Zsa Zsa Padilla gets tattoo as tribute to Dolphy

IMAGE Noel Orsal

Aminado si Zsa Zsa Padilla na isang "mahabang proseso" ang pagtanggap niya sa pagpanaw ng kanyang long-time partner. Ngunit pinipilit niya raw maging matatag para sa kanyang mga anak.


Malaki ang pasasalamat ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang co-stars at buong staff ng pelikulang I Do Bi Doo, Bi Doo.

Habang ginagawa kasi niya ang pelikula, iyon ang mga panahong lumalala na ang kondisyon ni Dolphy, hanggang sa pumanaw na nang tuluyan ang Comedy King noong Hulyo 10.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa kahapon, Agosto 4.

Doon ay sinabi niyang naramdaman niya talaga ang pakikiramay ng kanyang co-stars.

"So, uhm, sa isang proyekto, mararamdaman mo yung pagmamahal at suporta ng kapwa mo artista ‘pag nagtatrabaho kayo.

"Talagang binibigay nila yung lahat nila. ‘Tapos kapag may pinagdadaanan ka, nakikiramay talaga sila, e. Talagang nakikisama sila, e."


U.S. TRIP. Siniguro ng Divine Diva na matatapos muna niya ang pelikulang ito bago magbakasyon.

Ayaw niya raw kasi nang may naiiwang trabaho, isang bagay na natutunan niya mula sa Hari ng Komedya, na nakasama niya sa loob ng 23 taon.

Pupunta ng California si Zsa Zsa kasama si Dra. Vicki Belo. Ipo-promote daw kasi nila ang Zein Obagi product ng Belo Clinic.

Kasabay nito ang pagpapa-check up raw niya sa Cedars-Sinai Hospital, at sasagutin ni Dra. Vicki ang gastusin sa kanyang pagpapatingin.

"Isang angel talaga si Dra. Vicky, dahil sabi niya, sasagutin niya yung aking checkup," pagbabahagi ni Zsa Zsa, nang makausap ng PEP kahapon sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Ang totoo niyan, it has something to do sa dati kong sakit, yung dati kong surgery. I was born with a defective urethra, at ang nangyari sa kidney ko no’n, parang namaga.”

Ang urethra ay ang daluyan ng ihi ng tao. Kung depektibo ito, maaapektuhan ang kidney o lapay, na siyang nagtatrabaho sa paglalabas ng “waste products” sa katawan ng tao, bukod pa sa pagpi-filter ng nutrients para sa dugo.

"So, yung kidney function ko, parang wala na sa normal. Every year nagpapa-check up ako sa neurologist dito sa Makati Medical Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, meron pala silang nakitang findings na hindi maganda. Siyempre, nangyari na yung nangyari. He gave me, that’s May… June… July, same findings.

"Ako naman, hindi ako ninenerbiyos dahil ang pagkakaintindi ko, meron daw kasi akong polyp. Ang pagkakaintindi ko sa polyp ay isang growth sa aking...

"Yun pala, malaki na yung growth doon sa aking kidney, and they want to remove it."

Ayon sa medicine.net, ang colon polyp, o ang sinasabi ni Zsa Zsa na "polyp," ay isang kundisyon kung saan may namumuong "fleshy growths" sa colon. Karaniwan daw nagkakaroon nito ang isang taong tumatanda na.

"So, they have to do another surgery on me.

"Nagkataon lang na meron kaming ilo-launch ni Dra. Vicky Belo na bagong produkto, yung Zein Obagi.

"Sabi niya, ‘Pumunta tayo sa California. Kasi since you want to seek a second opinion.’ Kasi, tamang-tama kasi, may nephrologist talaga si Dolphy sa Cedars-Sinai."

Kung walang gagawin na anumang surgery, dalawang linggo lamang daw ang itatagal ni Zsa Zsa sa U.S.


THE TATTOO. Samantala, ngayong araw ay babalik na sa ASAP ang Divine Diva.

Excited daw siya dahil talagang malaking bahagi na ng kanyang buhay ang pagpe-perform sa naturang noontime musical variety show.

"Actually, hindi nila alam itong balita na ‘to, kaya magugulat sila kapag sinabi ko na rin."

Ang tinutukoy ng singer-actress ay ang pagpapatingin niya sa U.S.

"Kasi parang sa showbiz, ang hirap na, ‘Totoo ba na meron kang kidney problems?’ Sabi ko, sige sasabihin ko na lang lahat.

"Kasi it is best na malaman na lang ng lahat na meron nga akong health issues.

"Pero sana, wish ko lang, kahit umabot ako sa surgery…kasi, siyempre, kapag naoperahan ka, three months ka na naman hindi makakatrabaho."

Bukod sa kanyang muling pagpe-perform, dapat din daw abangan ang ipapakita niyang tribute para sa yumaong long-time partner na si Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lamang daw siya aawit, dahil ipapakita niya rin ang tattoo na kanyang ipinalagay.

Matatandaan na noong nakaburol pa lamang si Dolphy, nagpa-tattoo na ang kanyang mga anak at apo bilang pag-alala sa Hari ng Komedya.

Matagal na raw siya kinukumbinsi ng mga anak at apo ni Dolphy na magpa-tattoo.

Ngunit tugon niya, "Sabi ko, ‘Yung akin, pag-iisipan ko muna kung anong…’ Kasi sa kanila, mukha. Yung kay Zia, parang yung logo ng RVQ Productions, sa nape niya."

Ang RVQ Productions ay ang film company ni Dolphy. Hango ang pangalan ng kumpanya sa acronym o initials ng tunay na pangalan ni Dolphy na Rodolfo Vera Quizon.

"Sabi ko, gusto ko lang ng tattoo na napaka-personal sa aming dalawa, pero kapag nakita ng tao, maiintindihan nila."


THE GRIEVING. Tatlong linggo pa lamang mula nang pumanaw si Dolphy.

Aminado si Zsa Zsa na "mahabang proseso" ang dapat niyang pagdaanan upang matanggap ang pagkawala ng kanyang kabiyak.

Kinuwento pa nga niya ang isang pagkakataon na naramdaman niya ang pangungulila kay Dolphy.

"Kahapon, I had a hard time, kasi we went to his favorite grocery."

Nagsisimula pa lamang sa pagkukuwento si Zsa Zsa ay naging emosyunal na ito.

"Kapag naglalakad ka, ‘tapos pipiliin mo yung mga dapat mong bilhin, maaalala mo yung paborito niyang juice.

"So, wala, lakas lang ng loob. Kasi kapag nagpadala ka sa hina, siyempre naiisip mo na may pamilya ka pa na kailangan mong suportahan."

Malaki raw ang pasasalamat niya sa kanyang mga anak na sina Karylle, Nicole, at Zia.

Hindi raw kasi siya pinapabayaan ng mga ito, at hindi nagsasawang pakinggan siya sa tuwing naaalala niya si Dolphy.

Ang panganay raw na si Karylle ang nagpaunawa sa kanya na unti-unti niyang kailangang "mag-move forward."

Anak ni Zsa Zsa si Karylle sa unang asawang si Dr. Modesto Tatlonghari, ngunit naging close na rin ito sa mga kapatid sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sinabi ng Divine Diva, "Ang sabi kasi sa akin ni Karylle, ‘Hindi ‘yan isang proseso na tanggap mo.’

"Una, parang in denial ka pa, ‘tapos you’re angry, ang daming acceptance, pabalik-balik.

"So, no’ng nagkaroon nga ako ng health issues, ang naging pinaka-concern ko yung mga anak ko.

"Sabi ko nga, parang kakatapos lang nila mag-alaga ng isang magulang, ‘tapos sa akin.

"Sana hindi naman lumala yung kundisyon ko, kasi nakakaawa rin sila.

"Kaya sana ‘wag naman umabot sa punto na aalagaan naman nila ako. Kasi kakatapos lang nila sa papa nila."



Itong darating na Agosto 19 ang forty days ng pagkamatay ni Dolphy.

Dahil nga nasa U.S. siya ng mga panahon na iyon, aalalahanin na lamang daw niya iyon kasama ang pamilya ng Comedy King na nakatira sa U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN