Derek Ramsay asks for privacy in his new relationship: “Just let me enjoy the moments that I will have with her in private.”

IMAGE Noel Orsal


Natupad ang pangarap ni Derek Ramsay na maging isang superhero dahil sa una niyang teleserye sa TV5, ang Kidlat. Sabi niya, “Lahat naman siguro tayo ay nangarap na maging isang superhero noong mga bata tayo. Exposed tayo kina Superman, Batman, Spider-Man, Fantastic 4… We all wanted to have the powers that they have, di ba? Kahit yung costume man lang.”


Hindi ma-explain ni Derek Ramsay ang kanyang nararamdamang saya dahil sa kanyang pagbibida sa bagong fantasy-action series ng TV5 na Kidlat.

Ginanap ang launching ng Kidlat sa Cosplay Mania 2012 event last Saturday, September 29, sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia Complex, Pasay City.

Pinagkaguluhan si Derek ng mga um-attend na cosplayers na naghintay sa kanyang paglabas.

Inasahan ng marami na lalabas si Derek na suot na ang kanyang superhero costume bilang si Kidlat. Pero sinabi ng hunky actor na hindi pa ito puwedeng i-reveal dahil isa itong malaking sorpresa.

Ayon sa production team ng Kidlat at ni Direk Mike Tuviera, ang costume ni Derek ay gawa rin ng costume designers ng mga pelikulang X-Men, The Avengers, at Daredevil.

Balita pa ni Derek, “Actually, I just came from my fitting of the costume. All I can say is that it’s really good!

“Hindi pa namin puwedeng ipakita or i-describe kasi nga very special ang costume.

“Mare-reveal lang kapag malapit nang ipalabas ang series. Kaya konting patience na lang.”



TV5 PROJECTS. Bago ang launching ng Kidlat, ipinadala ng Kapatid network si Derek sa London para sa coverage ng 2012 Olympics.

Ihu-host din ni Derek ang The Amazing Race Philippines, dagdag sa gagawin niyang Kidlat.

Inihayag nga ni Derek ang kanyang kasiyahan sa magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng TV5.

Sabi niya, “I am overwhelmed by everything. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging pakiramdam ko ngayon.

“I’ve been working in showbiz for so many years na. I've had projects left and right, pero ngayon lang ako nakakaramdam ng ganitong masayang-masaya ako.

“Maybe because these are the projects na gusto kong gawin talaga.

“When you’re presented naman with a job na talagang gusto mo, masayang-masaya ka, di ba?

“Kasi mabibigay mo ang more than 100 percent of your energy dahil it’s something that you always wanted to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sobra akong grateful to TV5 for all these projects. It inspires me to really work harder parati.”



DREAM ROLE. Inamin ni Derek na bata pa lang siya ay dream na niyang maging superhero. Kaya tamang-tama lang daw ang project na Kidlat dahil hindi ordinary superhero story ang gagawin niya.

Kuwento niya, “Lahat naman siguro tayo ay nangarap na maging isang superhero noong mga bata tayo.

“Exposed tayo kina Superman, Batman, Spider-Man, Fantastic 4…

“We all wanted to have the powers that they have, di ba? Kahit yung costume man lang.

“Kaya para akong bata na natuwa when they said na I will do Kidlat… it means na may isusuot akong costume.

“And the costume nga is really something to look forward to.

“In regards sa story naman, it’s also different from the usual superhero stories."

Hindi pa rin makapagbigay ng detalye si Derek tungkol sa serye at sa papel na kanyang gagampanan.

“I don’t want to divulge a lot on the story,” sabi niya.

“Masasabi ko lang is that my character here will have a hard time accepting the extraordinary power na ipinagkaloob sa kanya.

“May kapalit kasi ang powers na iyon and it has something to do with his family.

“So, hanggang doon muna ang puwede kong maikuwento.

“Abangan na lang nila kapag malapit na kaming mag-premiere telecast sa TV5.”



LEADING LADIES. Excited din si Derek na makatrabaho ang dalawang leading ladies niya sa Kidlat na sina Nadine Samonte at Ritz Azul.

Kuwento niya, “I met them formally sa story conference namin a few days ago.

“I will get to work with the drama princesses of the Kapatid network— at pareho silang magaganda!

“Sabi ko naman na I would love to work with new actors.

"Kung excited silang makatrabaho ako, excited din akong makatrabaho sila.

“I told both Nadine and Ritz na magtulungan kami to make Kidlat a very good show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Team effort lang lahat. Very positive ang perception naming lahat sa Kidlat,” masayang wika ni Derek.

MOVING ON. Hindi pa tapos ang 2012, pero maganda ang takbo ng career ni Derek kahit hindi naging perfect ang personal niyang buhay.

Pero hindi raw yung bagay na iyon ang magiging dahilan para hindi siya maging masaya.

Saad niya, “We make our own happiness.

"If something fails or did not work in our life, we grieve for some time but you pick yourself up again. You find a way to be happy.

"Hindi pa naman katapusan ng mundo mo kung may isang bagay na hindi naging maayos sa buhay mo.

“That’s the thing about moving on. We move on and we don’t turn back. We find a new place to be happy.”



NO MORE TWEETS. Tinanong namin si Derek tungkol naman sa isang tweet ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Sa tweet, nagpapasalamat si Angelica sa singer na si Taylor Swift dahil sa song nito na “We Are Never Ever Getting Back Together.”

Para raw kasing isinulat iyon para sa kanya.

Inamin naman ni Derek na he stopped following Angelica's tweets noong naghiwalay na sila.

“I stopped following her tweets. That is expected naman. We both needed that space.

“Kaya hindi ko alam ang tweet niyang ‘yan.

“For as long as wala ang name ko sa tweet ni Angel, I will not assume na it has something to do with me.

“What I know lang is that she’s happy— happy rin naman ako.

"We’ve both moved on and that is what’s important now.”



NEW RELATIONSHIP. Masaya raw si Derek sa kanyang bagong karelasyon, pero nakikiusap siya na huwag nang itanong kung sino ang kanyang bagong non-showbiz girlfriend.

Gusto raw niya kasing maging as private as possible ang kanyang bagong relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “I’ve been in a high-profile relationship for a number of years.

"Lahat ng gawin ninyo, magnified— we were always being watched.

“This time, I want to keep this for myself.

"It’s not that I am keeping the media away from my new relationship.

“But it’s for the best, not just for me, but for the new woman in my life.

“Just let me enjoy the moments that I will have with her in private.

“I’m not asking for much except for this privacy in my personal life.”

Ayaw mang magsalita nang tapos ni Derek, pero sinabi niya na baka si Angelica na ang huling babaeng makarelasyon niya from showbiz.

“We can never say what will happen next, di ba? Puwedeng mag-iba ulit ang lahat.

“But sa nararamdaman ko ngayon, I want Angel to be the last girl that I had a relationship with in showbiz.

“I’m starting over again and I want things to be on the right path,” pagtatapos ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN