NEWBIE: Teen Gen's Seth Patrick Isay admits crush on Sam Pinto

IMAGE Noel Orsal

Seth Patrick Isay describes himself as "athletic guy." This Teen Gen newbie is a football player.


Si Seth Patrick Isay ay baguhang male star ng GMA-7 na gaganap bilang Carlitos (o Itos) sa Teen Gen.

“Ako yung younger brother ni Gab de Leon. Siya po yung good brother ko, yung nagmo-motivate sa akin na hindi maging rebelde.

"Kasi dito po sa Teen Gen, yung kami pong apat na barkada, kami yung mayayabang, mga palaaway, party boys,” ang panimulang kuwento ni Seth.

Bago mag-audition para sa youth-oriented show, sumubok na rin si Seth maging artista.

“Nag-audition po ako sa PBB [Pinoy Big Brother], iyon nga, parang... Kasi sabi ng manager ko, papasok na daw dapat ako pero sinabi ng dad ko... Ayaw po kasi ng dad ko since graduating student ako, fourth year high school. Gusto po kasi ng dad ko na mag-aral ako sa magandang school, sa ibang bansa, hopefully.

“Kaya hindi po ako natuloy sa PBB Teen Edition, kasi iyon nga daw po sabi niya, next time na lang.

"Hopefully, meron naman diyan sa susunod na magagandang opportunities pa na darating.”

Nag-aaral ngayon si Seth sa Colegio de San Agustin.

“As of now, may four months pa ako sa high school.”

Malapit na ang graduation pero pinag-iisipan pa raw niya kung ano ang susunod niyang hakbang.

“Tinitingnan ko po kasi hindi pa ako sure sa course na kukuhanin ko, so pinag-iisipan ko talaga.

“Kung dito man sa Philippines, sa La Salle, UST [University of Sto. Tomas], UP [University of the Philippines], or Enduran [Colleges], baka mag-culinary course po ako.

“Kung sa abroad naman po, siguro UCLA [University of California in Los Angeles] o NYU [New York University].

“Tina-try ko pong makakuha ng scholarship for football kasi football player po ako sa school po, 'tsaka sa football club namin."

Ano ang first exposure niya sa showbiz?

“Wala po talaga. Nag-VTRs po ako for commercials pero sadly, walang nakuha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ngayong nagkaroon siya ng ganitong oportunidad, pagsisipagan daw ni Seth ang kanyang showbiz career.

“Kasi bagong start lang po ako sa showbiz, nag-start lang ako July-August lang po.”

Consultant ng mga condominiums ang father ni Seth. Housewife naman ang kanyang ina. May dalawang kapatid ang Kapuso newbie.

Sa Alabang Hills nakatira ang kanilang pamilya, kaya biniro namin siya ng, "Mayaman ka pala."

Mabilis namang tumatawang sumagot si Seth, “Maliit lang po bahay namin!”

Bakit gusto niyang mag-artista?

“Ako po, napili ko pong pumasok sa showbiz kasi parang una, parang medyo naiilang ako at saka parang kakaiba siya. Parang medyo hindi ko trip pero once na nalaman ko kung paano siya, how it works, nagustuhan ko na po.

“Di ba iniisip ng mga tao sobrang dali lang, ganyan lang, lalabas ka lang sa TV, ganun na. Kaya akala nila, sobrang ano lang...

"Pero iyon nga po, nag-workshop po ako and nakakakilala ako ng ibang tao, nakaka-build din po siya ng personality, and parang mas nakikilala mo yung sarili mo, ganun po," mahabang pahayag ni Seth.

Sixteen-years-old siya at wala pa raw girlfriend. Pero, may crush siya sa showbiz: si Sam Pinto.

Si Sam nga raw ang isa sa naka-inspire sa kanya na mag-artista.

“Kasi parang kakaiba siya. Parang sobrang dedicated siya sa work niya, tapos nung nakasabay po namin siya sa rehearsal sa Party Pilipinas, sobrang yung mga small steps na parang nagkakamali siya parang gusto niya talaga ulit-ulitin para ma-perfect niya talaga."

Among the local actors naman, gusto niyang maging tuld ng ama ni Gab na si Christopher de Leon.

“Kasi yun, di ba dati, lumalabas siya sa ABS, paiba-iba po siya, at mahusay po siyang artista.”

Since nabanggit niya ang kabilang istasyon, gusto rin ba niya na paiba-iba siya ng channel?

“Hindi! Isa lang, hindi naman puwede ang puso ko andun sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napapanood ko po siya, bata pa ako. Sobrang makikita mo talaga na seryoso siya, mahusay, magaling. Love niya yung ginagawa niya. Parang sobrang passionate niya sa mga things na ginagawa niya.”

Ano ba ang gusto niyang genre?

“Ako po, depende talaga kung ano ang ibibigay sa akin ng company, ng GMA, kasi ako, willing naman ako. I will accept kahit anong role 'bigay nila sa akin. Sa tingin ko naman maha-handle ko yung mga 'bibigay nila sa akin. 'Tsaka challenge yun for me para ma-build pa yung sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN