Celeb moms attend Amy Perez's baby shower

Dec 11, 2012
This December, Amy Perez will give birth to a baby boy who will be named "Isaiah Joaquin."

Matagumpay ang ginanap na baby shower ni Amy Perez noong November 25, sa Eastwood, Libis.

Maraming celebrities ang dumalo rito at nagpaabot ng mensahe sa kanya.

Sa ulat ng Ang Latest: Uplate nitong Lunes, November 26, wish ni Amy na mag-enjoy ang kayang mga bisita sa hinanda nilang baby shower.

Aniya, “Hello, mga kapatid! Nandito tayo ngayon sa baby shower na prinipare ng aking mga kaibigan at ng mga kapatid ko. Sana mag-enjoy kayo kasi for sure, mag-e-enjoy silang lahat din.”

"Isaiah Joaquin" ang ipapangalan nila sa kanyang ikatlong anak, na nakatakdang isilang ng host sa December.



WISH FROM FRIENDS. Ilan sa mga kasamahan sa industriya na dumalo sa baby shower ay sina Angelika dela Cruz, Tintin Bersola-Babao, Rita Avila at Agot Isidro.

Isa-isa silang nagbigay ng mensahe para sa kaibigang si Amy.

Say ni Angelika, “Unang-una, Tiyang, congratulations! Panibagong baby na naman, inunahan mo ako. Of course, I wish you all the happiness and sa baby naman, good health.”

Continue reading below ↓

Dagdag naman ni Tintin, “Bilang isang ninang, tandaan mo, Kumareng Amy, na nandito lang ako. Nandito lang si Julius, nandito lang kami para sa aming inaanak any time na kailangan mo kami.”

Ayon naman kay Rita, “Siyempre, ang wish natin ay magiging healthy ang baby at maging masaya. Alam ko, masayang-masaya ang mag-asawa. At guwapo yung anak nila kaya I’m sure, guwapo yung magiging baby.”

Tugon naman ni Agot, “Siyempre, safe delivery. Malakas naman si Amy, e 'tsaka it’s her third. Sana walang complications. Sana healthy yung baby. I’m sure healthy naman yung baby kasi masigla namang kumain si Amy, wala naman siyang problema.”

Samantala, wish din ng proud daddy for the second time na si Carlo Castillo na maging good boy ang kanilang anak.

Saad nito, “Kay Isaiah Joaquin, ang wish namin, maging good boy siya, God-fearing, 'tsaka good health paglabas niya.”

Pasasalamat naman ang naging tugon ni Amy sa lahat ng supporta sa kanya ng mga kaibigan at kamag-anak.

Continue reading below ↓

Aniya, “To all my family and friends, salamat! At sa inyo, kapatid, dahil kasama ko kayo sa bawat masayang araw at sa lahat ng mga pinagdadaanan ko... At siyempre, to my Ang Latest family, salamat din sa inyo!”

Read Next
Read More Stories About
Amy Perez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This December, Amy Perez will give birth to a baby boy who will be named "Isaiah Joaquin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results