Zsa Zsa Padilla on her "Lovey" tattoo: “When I hold the microphone, people will be able to see it. They will see Lovey on my arm and they will also think of Dolphy. They will always think of my Lovey."

IMAGE Shared via Zsa Zsa's Instagram

Before leaving for the U.S. for her kidney checkup, Zsa Zsa Padilla related, in an interview, what she chose for her tattoo: “It’s Dolphy’s own handwriting. I got this from one of the cards that he gave me. Yung pirma niya ang pinagaya ko.”


Bago lumipad si Zsa Zsa Padilla patungong U.S. para humingi ng second opinion sa mga doktor doon, nagpaunlak ito ng isang interview sa Cinema News One.

Sinabi niya rito na naiintindihan ng mga anak ng yumaong Comedy King kung bakit wala siya rito sa ika-40th na araw ng pagyao ng kanyang “Lovey,” ang Comedy King na si Dolphy.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang cancer sa kidney.


DISCOVERING THE MASS. Ayon kay Zsa Zsa, noong Mayo pa ng taong ito siya nagpa-checkup sa kanyang doktor. May nararamdaman daw kasi siyang kumikirot sa kanyang tagiliran.

Sinabi ng kanyang doktor, may nakita silang bukol or lump sa kanyang kidney na marble-sized pa lang naman ang sukat.

“I wasn’t even worried about it at first, because that time, si Dolphy ang inaalala ko. He was going in and out of the hospital that time,” pahayag ni Zsa Zsa.

“Nagpatingin ulit ako sa doktor just a few weeks ago and the doctor said that the findings weren’t good.

“Because yung dating ga-holen daw na bukol, has grown into a size of a golf ball or ping-pong ball.

“So, I asked him if it’s ok for me to seek for a second opinion. Sabi naman niya na ok lang, kung yun ang gusto ko.

“So, I readily made an appointment with the doctor in the States for another thorough medical check-up.”

TOUCHED BY ASAP FAMILY. Bago umalis si Zsa Zsa ay binigyan pa siya ng isang “welcome back” celebration ng programang ASAP, ang Sunday noontime variety show ng ABS-CBN.

Hindi kasi siya nakapiling ng kanyang ASAP family simula noong maospital at sumakabilang-buhay si Dolphy.

“I was really touched by what ASAP did,” nakangiting sabi ng tinaguriang Divine Diva ng local showbiz.

Ang ASAP ay directed by Johnny "Mr. M" Manahan, at kinapapalooban ng napakaraming Star Magic artists at iba pang artista at singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal nga akong hindi nakapag-report sa show because of what happened in the past three months.

“They placed me in the middle of the stage and isa-isa silang lumabas to sing for me.

“I’d like to thank my ASAP family for being so supportive during those trying times.

“I’d like to thank ABS-CBN 2 for always being at my side,” pasasalamat ni Zsa Zsa.

Paniniguro pa nito, “Huwag silang mag-alala because I will see them soon again.”

STILL RECOVERING FROM LOSS. Inamin din ni Zsa Zsa sa Cinema News One na nasa stage pa rin siya na nahihirapan siyang mag-move on.

Inakala raw niyang nadaanan na niya ang bawat stage ng isang taong nawalan ng minamahal.

Pero bumabalik pa rin daw siya sa umpisa, dahil ramdam pa rin niya ang matinding lungkot hanggang ngayon.

“My friends say nga that it will only get harder as the days, weeks, months, and years go by. Kaya I have to fight it,” ani Zsa Zsa.

“Akala ko nga, I’ve surpassed na those stages of denial and acceptance. Nandiyan yung malungkot ka, minsan nagagalit ka.

“There are still times na parang hinihintay ko pa rin si Dolphy na dumating. Nandoon pa ako sa stage na parang nandito pa rin siya.

“So, I just let things be. One step at a time. But I am slowly recovering na. Nakakalabas na nga ako with a few of my friends. Pinapasaya nila ako.

“It’s really just a matter of time. I am praying to God to heal me emotionally.”

HER “LOVEY” TATTOO. Ipinakita naman ni Zsa Zsa ang pina-tattoo niyang word na "Lovey" sa kanyang kaliwang forearm.

“It’s Dolphy’s own handwriting,” pagmamalaki ni Zsa Zsa.

“I got this from one of the cards that he gave me. Yung pirma niya ang 'pinagaya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinili nga raw niya ang partikular na lugar ng braso niyang iyon para lagyan ng tattoo dahil iyon ang brasong gamit niya kapag tangan-tangan ang mikropono kung umaawit siya.

“When I hold the microphone, people will be able to see it.

“They will see ‘Lovey’ on my arm and they will also think of Dolphy.

“They will always think of my Lovey.

“Si Dolphy kasi, every time he watches me sing on stage, masayang-masaya siya.

“He says that I make him smile every time he hears me sing.”

Dahil nga sa karamdaman ngayon ni Zsa Zsa, baka wala pa rin daw siya sa bansa kapag ipinalabas ang pelikulang natapos niya with Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Eugene Domingo, ang I Do Bidoo-Bidoo.

Tuloy-tuloy din kasi si Zsa Zsa sa pagtupad ng kanyang mga commitments, bago at pagkatapos na pagkatapos ng pag-alaga niya kay Dolphy sa huling hospitalization nito, na umabot ng lampas isang buwan.

Magtatagal daw sa U.S. si Zsa Zsa dahil kailangan na siyang operahan agad para matanggal ang malignant na bukol sa kanyang kidney.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN