Sharon Cuneta denies blind-item rumor that her show on TV5 will be axed

IMAGE Monching Jaramillo

Sharon Cuneta on rumor that her show will be axed: “My bosses text me all the time and we are very happy with the show. All new shows struggle in the beginning because televiewers have developed habits that you have to pray you are able to change and it takes time to get used to watching a new show regularly until it too, becomes a habit of viewers."


Mabilis na nag-react si Sharon Cuneta sa lumabas na blind item sa blog na FashionPulis.com tungkol sa programang malapit na raw tapusin dahil sa mababa nitong ratings.

Obvious na ang programa ng Megastar sa TV5 na Sharon Kapatid Mo ang tinutukoy, kaya kaagad nag-post ng mahabang reaksiyon ang actress-TV host na pinabulaanan ang naturang balita.

Bahagi ng item na lumabas sa blog na Fashionpulis na may pamagat na “Shape Up or Pack Up”:

“Hence, management sent a memo instructing the production to plan the remaining episodes, including the finale. It turns out, the replacement show is already being planned. Now, people are awaiting for CH's (controversial host) reaction regarding this latest development.”

Narito naman ang mahabang tweet ni Sharon kaugnay sa intrigang ito, na ipinost niya sa kanyang Twitter account kagabi, June 30:

“There is a website that has posted yet another 'article' about obviously, me. I want to assure you all that there is absolutely no truth to this.

“Halos lahat ng pinopost niya sa akin since last year kasinungalingan.

“Proof? Balikan nyo at basahin ang mga naunang posts nya about me na blind items pa pero obvious naman ako.

“My bosses text me all the time and we are very happy with the show. All new shows struggle in the beginning because televiewers have developed habits that you have to pray you are able to change and it takes time to get used to watching a new show regularly until it too, becomes a habit of viewers.

“Nagtatrabaho lang naman po ako, hindi ko pa sya nami-meet kaya di ko alam kung sino ang nag-uutos/nagrerequest/nagbabayad? Sa kanya para laging ako ang favorite nyang i-blind item.

“Ang dami na nyang nasulat na di nangyari kasi di totoo. Di ko alam kung may source sya or ang special lang ng imagination nya. Or baka dream nya maging si Ricky Lo or Dolly Ann?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana makilala ko sya, para lang sana kilalanin nya muna ako bago nya ako siraan. Iniisip ko na lang, di ko na papatulan kasi di nya ako kilala as a person. And who knows why certain people choose to make a living or try to be famous at the expense of others?

"Okay lang. Give the issue time and you'll see who's making up stories all the time. This doesn't affect me, btw.

“Matagal na ako sa showbiz, I've been thru worse. And besides, di naman ako ang nagmumukhang katawa-tawa at masama pag lumalabas na ang totoo.

"Never ako pumatol sa posts nya noon pa. May mga nagtweet lang na nag-aalala sa mga naisulat nyang bago kaya nilinaw ko.

"After all, this is a page for SHARONIANS. And you guys deserve to hear it from me straight. God is in control.:-)

"Nothing can ruin my happiness with my family and friends and fans, sorry!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN