Andrew Wolff finishes 1st runner-up in Mr. World 2012; Colombia wins title

IMAGE 0


Nakuha ni Andrew Wolff (kanan) ng Pilipinas ang 1st runner-up title sa katatapos lamang na Mr. World 2012, na ginanap sa Kent, England. Ang nagwaging Mr. World 2012 ay ang delagate ng Colombia na si Francisco Javier Escobar Parra (kaliwa).


First runner-up si Andrew Wolff sa Mr. World 2012 na ginanap ngayong gabi, November 24 (November 25 ng madaling-araw sa Pilipinas), sa Kent Event Centre, Kent, England.

Si Andrew ang official delegate ng Pilipinas sa Mr. World 2012.

Ang nakakuha ng Mr. World 2012 title ay ang delegate mula sa Colombia na si Francisco Javier Escobar Parra, isang business administration student sa Cali, Colombia.

Second runner-up naman si Leo Delaney ng Ireland.

Bukod sa pagiging first runner-up, si Andrew rin ang tumanggap ng Multi-Media Special Award sa international male pageant na nilahukan ng 48 candidates mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Ang 27-year-old Filipino-British ramp model, part-time actor, at rugby player ang nanguna rin sa Mr. World Sports Fast Track event.

Ilang oras bago nagsimula ang pageant night, pinasalamatan ni Andrew ang lahat ng mga sumuporta at naniniwala sa kanyang kakayahan.

"Thanks for all your support. It really has been overwhelming! It has been an experience I will never forget!"

Kahit first runner-up si Andrew, ipinagbunyi ng mga Filipino ang kanyang tagumpay sa Mr. World.

Pero naging honest si Andrew nang hingin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga ang reaksiyon niya sa resulta ng contest sa pamamagitan ng Facebook.

Sabi niya, "Disappointed ako. I am smarter than Colombia kaya disappointed talaga ako.

"Kahit yung Sun Newspaper here, sinabi nila na dapat ako ang nanalo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN