NEWBIE. Thea Tolentino sees Teen Gen asher "stepping stone" to make it big in showbiz: "Ibibigay ko talaga ang all ko..."

IMAGE Noel Orsal


Isa sa mga pagbabago sa buhay ni Thea Tolentino simula noong nanalo siya as grand winner ng Protégé ay mas tumaas daw ang self-confidence niya.


Masaya raw si Thea Tolentino, ang female winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, na may gagawin na silang show ni Jeric Gonzales, ang male counterpart niya na nanalo rin sa Protégé.
Sina Thea at Jeric ang dalawa sa mga bida sa spin-off ng youth-oriented show na T.G.I.S., na ngayon ay tatawaging Teen Gen.
Nakausap namin si Thea sa pocket presscon ng GMA-7 para sa siyam na bagong Kapuso teen stars, na naganap sa 17th Floor ng GMA Building noong Miyerkules, November 22.
“Masaya po kami kasi, may bagong show na po. Pero, kinakabahan po kami kasi, mataas daw ang expectation kasi, continuation siya ng T.G.I.S. na nag-hit talaga nang sobra-sobra. Kaya yung fans dati ng T.G.I.S., marami rin ang nagtu-tweet.”
Si Thea ang gaganap sa karakter ni Angge.
Aniya, “Ako po ang bestfriend ni Lyka, si Dianne Hernandez, po na anak naman po ni Peachy.”
Si Peachy naman ang karakter ni Angelu de Leon noon sa T.G.I.S., na siya pa ring role niya sa Teen Gen.

Si Jeric ang makakapareha ni Thea sa show.

CHANGES IN HER LIFE. Simula nang itanghal siya bilang female winner ng Protégé, nararamdaman ba niyang artista na siya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Opo, nararamdaman ko naman po,” ang nakangiti niyang sambit.
“Nagsisimula pa lang po kami kaya hindi pa po ganoon ka-grabe. Pero kung feel na namin na busy na kami, alam po namin na may mas gagrabe pa.”
Sa mga nakasubaybay ng artista search ng GMA-7, nagsimula si Thea bilang mahiyain. Kaya naman, kung may nabago man daw sa kanya, ito ay ang pagkakaroon niya ng self-confidence.
Dugtong ng dalaga, “Kasi po dati, wala po talaga masyado. At saka, sobrang mahiyain ako dati. Tahimik lang ako kapag hindi ako kakausapin, hindi ako kikibo.”
Kung tutuusin, ngayon pa lang niya mapapatunayan sa lahat na siya nga ang karapat-dapat na nanalo. Kaya naman, mahalagang proyekto ang Teen Gen para kay Thea.
“Ipapakita ko po sa show na ito, ibibigay ko talaga ang all ko. Kasi po, stepping stone po namin ito, ito pong Teen Gen.
"So, ipapakita po namin ang best namin. At kami po ni Jeric, hindi naman po namin ine-expect na kami ang mananalo kaya ipapakita po namin na karapat-dapat po kami.”

Since marami silang kasabay, mas nakakaramdam ba siya ng pressure?

Sagot niya, “Hindi naman na po namin naiisip ang competition. Ang talagang ka-competition po namin ay ang self namin. Kung papaano kami aarte at kung paano kami aangat sa industriyang ito...

“Kaya naman po, nagko-concentrate kami sa mga workshops para mas maging ready kami para isabak sa ibang show.”
Samantala, hindi pa raw natatanggap ni Thea ang mga premyong napanalunan niya sa Protégé. Bukod sa sasakyan, bahay, at scholarship, may malaking cash prizes ang grand winner.
“Wala pa po yung prize, inaayos pa po nila. Pero siyempre po, uunahin ko muna yung mga pangangailangan sa family bago ko po bilhin ang iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN