NEWBIE: Juancho Trivino relates crossover from sports to modeling to acting

IMAGE File Photo


Si Juancho Trivino ang gaganap sa papel na Joaquin Torres IV o Lucho. Siya ang magiging anak ni Bobby Andrews, na siyang gumanap sa younger character na Joaquin Torres III sa defunct youth-oriented show ng GMA-7, T.G.I.S.


Una naming nakita si Juancho Trivino sa fashion show ng isang apparel brand.
Noong isang taon lang siya nagsimulang mag-modeling. Una siyang rumampa sa Philippine Fashion week.
Noon pa lang, pinaplano na niyang pumasok sa showbiz. At makalipas ang tatlong buwan, isa na siyang talent ng GMA Artist Center at ni Maristel Fernandez, at magiging bida sa Teen Gen.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) kamakailan sa 17th floor ng GMA Network Center, matagal rin daw ang kanyang paghihintay.

“Nag-aral po ako at tinuloy ko po ang pagba-basketball ko kasi, varsity rin po ako ng college. Nag-aral po ako sa La Salle Canlubang.

"Medyo matagal din po ang hinintay ko for this. Kasi, parang naghihintay po ako ng show na bagay sa akin at maganda yung pagpasok ko sa industry. Yun po,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Six feet tall ang 19-year-old newbie kaya hindi nakapagtatakang nalinya ito sa basketball.
Pero bakit nga ba hindi ang landas papuntang PBA ang tinahak niya?
“Yun po ang una kong dream noong bata ako. Pero, habang palakas nang palakas ang kalaban, mas palabo naman po nang palabo ang chances. Pero, okay naman po. Parang, I don’t think that’s for me po.”

FROM BASKETBALL TO MODELING TO ACTING. Paano siya napadpad sa showbiz?
“Si Tita Maristel po kasi, classmate sila ng dad ko noong elementary at high school. Noong nagkakaroon sila ng mga gathering, nakita niya 'ko. Noong pinasok po niya ako sa Bench, doon ko naman po na-meet si Kuya Arsi Baltazar ng GMA Artist Center.”
Hilig niya ba talaga ang pag-aartista o ngayon na lang?
“Siyempre po, noong bata pa po ako, naririnig ko na ang mga comments na puwede raw po akong mag-artista. Pero, hindi ko po hangad. May iba po akong gusto o priority, tulad po ng maka-graduate po ako ng college, maging basketball player.
“Pero since then, naging passionate po ako sa theater or acting. Nagdi-direk po ako ng mga school play.
"Parang doon ko po nakikita, at medyo nananalo naman po kami, doon ko nasabi na, 'I think, this is gonna be my line of work.'
“I think, my imagination is broad naman.”
Pero ang kursong kinukuha ni Juancho ay Business Entrepreneurship, kung saan nasa ikaapat na taon na siya.
Handa na ba siya sa buhay showbiz?
“Of course, of course,” nakangiting sabi niya. “Matagal kong hinihintay ‘to simula nang mag-audition ako. Talagang hinanda ko na ang sarili ko for this, mentally.”
Pagdating sa mga talentong puwede niyang ipakita, handa na rin siya?
“Acting-wise, oo, I’m ready. Pero yung singing, dancing, ide-develop ko pa rin,” pag-amin niya.
Kung siya ang masusunod, ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang career?
“Kung ako po talaga, ang plano ko po talaga, magtagal siyempre. Sabi nga po ni Direk [Mark Reyes, director of Teen Gen], konti lang po ang mga Christopher de Leon, Richard [Gomez] na nagtatagal talaga kasi, sobrang unstable business and only the strong survive.
“So, yun po. Parang gusto kong makilala na versatile actor ako na makakapasok ako sa bida, sa drama, sa horror, comedy.
"Kung anuman po yun na ibigay sa akin, icha-challenge ko ang sarili ko na maibigay ko ang best ko ro'n.”
Natawa si Juancho nang tanungin namin kung sino sa mga Kapuso stars naman ang gusto niyang makapareha.
Sabi ni Juancho, “Si Solenn Heusaff po at saka si Isabelle Daza po. If ever po.”
Bakit sila?
“Siguro po kasi, sila po yung noong nakita ko, na-star-struck talaga ako.”
Sino naman yung iniidolo niya?
“Si Dingdong Dantes po,” saad niya.
“Noong Encantandia days pa po, napapanood ko na siya. Nakilala ko na rin po siya at talagang nakakagulat din po.”
FIRST ROLE. Sa Teen Gen, si Juancho ang gaganap sa papel na Joaquin Torres IV o Lucho, na magiging anak ni Bobby Andrews.
Ayon kay Juancho, “Ako nga po rito si Lucho na spoiled, rich kid na maangas na bully sa school, kasama ang mga barkada ko.”
Lumalabas na sila ni Dianne Hernandez, ang kapareha niya sa Teen Gen?
“Sabi po. Pero, I’d like to think naman po na pantay-pantay kaming lahat and all-for-one, one-for-all kami.”
May pressure ba silang nararamdaman na ang dating youth-oriented show ng Kapuso network na T.G.I.S. ang susundan nila?
“Yes po, may pressure po sa amin. Kasi nga po, si Bobby Andrews at si Tita Angelu [de Leon], nakaka-pressure po talaga. Pero, sinabi nga po ni Direk na maging close lang kaming cast, parang mapapadali nang sobra ang work namin.
“Pero true enough naman, noong naging close kami, nagba-bonding kaming madalas, yung pressure, nawala na rin sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN