Baron Geisler reveals bipolar disorder; accuses police authorities of being “one-sided” in investigating brawl with his neighbor

IMAGE Noel Orsal

Ang apela ni Baron Geisler sa publiko: “Naiintindihan ko naman matanda na ako, lahat ng ginagawa ko kasalanan ko. Pero konting pag-intindi lang siguro, lalo't di madali itong pinagdadaanan ko.”


Sinabi ni Baron Geisler na hindi naging patas ang mga pulis sa pag-iimbestiga sa naging alitan nila ng kanyang kapitbahay na si Raymond dela Rosa.

Matatandaan na noong gabi ng Nobyembre 9 ay nakulong ang aktor dahil sa pananakit diumano niya kay Dela Rosa, na nasaksihan pa ng mga anak nito.

(CLICK HERE for related article.)

Sa panayam ni Korina Sanchez kay Baron kahapon, Nobyembre 12, sa radio program niyang Rated Korina sa dzMM, sinabi ng aktor na hindi nag-imbestiga nang tama ang mga pulis tungkol sa pangyayari.

“Hindi sila nag-imbestiga nang tama.

“Masyado po silang naging one-sided and then yung dinitayn [detained] na lang ako nang walang pasabi-sabi.

“Kasi usually po, kapag mga ganyang maliliit na away sa kapitbahay e sa barangay lang po muna 'yan.

“So, maling-mali po yung proseso na ginawa.”

Dahil daw dito, sabi ni Baron, “Marami yung nag-speculate na lasing po ako, nakainom or bigla-bigla na lang akong nagwala na parang baliw, na hindi man lang narinig yung aking side.”



HIS SIDE OF THE STORY. Kaugnay nito, inalam ni Korina mula kay Baron kung ano ba ang nangyari noong gabi ng Nobyembre 9.

Dito’y sinabi ng aktor na “self-defense” ang dahilan ng pananakit niya kay Dela Rosa.

Lahad ng aktor, “Kasi lalapitan niya ako para saktan ako.

"Sa self-defense ko po ay nasuntok ko po, tapos sabay tumakbo na po ako sa loob ng bahay.”

Sa report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Nobyembre 10, kinumpirma ng kapatid ni Baron na si Donnie Geisler na “tinapay” ang pinag-ugatan ng away ni Baron at Dela Rosa.

Ayon pa sa kuwento ni Donnie sa PEP, “From where my mom was standing, she knows the story... As he [Baron] was walking out, he [Raymond] hit him with a stick twice. It was not so big.”

Pero ayon kay Dela Rosa, sinuntok siya ng aktor at kumuha pa ng silya na inihampas sa pader.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article.)

Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ni Baron kay Korina, “Pagkatakbo ko po, marami na po ang pumunta sa bahay na nagmumura, 'Itutumba kita!' ganito-ganyan.

“So, ang ginawa ng mama ko e tumawag ng barangay.

"Ang problema, dahil natakot siya at ang daming… ang nangyari, may dumating na pulis.

“Ang akala ng mama ko ‘yon yung mga taga-barangay kaya ibinigay po ako.”



BIPOLAR. Samantala, isang rebelasyon naman ang ginawa ng aktor sa naturang panayam.

Inamin ni Baron mayroon siyang bipolar disorder.

Ayon sa medicinenet.com, ang bipolar disorder ay isang kundisyon kung saan nakakaranas ang isang tao ng “severe mood swings, repeated episodes of depression, and at least one episode of mania.”

Apat na taon na raw itinatago ito ni Baron sa publiko.

Dagdag niya, “In denial ako [noong una] na I have bipolar o may chemical imbalance. Di ko matanggap sa sarili ko na mayroon akong problema.”

Kaya naman ang apela ni Baron sa publiko: “Naiintindihan ko naman matanda na ako, lahat ng ginagawa ko kasalanan ko.

“Pero konting pag-intindi lang siguro, lalo't di madali itong pinagdadaanan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN