Cristine Reyes is the latest endorser of a beauty clinic

IMAGE Noel Orsal

Cristine of the newest endorsers of Calayan Surgical Corporation. She signed fifteen months contract as endorser of the beauty clinic, and most of the treatments she will have are for “skin care” and “facial” care.


Si Cristine Reyes ang pinakabagong endorser ng Calayan Surgical Corporation.

Pormal na ipinakilala si Cristine noong Disyembre 17, sa Christmas party ng naturang beauty company na ginanap sa Intercontinental Hotel, Makati City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press si Cristine, at dito’y nasabi niyang masaya siya na maging bahagi ng kompanya.

Tinanong naman ng isang miyembro ng press si Dr. Manny Calayan, kung hindi kaya magtampo ang ibang endorsers ng kanyang clinic dahil hindi ganoon kalaki ang launch na ginanap para sa kanila.

“Hindi naman,” nakangiting pagtangi ng doktor.

“Lahat naman sila nabigyan ko ng [launch].

“Pero tulad niya, Cristine is Cristine para sa akin. First Lady nga sa movie ‘yan, e!”

Ang tinutukoy ni Dr. Manny ay ang role ni Cristine sa 38th Metro Manila Film Festival entry na El Presidente.

WHY ONLY NOW? Naikuwento sa amin ni Cristine na noong Starstruck days pa lamang niya ay magkakilala na sila ni Dr. Manny.

Si Cristine ay nagsimula sa talent search show ng GMA-7 noog 2003, bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 2008.

Kaya naman nagtaka ang marami kung bakit ngayon lang kinuhang endorser ni Dr. Manny si Cristine.

“I don’t usually go sa mga derma that time, bata pa ako, e,” paliwanag ng Kapamilya actress.

Dagdag pa ni Dr. Manny, “Conservative pa siya no’n, at saka hindi pa siya aware sa mga ganyan.”

SKIN CARE. Fifteen months ang kontrata ni Cristine sa beauty clinic ni Dr. Manny.

At sa labing-limang buwan na iyon, “skin care” at “facial” daw ang ipapagawa niya kay Dr. Manny.

Paliwanag niya, “Kasi kailangan ng artista talaga ‘yan dahil lagi kaming naka-makeup sa work.

“Siyempre ita-try ko rin ‘yong mga treatments ni Doc Calayan para lalo tayong maging mas maganda sa TV, di ba?”

Napa-“very good” naman si Dr. Manny nang sinabi ni Cristine na ang pag-inom ng maraming tubig ang isa sa mga beauty regimen niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng aktres, “Enough sleep, 'tsaka lotion lang. Hindi ako maarte sa katawan, e.”

Bukod kay Cristine, ang iba pang bagong endorsers ng Calayan Surgical Corporation ay sina Gabby Concepcion, Vhong Navarro, at Billy Crawford.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN