NEWBIE: Shy girl Sunyee Maluche becomes the youngest female talent of Teen Gen

IMAGE Noel Orsal

Si Sunyee Maluche ang pinakabatang female cast member ng Teen Gen. Kasalukuyang nag-aaral siya sa isang German-European international school sa Bicutan.


Filipino-German ang newcomer ng GMA-7 na si Sunyee Maluche, isa sa mga ipapakilala sa Teen Gen.

Dito na sa Pilipinas ipinanganak si Sunyee na malapit ang pagkakahawig kay Solenn Heussaff.

Ang unang inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay kung bakit tunog Chinese ang first name niya.

“Nung pinanganak po ako, yung tita ko, Sunyee rin ang pangalan. Nandun siya, siya yung nagbigay ng pangalan ko,” natatawang pagkuwento ng newbie.

First audition at first exposure ba sa showbiz ni Sunyee ang Teen Gen?

“Sa showbiz talaga, yes... Dati sa commercials, but I only did three. Pero basically, one lang kasi yung dalawa, as in extra lang, so hindi ako masyadong nakita. Parang eksena lang sa gilid, ganyan...

"Tapos before Teen Gen, I did yung music video po nina apl.de.ap at Jessica Sanchez.”

Bakit hindi siya sumali sa Protégé o iba pang artista search sa telebisyon?

“Nahihiya po ako.”

Dahil dito, muntik na rin daw siyang hindi mag-audition para sa Teen Gen.

“Actually kasi, I didn’t really wanna join. I was shy, kaya sabi ko, ayoko. But my dad said it’s also better for the future."

Isang freelance photographer at artist ang ama niyang si Andreas Maluche.

Sa pagpapatuloy ni Sunyee, "Nung una, ayoko kasi wala akong kasama. Tapos pagdating ko dito, nakasabayan ko sa pila yung best friend ko, hindi niya sa akin sinabi.”

Hindi sinuwerteng makuha para sa nasabing youth-oriented show ang best friend ng 15-year-old Kapuso.

Sa Teen Gen, si Sunyee ay gaganap sa papel ni Drew.

“Ang real name ko is Andrea. Ang tawag lang po nila sa akin is Drew kasi medyo boyish po ako, lagi kong katambay yung mga guys, 'tapos lagi akong nagba-basketball.”

Sa tunay na buhay ay five years nang varsity player ng basketball si Sunyee.

Ka-loveteam niya sa palabas ang baguhang male talent na si Enrico Abel Estanislao, na siyang magiging JV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang daw kay Sunyee na kahit bata pa siya ay may ka-loveteam na siya, "kasi that’s showbiz."

Hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Dati'y may manliligaw siya, "pero tumigil na."

Dugtong niya, “Sabi niya po, studies muna, so kasi parang siguro na-feel niya na ayoko, so nag-stop siya.

“One day, nag-text na lang siya na, ‘Sige I’ll stop na lang muna [sa panliligaw].’”

Binati naman daw siya ng dating suitor nang nalamang artista na siya.

Sino ang crush niya sa showbiz?

Sagot ng dalaginding, "Hindi kasi ako masyadong nanonood ng TV. Siguro kung crush siguro, si… I really don’t know their names, e. Hindi po ako masyadong nanonood ng TV.”

Pero kilala niya si Solenn Heussaf, na siyang gusto niyang tularan, at si Gwen Zamora.

“Yung si Gwen at si Solenn, they used to be… taga-school namin so parang na-inspire po ako sa kanila.”

Gaya rin ba ni Solenn ay okay sa kanya na magkaroon ng sexy projects kapag nasa tamang edad na siya?

“Yes! Papayag po ako, opo.”

Papayag rin daw ang parents niya.

“Pumayag naman po sila kasi dati, may nagtanong na sa akin. Sabi nila, pag older na ako.”

How sexy?

“Like bikini, hanggang doon lang,” sabay-tawa ni Sunyee.

A sexy pictorial for FHM, okay sa kanya?

“Depende siguro, depende sa shape ng katawan ko,” muling natawa si Sunyee.

Pero hindi raw pababayaan ni Sunyee ang kanyang pag-aaral, kahit anong mangyari.

“Actually, gusto ko sana HRM [Hotel and Restaurant Management], kaso wala na daw HRM.

“Kasi po, like everyone in my family, puro Nursing na sila so parang gusto ko maiba. And I find serving, cooking, parang all that fun.”

Kaya malamang rin daw ay maging isa sa mga choices niya ang Culinary Arts sa college.

Bukod kay Sunyee at Abel, nasa Teen Gen din sina Gianna Revilla as Madison, Jeric Gonzales as Sanchi/Tiago, Thea Tolentino as Angge, Juancho Trivino as Lucho, Dianne Bernadette Hernandez as Lyca, Seth Patrick Isay as Itos, at si Gab de Leon bilang si Jeff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipalalabas ang Teen Gen sa December 16, sa direksiyon ni Mark Reyes, pagkatapos ng Party Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN