PART 1: Daniel Matsunaga "not afraid" to fall in love with another Filipina even if "cultural differences" caused split with Heart Evangelista

IMAGE Noel Orsal

Kahit pa sinasabing "cultural differences" ang naging dahiln ng breakup nila ni Heart Evangelista, hindi raw siya na-trauma na magmahal ng isang Pilipina. Aniya, "I love girls from the Philippines. I lovethe Philippines, that’s why I’m here three years and a half na. I’m not afraid."


Limang buwan na si Daniel Matsunaga sa TV5, kaya kinumusta ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa sitwasyon ng career niya.

Bago ito lumipat sa Singko ay nag-Siyete muna ang Brapanese hunk, kaya ang una naming tanong: ano ang pagkakaiba ng dalawang TV stations?

“Actually, both of them, they’re giving me a really big opportunity dito sa Pilipinas.

“So, TV5, they’re really nice to me, parang family doon. They give me a lot of jobs ‘tsaka madaming opportunities sa trabaho ko doon.

“Meron akong Game N’ Go, Enchanted Garden, at Third Eye.”

Pero nagpapasalamat din siya siyempre sa GMA-7 na siyang unang nagbigay ng break sa kanya.

“So I’m learning a lot, and I really appreciate not just TV5 also GMA dati, di ba?

“So lahat ng opportunity na binibigay sa akin, masaya ako dahil sa kanila,” ang pahayag ni Daniel sa aming panayam noong October 30, sa opisina ng Mercator Artist & Model Management sa Makati.

May balitang napakalaki raw ng talent fee niya sa TV5.

Tumawa muna si Daniel bago sumagot.

Dugtong ng model-actor, “The offer, it’s a good deal. We made a really good deal, non-exclusive ako sa TV5.

“They are really nice to me to make it non-exclusive but guaranteed.”

Two years ang kanyang guaranteed, non-exclusive contract sa Kapatid network. Ibig sabihin nito, sigurado ang bayad sa kanya ng istasyon at makakagawa pa siya ng projects sa ibang istasyon.

Pero kahit pa ganoon ang set-up, ang sabi ni Daniel, “Of course, we need to have a really good relationship with TV5 muna, di ba?

“Kasi respect first.

“So alam ko yung deal so—yeah, masaya, masaya kami.”



LOVELESS BUT... Nang napag-usapan ang lovelife, ang nakatawang sabi ng binata tungkol sa kanyang status ay:

“Single, available, ready for the next.”

Kaya ba siya nali-link kay Eula Caballero?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O, grabe! Actually, I have been related to many girls pero hindi totoo.

“Kasi Eula and me, we’re just friends. We just work together in Third Eye. So we’re really close friends.

“Actually, she’s really a good friend lang kasi we’re always making jokes together there in the set of Third Eye.”

Pinabulaanan din niya ang usap-usapang nagde-date daw sila ng dalaga.

“Never. Of course, we have events before together outside of Third Eye, pero wala, kasi friendship lang, e.”

Pero sumagi ba sa isip niyang ligawan si Eula?

“I’m really focusing sa trabaho muna so wala ngayon. Hindi, e, kasi I’m really focusing lang sa work.”

Nagulat nga raw siya sa balitang lumabas na nag-uugnay sa kanila.

“Yes, really surprised, nagulat ako! Kasi, of course, I do my job. I’m very professional, and Eula, she’s a really good friend of mine.

"So both of us, we’ve got gulat.

“So when were in the set, we were even making jokes, I was saying, ‘Ah, girlfriend, come here!’

“Pero friends lang.”


READY TO FALL IN LOVE? Halos pitong buwan na rin since nagkahiwalay sila ni Heart Evangelista. Sa ngayon ba, masasabi ba niyang naka-move on na siya?

“I’m ready to fall in love. In God’s time, there will always be the perfect time.

“Oo, ready. Ready na ako. Moved on na ako.”

Hindi na raw ito nakakaramdam ng lungkot.

“Yes, yes, yes! Kasi ngayon, mag-e-enjoy ako ng buhay ko dito, yung mga friends ko, family ko, di ba?

“I have a sister, I have a Filipino family.

“I’m bringing my family here next month, the third time.

“My mom, my dad, my brother. And then my sister is already here—so lahat.”

Nag-segue kami sa kanyang younger brother, na inilarawan niyang, “Handsome… tall!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balak rin ba itong maging modelo?

“Baka. Baka, one day.”

HAPPY FOR HEART. Samantala, pina-follow pa rin daw niya ang ex-girlfriend na si Heart sa Twitter.

“Yes! Friends kami, e. We're still friends.”

Nakikita raw niya ang mga pino-post ni Heart na photos nila ni Senator Chiz Escudero.

“Yes. Walang problema.”

At wala rin daw siyang problema sa relasyon ng dalawa.

“Well, siguro if Heart is happy… kasi, I only know Heart pero I haven’t met Chiz yet.

“If she’s happy, I’m happy for her, kasi she’s really mabait. She really deserves the best in life.

“So I’m really happy for her. If she’s happy with her life, yung ganun... And I wish also one day to meet Chiz kasi I heard really good things about him.

“I haven’t met him. Nakita ko yung mga larawan pero iyon lang.”

May communication pa ba sila ni Heart?

“Since we broke up, of course, we were in touch, pero before, di ba?

“Pero we’re still friends, you know. Of course, if we see each other, we will say hi pero not the same as before.”

Nagkita na raw sila nung event para sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

"It was okay naman,” aniya.

Nag-beso sila?

“Yeah, cheeks lang. Cheeks lang, yung ganun.”

Pero hindi raw sila nagkausap “kasi it didn’t happen, e, so parang friends lang.”

Unlike before, mas maluwag na sa loob ni Daniel na magkuwento tungkol sa breakup nila ng aktres.

“We both agreed on, you know, when I was in Brazil, we spoke and we both agreed on, that it would be the best.

“The best not just for her but also for me, for our lives, so ganun.

“Sabi nga, cultural differences, yung ganun.”



ON HAVING ANOTHER PINAY GIRLFRIEND. Dahil ba rito ay ayaw na niyang magkaroon ng relasyon sa isang Pilipina? Na-trauma ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi! I love girls from the Philippines. I love the Philippines, that’s why I’m here three years and a half na. I’m not afraid.

“My sister have a Filipino husband, you know, so I’m really not afraid.

“I love the people here, they’re really welcoming, they’re really nice, a lot of pretty girls, you know… So I’m really not afraid, I’m really not."

Timing daw, at hindi nationality, ang mahalaga para mag-work ang isang relasyon.

“And I’m a Christian, you know. I believe God really has the right girl for me, the right timing, I just need to wait for that.

“For now, focus muna ako sa trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN