Lorin and Venice Bektas enter the colorful world of fashion

IMAGE Noel Orsal

Lorin (Left) and Venice (Right) try the world of fashion by launching their own clothes collection, the LOVE Collection, under the House of Laurel.


They say beauty runs in the blood.

Pero tila hindi lamang ang kagandahan ang naipasa ni Ruffa Gutierrez sa dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice Bektas.

Bukod kasi sa “good looks,” namana rin ng dalawang dalagita ang pagkahilig sa fashion ng kanilang dating beauty queen na ina.

Noong Nobyembre 10, pormal nang ni-launch nina Lorin at Venice ang kanilang holiday clothes collection, ang LOVE Collection, sa ilalim ng House of Laurel brand ng batikang designer na si Rajo Laurel.

Ang titulong LOVE Collection ay nakuha sa pinagsama na unang dalawang letra ng mga pangalan nina Lorin at Venice.

Ikinuwento ni Ruffa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang presscon noong Nobyembre 8, kung paano nagsimula ito.

Nagka-ideya umano ang mag-iina matapos mag-guest nina Ruffa at Lorin sa reality show na Project Runway Philippines, kung saan isa sa mga resident judges ang malapit na kaibigan ni Ruffa na si Rajo.

Sa ikalimang episode ng programa, na ipinalabas noong Abril 22 nitong taon, ang naging challenge para sa mga kalahok ay ang gumawa ng isang "Lorin collection," na hango sa pangalan ng panganay na anak ni Ruffa.

“So before this, wala naman masyadong hilig ang mga anak ko sa fashion, mahilig silang mag-cooking,” pagbabahagi ng TV host-actress sa presscon sa Imperial Palace Suites, sa Timog Avenue, Quezon City.

“Si Venice medyo interested with it, si Lorin hindi masyado.

“But natuwa naman ako sa magandang positive feedback na nakuha ng Project Runway Philippines. Sabi ko, ‘Ay, naku-curious ang publiko sa dalawang anak ko, sa dalawang bagets ko.’

“So sabi ko, ‘I think we should come up with something para yung hilig nila sa fashion is magawan ng business.’ Kasi you don’t know one day kung anong mangyayari sa amin.

"We want to start them off really young, para pagdating ng araw, they can be like their mom—kahit mag-isa, solo sa buhay, nagta-trabaho para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So gusto ko, at this age, maranasan na nila paano mag-save ng pera, kung paano nagta-trabaho ang mommy nila para sa kanila.

“So, I want them to learn these things at the early age para it will help them when they’re older.”

THE LOVE COLLECTION. Hindi basta-basta ang mga damit sa LOVE Collection.

Mismo kasing sina Lorin at Venice ang personal na nagdisenyo ng mga ito sa tulong ni Rajo.

Si Rajo umano ang nagturo sa kanila kung ano ang mga telang puwede nilang gamitin sa mga damit.

May personal connection din ang mga pangalan ng bawat damit sa LOVE Collection, dahil hango ang mga ito sa pangalan ng malalapit na kaklase at kaibigan ng dalawang bata.

Halimbawa na lang ang Annika, Martha, Mariella, at Yasmeen dresses mula sa collection ni Lorin.

“I named this after Annika, kasi si Annika, she’s one of my close friends—she’s my very first friend ever.

“So, this is my favorite dress and it represents that she’s my favorite friend.

“I have a Martha dress, and I also have a Mariella dress, and an Ylisse dress, and a Yasmeen set.

“The Yasmeen set is a shirt and skirt, but still it’s elegant,” wika ni Lorin.

Samantala, mula naman sa collection ni Venice ang Louise, Iya, Ysabella, Trixie, at Rocio dresses.

“I want my dress to be sleeveless, and I like it to have a lot of crystals.

“I named this Louise kasi si Louise maganda yung attitude niya, siya yung classmate ko.

“I also have Iya dress and Ysabella dress. There are others also like Trixie dress and Rocio dress,” kuwento ni Venice.

Mula “six months to one year old” ang edad na puwedeng magsuot ng mga dress mula sa LOVE Collection.

Ang presyo naman ng mga damit ayon kay Ruffa: “So ito, haute couture ‘to, and it ranges from two thousand and up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, since this is a party dress and this is made for the holidays, so the materials we used are silk, taffeta, organza... talagang unique talaga ito na hindi nabibili sa mga tindahan.

“So, we have casual clothes for the girls, pero siyempre minsan kailangan din nila ng birthday dresses, ng party dresses na hindi mo mabibili sa labas.”

YOUNG ENTREPRENEURS. Masaya sina Lorin at Venice na sa edad nilang 9 at 8 years old ay nagsisimula na silang kumita.

“It feels so good!” bulalas ni Venice nang tanungin kung anong pakiramdam na kumikita sila kahit bata pa lamang.

“We’re just kids and we’re having a business, so it feels so good.”

Si Lorin naman, masaya sa naging “experience” nilang ito na magkapatid.

Paliwanag niya, “Kasi yung mga ibang bata wala silang bahay, wala silang maganda na mga parents.

“So happy ako na meron akong ganitong experience.”

Sa kasalukuyan, ayon kay Ruffa, maganda ang feedback na nakukuha ng LOVE Collection, lalo pa’t malapit na itong “ma-sold out” dahil sa mga pre-orders ng ilang VIP customers ni Rajo.

Kaya naman umaasa si Ruffa na, “kumita kami para masaya ang future namin, [and] we can keep on doing that to make the business bigger.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN