Baron Geisler's message to critics: "Sana pagbigyan nila ako na ipakita ko sa kanila na nagbago na ako, at trabaho lang talaga ang gusto ko."

IMAGE Noel Orsal

Baron Geisler's plan is simple: "Ngayon kasi mas gusto kong magtrabaho nang magtrabaho para yumaman. Kasi gusto kong bumili ng bahay para sa mommy ko, yun kasi ang pangarap ko para sa kanya. Gusto ko siyang ibili ng bahay. Kasi di ba nasunog yung bahay namin? Kaya naman sana magkasunud-sunod yung trabaho ko."


"Give me a chance."

Ito ang namutawi sa bibig ni Baron Geisler na kasama sa cast ng pelikulang Kingpin: The Asiong Salonga Story, isang entry sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Baron, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Jojo A. All The Way, sana naman daw ay bigyan siya ng pagkakataong maipakita sa lahat na nagbago na siya.

"Sana tigilan na ng iba ang mang-intriga, para naman maging maganda at maayos na ang ating industriya. Tama na ang hilahang pababa o crab mentality," aniya.

"Katulad sa Hollywood yung ginawa ni Iron Man [Robert Downey Jr.]...Tinulungan niya si Mel Gibson.

"Sana ganun tayo. Besides, malapit na ang December, dapat lahat masaya, dapat magtulungan at wag magsiraan.

"Sana pagbigyan nila ako na ipakita ko sa kanila na nagbago na ako at trabaho lang talaga ang gusto ko.

"Lahat naman ng tao may pagkakataong magbago, at isa ako dun.

"Na sa pagbabalik ko ngayon, yun ang gusto kong ipakita sa lahat, na nagbago na si Baron at mas nakatutok na sa trabaho.

"Ang dami kasi ng mga taong nagdya-judge sa akin and putting me down.

"Give me a chance muna bago nila ako i-judge.

"Minsan kasi nakakainis, nakakapikon. Wala ka pang ginagawa, na-judge ka na.

"Nakakalungkot talaga," ang sabi ni Baron.

HANDLING INTRIGUES. How do you handle the intrigues that come your way?

"The best thing right now is to concentrate on my recovery and focus on my work," aniya.

Do you need to prove yourself so people will trust you again?

"Siguro wala naman akong dapat i-prove o patunayan sa kanila.

"Mas magandang makita na lang nila kung papaano na ako mag-trabaho.

"Mas gusto ko na maging best sa pamilya ko, wala naman kasi akong kikitain sa mga taong umiintriga sa akin.

"Ngayon kasi mas gusto kong magtrabaho nang magtrabaho para yumaman," ang prankang sabi ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi gusto kong bumili ng bahay para sa mommy ko, yun kasi ang pangarap ko para sa kanya.

"Gusto ko siyang ibili ng bahay. Kasi di ba nasunog yung bahay namin?

"Kaya naman sana magka sunud-sunod yung trabaho ko.

"Sana nga makapag-work na ako sa network at magkaroon na ako ng teleserye, makaipon ng pera.

"Tama na siguro yung pag pu-prove sa sarili ko na magaling ako, na magaling akong umarte.

"Mas gusto ko talagang mag-focus na lang sa show business.

"Kasi napag-iiwanan na ako ng mga bagong-pasok na artista," ang sabi ni Baron.

"Hindi dahil sa magaling silang umarte, ha? Sa dami ng trabaho at sa mga naipundar nila.

"Minsan nga sinasabi ko, 'Lord, sana magkaroon din ako ng meron sila.'"

Anong mensahe mo sa mga umiintriga sayo?

"Ano nga ba? Siguro salamat kasi napapansin nila.

"Pero sana wag masyadong grabe, kasi minsan yung mga tira nila nakakasakit na."

PROJECTS. Anong bago sa 'yo?

"Etong Asiong Salonga kung saan ginagampanan ko si Erning Toothpick na sidekick ni Asiong na ginagampanan naman ni Gov. George Estregan Jr.

"Tapos sana matuloy yung mga projects na sinabi sa akin ng manager ko na si Arnold Vegafria."

Anong masasabi mo, na sa iyong pagbabalik ay isang malaking pelikula kaagad ang binigay sa 'yo?

"Noong nasa loob pa ako ng rehab, 'pinagdasal ko talaga na makabalik ako sa showbiz.

"Sana pagbigyan muli ako ng mga tao, kaya naman I owe this to all the people na naniniwala pa rin sa akin.

"Kaya naman ngayon, alam ko na dapat maging seryoso ako sa aking karera na ginagawa ko naman."

Sa tingin mo ba mapapansin ka muli sa Asiong Salonga?

"Actually, ayokong ako ang mapansin, mas maganda kasi na mapansin nila yung pelikula namin at hindi ako lang," aniya.

"Katulad ng sabi ko, maganda ang pelikula namin, kaya alam kong lahat kami mapapansin dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa ka ba na mano-nominate ka sa Asiong Salonga?

"Naku, mahirap ang mag-expect o umasa, kasi hindi ko alam kung mano-nominate ako. Siguro kung mangyayari yun I will thank them.

"Sana mapansin nila yung acting ko, kasi iba yung pakiramdam kapag napansin yung trabaho mo.

"Kumbaga, iba yung fulfillment na positibo yung feedback sa acting mo," pagtatapos ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN