Angelica Panganiban wants to resume friendship with ex-boyfriend Derek Ramsay

IMAGE Jude Bautista


Madaling Araw, Mahabang Gabi, starring Angelica Panganiban (in photo), depicts the the Pinoy ritual of “pangangaluwa,” where people steal from their neighbors (with their permission) on the night of All Souls’ Day.


Malaki ang tiwala ni Angelica Panganiban kay Dante Nico Garcia, kaya kahit di pa nabasa ng aktres ang script ay tinanggap na nito ang role sa bagong indie film ng direktor.

Ito ang sinabi ni Angelica nang dumalo siya sa special screening ng Madaling Araw, Mahabang Gabi, noong Sabado, July 21, sa Cultural Center of the Philippines.

“Nag-start siya kay Ga [referring to Dante]—out of friendship. Nung nakuwento na niya sa akin ang concept, na in-love na 'ko sa concept ng story niya.

"Actually, hindi ko nga binasa ang script nung tinanggap ko siya. Kasi ganun siguro ang friendship namin ni Ga.”

Paano sila naging malapit na kaibigan ni Direk Ga?

“Nagkasama kami sa Berks,” kuwento ng ABS-CBN actress, na naging bahagi ng naturang youth-oriented series noong 2002.

“Production designer si Ga dun. Then nagkasama kami sa Mangarap Ka, production designer rin siya dun.

“Siyempre, pag soap, mga twice or thrice ang taping, and kahit weekends, nagkakasama kami.

“Nagpupunta siya sa bahay. Naging barkada kami nina Glaiza [de Castro], pati si Ketchup [Eusebio].”

Ano ba ang karakter niya sa pelikulang ito?

“Anak ako ng may-ari ng isang bar. Yung lifestyle niya, umiikot na sa ganung klaseng lifestyle: sa inuman, sa parties.

"So siya ang tipo ng tao na gagawin ang lahat para makuha niya ang gusto niya. Parang nagmamando siya. Feeling niya siya ang batas.”

Dalawang weekend ang inilagi ni Angelica si Puerto Prinsesa, Palawan, upang i-shoot ang Madaling Araw, Mahabang Gabi, ang kanyang unang indie film.

Kamusta ang experience ng pagtrabaho sa isang indie film kumpara sa isang mainstream movie?

“Siyempre, mas may freedom. Feeling ko, mas naging confident akong gawin ito kasi alam mong puwede dito gawin ang lahat.

"Para akong nasa isang malaking workshop.”


ON EX-BF DEREK RAMSAY. Ayon kay Angelica, hindi pa sila nagkikitang muli ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang magkaibigan sila sa ngayon?

“Eventually. I think yun ang pinakamagandang mangyari. I’m still hoping.”

May communication ba sila sa isa’t isa?

“Wala. Reality naman yun, e, siyempre hindi naman puwedeng pagkahiwalay niyo, best friends kayo.

"Mahirap yun. Kalokohan yun.

"Kailangan parehas mag-move on. Kailangan parehas mag-heal.”

Mga dalawang linggo nang nakatira si Angelica sa kanyang bagong bahay.

“Matagal na 'kong nagpaplano na bumili ng bahay. Pero siyempre, inuna ko ang family ko, yung mama ko, yung lola ko.

"Ngayon na okay na sila, inisip ko naman na baka puwede, ako naman.”

Para sa kanyang pagbabalik telebisyon, sinabi ni Angelica na naghahanda na siya para sa teleserye kasama si Piolo Pascual, na may pamagat na Apoy sa Dagat.

Ito ang magsisilbing reunion project nila sa small screen pagkatapos magkatrabaho sa 2004 soap opera na Mangarap Ka.

“Magte-training pa lang kami, may scuba diving kasi,” kuwento ni Angelica tungkol sa kanyang upcoming show sa ABS-CBN.

Ang huling pagsasama nina Angelica at Piolo ay sa romantic comedy movie na Every Breath You Take, na ipinalabas noong February.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN