Regine Velasquez busy preparing for baby Nate's birthday party; asks well-wishers to donate cash for charity instead of giving gifts

IMAGE 0

Mas abala raw si Regine Velasquez sa preparations para sa nalalapit na kaarawan ng baby niyang si Nathaniel James, kesa sa kanyang Silver anniversary concert. Ang sabi ng Asia's Songbird, “Siyempre, anak mo yun, e.”


Dalawang importanteng event ang magaganap sa buhay ni Regine Velasquez-Alcasid ngayong November— ang first birthday ng only son nila ni Ogie Alasid na si Nathaniel James o Baby Nate sa November 8, at ang 25th anniversary concert niyang Silver sa November 16, sa Mall Of Asia Arena.
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Regine last Sunday, October 28, sa dressing room ng Hot TV, nagkuwento ang Asia's Songbird tungkol sa kanyang paghahanda para sa magkasunod na events.
Aniya, mas nakakaramdam siya ng pressure sa paghahanda para sa birthday party.
“Siyempre, birthday yun, e. Iba yun. Anak ko yun, first birthday niya, excited kami, excited ako. Pero... tapos ang dami kong ginagawa ngayon kaya nai-stress ako.”

NATE'S FIRST BIRTHDAY. Masiglang nagkuwento ang singer-host-actress tungkol sa big event ng anak.
“Kasi dapat may theme. Laging gano'n... Dapat may theme ka kung Disney, whatever... Pero yung sa amin, Boy Pik Ap... maiba lang.
"Nakakatuwa nga yung mga pinupuntahan naming party, may Disney, mga Paris, et cetera, et cetera... pero kami, Boy Pik Ap,” natatawang sabi ni Regine.
Naging popular na character ito ni Ogie sa longest-running gag show sa GMA-7 na Bubble Gang.
At sa birthday ng anak ni Boy Pik Ap, may requirement daw para sa mga bisita.
“May pick up lines pa nga kailangan, e. May contest pa ng pick-up lines. Doon sa invitation, bring your best pick-up line. Ayun.”
Ang venue ay "sa bahay na lang namin," ani Regine.
"Kasi ayoko nang malayo pa dahil baka mamaya, mag-alboroto pa ang anak ko. So, hindi ko muna siya papupuntahin dun [party], hangga’t wala pang tao. Kasi baka maburaot lang, e, birthday niya. Gusto ko, masaya siya.”
Hindi pa raw ramdam ni Nate ang inihahandang malaking party para sa kanya.
“Hindi pa siya aware dun bilang magwa-one year old pa lang siya. Pero mahilig naman 'yang mag-party.
"Pero I’m sure matutulog lang yun. Ganun naman ang ginagawa nun sa ibang parties na pinupuntahan niya, natutulog lang siya.”



NATE'S FIRST TRIP TO SINGAPORE. Ganito rin kasi ang nangyari noong nanatili sila ng ilang araw sa Singapore. Napangiti si Regine nang maalala ang kakaibang excitement ng anak sa pinakahuling bakasyon nila.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasama ng kanyang baby ang mga kapatid nito sa ama na sina Sarah at Leila, at ang ina ng mga daughters ni Ogie na si Michelle Van Eimeren.
Marahil, nainip si baby Nate “bilang lakad lang kami nang lakad,” dugtong ni Regine.

CASH FOR A CAUSE RATHER THAN GIFTS. May naihanda na bang regalo para kay Nate?
“Wala pa, e. Wala pa kaming gift. Hindi pa kami nakakabili kasi ayoko na ring masyado, e.”
Kung mga laruan at damit ang pag-uusapan, sagana raw ang kanyang anak. Kaya naman, may special request ang Kapuso star sa mga magiging guests ni Nate.
“Oo, as a matter of fact, nakalagay nga sa invitation na huwag nang magbigay ng gift. Money na lang para idu-donate na lang sa charity.”
May napili na silang beneficiary?
“Marami namang ano yung tatay niya, so, pipili na lang kami ng isa. Kahit two thousand lang, alam mo yun? Hindi masyadong malaki kasi baby pa naman siya e.
“Hindi ko pa alam, e. Pero gusto ko pambata rin, yung mga bata ang involved na tutulungan niya.”
Dagdag pang paliwanag ni Regine, “Kasi yung mga toys naman, kaya naman naming ibili sa kanya.
"I-share na lang niya yung gift niya kasi ang daming kalat, e. Para hindi na rin masyadong maraming kalat, ang dami-dami na niyang gamit!
"Imaginin mo, hindi pa siya nagbi-birthday, ang dami na niyang gamit. E, mag-birthday pa siya, e, di napuno na ang buong bahay namin ng gamit niya.”
May plano ba silang magpamigay ng mga gamit ni Nate?
“Naku, ang dami ko nang pinamigay!” diin niya.
“Yung mga damit niya na hindi niya ginagamit, pinamigay ko na. Salbahe ba akong nanay?” ang nangingiting tanong sa amin ni Regine.
Sagot naman namin sa kanya, mabait at generous nga siyang mommy dahil ipinapamudmod niya ang ilang gamit ng anak niya.
Esplika pa ni Songbird, “Kasi feeling ko, hindi naman niya kailangan yung iba kaya huwag na.”
Inusisa namin kung yun bang mga ipinamimigay niya ay mga regalo rin?
“Alam mo, yung mga clothes niya, mga bigay. Kasi I didn’t buy him much. Ngayon na lang, kasi lumalaki na siya.
"Pero kahit ngayon, konti na lang yung binibili ko kasi ang bilis lumaki. So, kung ano lang ang gagamitin niya.
“Pero maraming nagbigay sa kanya, like, si Ninang Michelle niya, sina Leila, ang dami!
"No'ng nagpunta sa Australia yung asawa ko, ang dami-dami nilang dala. Ang dami-dami nilang biniling shoes na ngayon pa lang niya nasusuot.
“Yung iba nga, nakalakihan na lang, e. Hindi na nasuot. Kasi ang bilis, e, lalo na nung nag…ano siya, hindi na niya nasuot."
Higit sa lahat, gustong sanayin ni Regine ang anak sa charity work habang nasa murang edad pa lamang ito.
Pahayag ng 42-year-old mom, "So ayun, yung birthday niya, sabi ko mag-donate na lang siya para bata pa siya may awareness na siya, mga ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN