito yung mga pinakamagaling sa mga sports nila. Lahat sila nandiyan [sa Olympics]. Lahat sila maglalaban-laban.

“I think we have eleven athletes na sasabak. I hope, makauwi naman tayo ng medal.

“I heard yung sa BMX [Cycling] may tsansa, laging nanalo yun internationally, e. Si Dennis Caluag. So, I think may tsansa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN