Derek Ramsay on keeping mum about Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz: “Anything I say, even though it’s straight from the heart, gets me in trouble."

IMAGE Arniel C. Serato


Ano ang mga katangiang hinahanap ni Derek Ramsay sa susunod niyang makakarelasyon? Sagot ng aktor, “That’s definitely the priority for me—somebody who’s old-fashioned, her values are intact, just like Angel—and tingnan natin kung anong mangyayari. Definitely, athletic.”


Matapos bumalik ni Derek Ramsay mula sa coverage niya ng 2012 London Olympics ay sinubukan ng taga-media na hingin ang kanyang reaksiyon sa nababalitang pagkakamabutihan ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban kay John Lloyd Cruz.

Pero nang makausap siya ng media sa shooting ng bago nilang pelikula nina Andi Eigenmann at Anne Curtis noong August 23, nakiusap si Derek na huwag na munang haluan ng mga isyung personal ang mga katanungan sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

LESSONS LEARNED. Kanina, September 1, sa panayam ng Ang Latest: Updated ng TV5, ay nagsalita si Derek tungkol sa mga bagong kaganapan sa kanyang buhay.

Dito na rin ipinaliwanag ni Derek kung bakit ayaw na niyang magbigay ng pahayag tungkol kina Angelica at John Lloyd.

Saad niya, “Anything I say, even though it’s straight from the heart, gets me in trouble.

“So, I think it’s better na tumahimik na lang ako, hindi na ako magsasalita.

“Basta happy ako sa buhay ko.”

Marami naman daw natutunan si Derek sa kanyang nakaraang relasyon.

Pahayag niya, “It takes its toll through the years, everybody’s watching you.

“I just feel na if I wanna be with somebody, ayoko nang i-share sa lahat para malaman ng kasama ko na mahal ko siya.”

THE NEXT ONE. Kung muli siyang umibig, ano kayang mga katangian ang hahanapin niya sa isang babae?

Sagot ni Derek, “Someone as crazy as me, pero baka hindi ko yata mahanap yun, pero someone close to that.

“Simple, and she has to be spontaneous.

“I’m not saying na wala kay Angel yung values na hinahanap ko, nandun. Kaya nga kami nagtagal ni Angel.

“Kaya lang, may mga factors why hindi kami nagkatuluyan.

“That’s definitely the priority for me—somebody who’s old-fashioned, her values are intact, just like Angel—and tingnan natin kung anong mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Definitely, athletic.”

Dagdag pa ni Derek, wala naman daw problema pagdating sa edad ng girl basta mahal niya.

Natatawa niyang sabi, “Basta tinamaan na ako, tinamaan. Yun na yun. Hindi na kailangan na maganda, sexy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN