NEWBIE. Gab de Leon on being the son of multi-awarded actor Christopher de Leon: "Kapag prinessure ko lang ang sarili ko, baka ma-hinder lang ang work ko."

IMAGE Monching Jaramillo


Gab de Leon, the middle child of Christopher de Leon and Sandy Sandolong, is part of the cast of GMA-7's upcoming youth-oriented show Teen Gen.


Isa na namang celeb baby ang pumasok na rin sa mundo ng showbiz.
Siya ay si Gab de Leon, na middle child ng celeb couple na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Ipapakilala si Gab sa Teen Gen, youth-oriented show ng GMA-7, at si Malou Choa-Fagar ang tatayong manager niya.

Medyo natagalan bago ito nagdesisyong pasukin ang pag-aartista dahil pinili nitong makapagtapos muna ng pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ayon kay Gab, “Tinapos ko muna ang college. I took up Photography. It’s a three-year course...
“I've always liked showbiz naman. Pero yun lang talaga ang deal, matapos ko muna ang college then, I can go in showbiz.
"Ever since, love ko ang film."
NOT A FIRST-TIMER. Pero hindi naman bago kay Gab ang pagharap sa kamera.
Noong bata pa ito ay sumabak siya sa Ang TV 2, at lumabas na rin sa MMK, kung saan mismong ama niya ang naging direktor.
Nakagawa na rin daw siya ng special sa GMA-7, Bugso, kung saan nakasama niya ang Star For All Seasons Vilma Santos.
Bilang preparasyon sa pagbabalik-showbiz niya, sumailalim ito sa workshop ni Gina Alajar.
WHY JOIN SHOWBIZ? "Acting" ang rason daw ni Gab kung bakit siya nag-artista.
“That’s why I’m here. It’s a job that you get to try on a role, be different people, act out... It’s really intriguing talaga.
“So ever since, yun ang habol ko and yung meaning ng entertainment, film, and TV.”
Bakit sa GMA-7 siya napunta?
“Firstly, yung audition kasi, my manager, Tita Malou, so, nag-line-up ako. Ang daming tao. Nag-script reading ako, may camera. Nanginginig na 'ko tapos yun, 'action!'”
Ang Teen Gen ang magiging una niyang show sa Kapuso network at masaya raw siya na ito ang una niyang gagawin.
Sabi ni Gab, “Pati yung role ko, parang pasok sa akin. Jeff ang pangalan ko.
"Kuya ako ni Itos, played by Seth Isay.
"Good brother siya and magga-graduate na siya sa college.
"Nakaka-relate naman ako kasi nga, brother ako of two sisters and two brothers, and I think, perfect yung role ko.”
Kahit hindi pa raw sila nakakapagsimula ng taping, nakakapag-bonding na raw ang cast ng Teen Gen.
Dugtong ni Gab, “I like the idea na lahat kami, fresh. Bago. Giving chance [to newbies] talaga.
“I mean, third batch kami, but it’s refreshing.”
Puwede rin namang sabihin na dahil pare-pareho silang mga bago sa showbiz, mas balanse rin ang kumpetisyon kung sino nga sa kanilang lahat ang talagang magtatagal o tatangkilikin.
Ang sabi naman ni Gab tungkol dito, “Well, I think, kapag actor ka, it’s not about who shines the most talaga. It’s working talaga with your co-stars, to do good job for the show... That’s why we’re here.”
ADVICE FROM PARENTS. Tatlong bagay daw ang ibinilin sa kanya ng mga magulang.
“Well, have fun during the work. Respect everyone na makakatrabaho mo, and yung focus na ibibigay mo sa work. Yung three things na yun.”
Natawa naman si Gab nang tanungin namin kung sino sa mga magulang niya ang masasabing stage parent.
Aniya, “Wala naman. Unang-una, I have my manager naman so, they let me do my own things naman.”
Malaking advantage ba na mga kilalang artista ang mga magulang niya?
“No naman,” sabi niya.
“Like I’ve said, kapag magaling ang trabaho mo, even a newcomer can get really good in terms of career. Pero, marami ring actors ngayon na ang parents nila, artista...
“It’s a good thing naman because it shows lineage of acting or passion ng family.”|
Yung pressure na anak siya ng mga award-winning actors tulad ng kanyang daddy, may pressure?
“Wala naman. He’s really good, agree ako ro'n. Pero kapag prinessure ko lang ang sarili ko, baka ma-hinder lang ang work ko.
“I’m grateful na it’s him because he’s one of the best talaga. So, being compared to him is flattering naman din even though he’s my father. He’s good naman.”

HE'S TAKEN. Napansin ng ilang press na diretso kung sumagot si Gab. Sa katunayan, hindi ito nagpaliguy-ligoy nang tanungin kung may girlfriend na siya.
Sumagot ito ng "oo" at binanggit ang pangalang "Camille Juan," isang fashion blogger.
May isang taon na rin daw ang relasyon nila na nagsimula pa noong nasa kolehiyo sila.

Ang sabi ng binata ni Boyet, “E, I can’t deny naman that I have a girlfriend.

“How can you deny naman someone you love?”
Sa ngayon, mukhang wala naman daw magiging conflict sa role ni Gab kung may ipinapakilala man itong girlfriend.
“I don’t have naman loveteam. Parang ako ang kuya nila rito. But if ever man, she’s understanding naman if the role requires. She knows naman and she’s beginning to know the process.”
Tinanong din namin si Gab kung bukod sa kanyang ama, meron pa ba siyang hinahangaang actor sa showbiz.
Aniya, “I think, si Dingdong Dantes. They are working so... they must be really doing something good.”
Natawa naman ito nang sinundan namin ng tanong kung sino sa mga aktres ang gusto niyang makapareha.
“Magaling sina Rhian [Ramos] at Heart [Evangelista].”
Ano ba ang type niya sa isang babae?
“Well, down-to-earth, educated, smart, red hair,” natawa ito dahil obvious na ang non-showbiz girlfriend ang kanyang tinutukoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN