Zsa Zsa Padilla on possibility of being linked to Hayden Kho Jr.: "Dahil sobrang close talaga ako kay Dra. Vicki, parang it leaves a bad taste in the mouth."

IMAGE Glen P. Sibonga

“I don’t know. I think lang personally… It’s like yung mga kilala n’yong friends ko sa show business, pag natapos na sila sa karelasyon nila or ex-husband nila o ex-boyfriend nila, tapos kami naman, para sa akin, hindi,” sabi ni Zsa Zsa Padilla sa posibilidad na i-link sila ni Hayden Kho Jr. dahil sa madalas nilang pagsasama kaugnay ng ini-endorse niyang bagong clinic.


Magkasamang humarap sa entertainment press sina Zsa Zsa Padilla at Hayden Kho Jr. para sa launching ng ZO Skin Health and Medical System, ang bagong business unit sa ilalim ng Belo Medical Group at bagong product line din mula kay Dr. Zein Obagi.

Ginanap ang press launch nito kaninang tanghali, Oktubre 24, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Si Hayden kasi ang Operations Manager ng ZO, habang celebrity endorser naman nito si Zsa Zsa.

Sa presscon ay nasabi ni Hayden na inspirasyon sa kanya ang singer-actress at hanga raw siya sa pagiging matatag nito.

Inilarawan pa nga niya si Zsa Zsa bilang “woman of substance.”

WHAT IF... Pagkatapos ng presscon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa at ang tungkol sa paghanga ni Hayden ang inusisa namin sa kanya.

Hindi ba nag-aalala si Zsa Zsa na baka ma-misinterpret ng mga tao ang pagsasabi ni Hayden na isang inspirasyon sa kanya ang singer-actress?

Sabi ng Divine Diva, “I think they know about my story. Open book naman yung nangyari sa akin, di ba?

“So, parang ang bilis namang i-relate yun doon.”

Ang tinutukoy ni Zsa Zsa ay ang pinagdadaanan niyang lungkot ng pagkamatay ng partner niya at Comedy King na si Dolphy.

Sinundan pa ito ng pagkaka-diagnose sa kanya ng stage 1 kidney cancer, na mabuti na lang naagapan at sumailalim nga siya sa surgery.

Benign naman ang tumor na natanggal sa kanya.

Marami ang humanga kay Zsa Zsa, hindi lang si Hayden, dahil sa ipinakita niyang katatagan sa pagharap sa mga pagsubok na ito.

Pero hindi pa rin maiwasan na baka may sumulpot na intriga ng pagli-link sa kanilang dalawa lalo na ngayong magiging madalas ang pagsasama nila para mag-promote ng ZO.

Kahit paano ba ay na-foresee niya na baka mabigyan ng ibang kulay o kahulugan ang pagsasama nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, no!” natatawang sagot ni Zsa Zsa.

“Kasi palagi naman akong nasa bahay. Hindi naman siguro magkakaisyu ng ganyan.

“At kung magkaroon man, parang nakakatawa, di ba?”


GETTING TO KNOW HAYDEN. Kung tutuusin, mas close si Zsa Zsa sa dating girlfriend ni Hayden na si Dra. Vicki Belo. Dahil din sa celebrity doctor kaya niya nakilala si Hayden.

Sabi ni Zsa Zsa, “I don’t remember when we were first introduced to each other.

“But we had a trip before and I blogged about it in PEP.ph, yung trip namin sa South Africa.

“Of course, masarap siyang kausap because he reads a lot and I love books also.

“We always had the most interesting conversations together.”

Ano ang bagong discoveries niya kay Hayden ngayong magkasama sila sa ZO?

“New discoveries… just... siguro parang dati, you know, siyempre alam natin na na-tainted yung kanyang image because of the controversies that he went through.

“But of course, everybody is deserving of a second chance in life, di ba?

“Dahil lahat naman ng mga tao, nagkakamali sa buhay. Kasi kilala ko siya bago yun nangyari.

“Siguro nagkaroon ng panibagong faith sa kanya, yun.”

Lumayo ba siya kay Hayden noong ma-involve ito sa kontrobersiyal na sex-video scandal?

“Noong medyo controversial… siyempre siya mismo parang may sarili siyang mundo pa noon.

“And he has to discover himself or rediscover himself.”

Ngayong mas nakikilala na niya si Hayden, hypothetical lang, paano kung ligawan siya nito in the future, posible bang magustuhan niya ito?

“I don’t know. I think lang personally… ang hirap magsalita nang tapos, di ba?

“Pero personally, dahil sobrang close talaga ako kay Dra. Vicki, parang it leaves a bad taste in the mouth.

“It’s like yung mga kilala n’yong friends ko sa show business, pag natapos na sila sa karelasyon nila or ex-husband nila o ex-boyfriend nila, tapos kami naman, para sa akin, hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hindi sila talo ni Hayden?

“Oo, yun na yun.”

Mas gusto nga ni Zsa Zsa na i-maintain na lang ang pagkakaibigan nila ni Hayden para maging mas maayos din ang pagtatrabaho nila sa ZO.

Higit sa pagiging magkaibigan, purely business din ang relasyon nila ngayon.


FIRST CHRISTMAS WITHOUT DOLPHY. Ayon pa kay Zsa Zsa, hindi pa siya handa para sa bagong pag-ibig. Hanggang ngayon daw ay si Dolphy pa rin ang nasa puso niya.

Nagpaparamdam pa ba si Dolphy sa kanya?

“Wala actually.

“But I still talk to him every day. So, kanina, nag-usap kami.

“And then I find myself crying every morning para I can get through the day para, you know, naka-smile na ako. That’s how I think I’ll get by.

“Kasi pag nangyari yun sa buhay mo, parang you just live a day at a time.

“But you know, I find talaga that he is with each of us in spirit.

“Kung minsan sasabihin ko, niloloko, ‘Are you busy? Are you here? Can I have you for a few minutes?’ ganyan.

“Kasi sabi ko, bilang mga Kristiyano, talagang naniniwala tayo na binabantayan tayo at ginagabayan tayo sa lahat ng ginagawa natin.

“Yung pakikipag-usap ko sa kanya, it really helps. It keeps me sane.”

Lagi naman daw dumadalaw si Zsa Zsa sa puntod ni Dolphy sa Heritage Park. Muli nga siyang dadalaw dito sa October 30 para sa Undas.

Matatapos na ang Oktubre at unti-unti na ring nararamdaman ang pagdating ng Pasko.

Hindi nga maiwasang malungkot ni Zsa Zsa kapag naiisip niya na ito ang unang Pasko na hindi niya makakasama si Dolphy.

“Mahirap talaga. So, as early as a month ago, sinabi ko sa mga anak ko na hindi ako magpu-put up ng Christmas tree, ng Christmas décor and we will leave… we were planning to go to Korea for Christmas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“New Year nga, hindi ko alam kung saan kami.”


LOOKING YOUNG AT 48. Sa kabila ng mga pinagdaanang stress at pagsubok sa buhay, marami naman ang nagsasabi na tila hindi ito pansin sa mukha ni Zsa Zsa ngayon.

Marami nga ang nagsasabi na mas bata siyang tingnan kaysa sa edad niyang 48.

Madalas din siyang biruin na parang mga kabarkada o kapatid lang niya ang mga anak niya, lalo na ang panganay niyang si Karylle.

Sabi ni Zsa Zsa, “Si K naman talaga konti lang ang age difference namin, 16 years, so parang mag-ate, ganyan.

“But rest assured that we have a healthy mother-and-daughter relationship.”

Bukod nga sa magandang disposisyon sa buhay at pag-uugali, nagpapasalamat din si Zsa Zsa sa pagkuha sa kanya ng ZO Skin Health para maging endorser dahil talaga raw nakatulong ito para magmukha siyang mas bata sa edad niya at magkaroon ng blemish-free skin.

Bago nga raw siya operahan sa Amerika para tanggalin ang kanyang tumor, na-meet pa niya ang creator ng ZO Skin Health na si Dr. Zein Obagi at binigyan pa siya nito ng isang sulat na may inspiring words.

“Actually, friname ko yung letter niya kasi very, very sweet siya.

“Ang laking gulat ko nung pinadalhan niya ako ng sulat noong nandun ako sa clinic niya.

“Sabi niya, ‘Dear Zsa Zsa, Life is always a fight. A good fighter always win. You will win your health back. And I will win for you the beauty and skin care forever.’

“And this is before my surgery. So, nakaka-inspire talaga,” ang sabi ni Zsa Zsa matapos basahin ang note na ito na naka-save sa cell phone niya.

Ano na ang status ng kundisyon niya ngayon pagkatapos ng surgery?

“I’m okay. I just have to see my doctor every year na lang. Thank God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN