Rhian Ramos won't be spending Christmas with boyfriend KC Montero

IMAGE Noel Orsal

Masayang-masaya umano si Rhian Ramos sa kasalukuyang estado ng kanyang relasyon sa DJ-host KC Montero. Nang tanungin kung minsan na ba silang nagkaroon ng LQ o lovers' quarrel, sabi ni Rhian, “No, wala. Hindi pa kami nag-aaway. Naisip ko, puwede naman pala. Puwede naman palang ganoon. Puwede naman palang hindi mag-away, possible! So, parang… hindi ko alam kung bakit ko pa iyon pinagdaanan, e, puwede naman pala na hindi mag-away. So, I’m just in a so much b


Kung ibabase ang takbo ng career ngayon ni Rhian Ramos sa kanyang personal life, kapansin-pansin na tila bumuti ang lahat mula nang makarelasyon niya si KC Montero.

Masasabi bang suwerte para kay Rhian ang kasintahang si KC?

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa isang fashion show na ginanap noong Nobyembre 26, sa Prive Club, The Fort, Taguig.

Doon ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin tungkol sa bago niyang lovelife.

“Hindi kasi ako masyadong naniniwala sa luck or… I don’t know.

"[For me] medyo luck exists, pero hindi ko lang napapansin or hindi ko pina-follow iyong rules na unlucky ito or lucky ito.

“Pero, I think, definitely nakakatulong iyong sobrang supportive niya.

"Nakikita mo naman, nandito siya,” sabi ni Rhian. Nasa loob din ng venue si KC para manood ng show.

Marami ang nakakapansin na tila magaan ang takbo ng relasyon nila ni KC. Wala ba silang nagiging problema?

“Wala. I’m so thankful.

“Parang kung sobrang gumanito, sobrang gumanyan naman,” saad ni Rhian habang iminumuwestra ang magkabilang kamay upang ipakita ang magkaibang antas.

Ang ibig niyang sabihin dito ay ang malaking pagkakaiba ng masaya at tahimik na relasyon niya kay KC ngayon, kumpara sa dating boyfriend na si DJ Mo Twister.

Matatandaang napalibutan ng matinding kontrobersiya ang hiwalayan nina Rhian at Mo noong nakaraang taon. (CLICK HERE to read related story)

Sunod naming tinanong kay Rhian kung hindi pa ba sila nagkakaroon ng LQ or Lovers’ Quarrel ni KC.

“No, wala. Hindi pa kami nag-aaway,” mabilis niyang tugon.

“Naisip ko, puwede naman pala. Puwede naman palang ganoon.

"Puwede naman palang hindi mag-away, possible!

“So, parang… hindi ko alam kung bakit ko pa iyon pinagdaanan, e, puwede naman pala na hindi mag-away,” pagkumkumpara niya muli sa naunang relasyon.

“So, I’m just in a so much better place now!” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba ni KC na ganito ang pasasalamat niya sa maaayos na takbo ng kanilang relationship ngayon?

“Alam na niya iyan. Binabasa nga niya,” natatawang sabi ni Rhian.

“Every time na merong [writeup]... binabasa niya 'yan. Kasi sinasabi niya sa akin,” masayang sambit ng aktres.

“Atsaka every time na I’m thankful, pag napapansin kong he does nice things, I really say. Expressive ako.

“I’m so see-through, you know what I mean?

"I’m so expressive na every time I’m happy, halata sa face ko. Every time there's something wrong, halata sa face ko.”

Masasabi bang si KC na ang gusto niyang maging matagal na karelasyon o boyfriend?

“Ahmm…It’s just so hard to predict. It’s so hard to predict.

“I mean, kung tinanong mo ako last year, I mean, or three years ago, every time naman I’m gonna say yes, di ba?

“Pero, I mean, I have not even had one problem [with KC], so there’s no reason para maghanap ng iba.”

Tinanong din namin si Rhian kung kumusta ang pakikitungo ni KC sa kanyang pamilya, kumpara sa pakikisama ni DJ Mo sa kanila noon.

May mga interviews kasi ang aktres kung saan sinasabi niyang nagi-effort daw si KC na mapalapit sa kanyang family and friends.

“Ahmm…you know the saying that, ‘There’s a world of difference?’

“Here [this situation], there is a universe of difference. Parang gano’n.

“It’s not even the same animal. It’s not even the same species. It’s like that.

“It’s like the difference from, like… how do I say? I don’t know. I can’t explain how different.

“Basta, I’m happy,” sabay ngiti ni Rhian, pahiwatig na mukhang satisfied naman siya sa pakikitungo ni KC sa kanyang family and friends.

Ngayong darating na Pasko, ano ang plano nilang magkasintahan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s gonna go home to his family and I’m gonna stay with my family also.

“But I’m sure I’ll see him naman, but not for Christmas.

“I don’t know how long he’ll be away, pero alam ko he’s gonna be abroad for the holidays.”

Wala bang posibilidad na sundan niya si KC sa ibang bansa?

“No,” mabilis na sagot ng aktres.

Kung gayon, mami-miss ba niya nang husto si KC?

“May cellphone naman kami,” sagot ni Rhian, sabay tawa nang malakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN