JC de Vera aims for versatility as an actor next year: “So hindi ako titigil hanggang hindi ako nahihirapan..."

IMAGE Noel Orsal

Ang opinyon ni JC de Vera sa paggawa ng independent films: “Mai-i-stretch lalo ‘yong kakayahan ko, kasi raw ‘yon, e... Doon ako magte-testing kung gaano talaga ako ka-flexible sa kahit ano.”


Sampung taon na sa showbiz si JC de Vera, at masaya siya sa itinatakbo ng kanyang career.

Nagsimula siya sa youth-oriented show ng GMA-7 na Click (2003), kung saan nakapareha niya sina Valerie Concepcion at Julianne Lee.

Sinundan ito ng sunud-sunod na drama series tulad ng Pati Ba Pintig Ng Puso (2007), Pasan Ko Ang Daigdig (2007), at Babangon Ako at Dudurugin Kita (2008), kung saan nakapareha niya si Yasmien Kurdi.

Naging ka-loveteam din niya ang dalawa pang Kapuso actresses na sina Rhian Ramos at Heart Evangelista.

Walong taon din sa GMA-7 si JC, hanggang noong 2010 ay lumipat siya sa TV5.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si JC noong Disyembre 19, sa Christmas party ng Enchanted Garden, sa isang warehouse sa Cainta, Rizal.

At doon ay nasabi niya sa amin kung gaano siya kasaya sa takbo ng kanyang career ngayon.

“Never akong naging negative about my career, kasi nga, laging positive ang tingin ko towards my career.

“Kasi nga ano siya… continuous learning process, so may times na babagsak ka, may times na maganda.

“Pero hindi naman lahat perfect, e.

“Pero until now nasa process pa rin ako nang nag-aaral. So okay ako, very positive naman.”

INDIE FILMS. Samantala, pinuna naman ng ilang miyembro ng press na matagal na ring hindi gumagawa ng pelikula si JC.

Taong 2010 pa nang gawin niya ang Hating Kapatid, kung saan nakasama niya sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

Pero para kay JC, season niya sa paggawa ng teleserye at iba pang TV programs, kung kaya’t wala siyang movie project.

Ngunit kung siya ang tatanungin, sakali mang gumawa siyang muli ng pelikula, gusto niyang subukan ang independent films.

“Ngayon, winu-work out ko na makagawa ako ng indie film,” nakangiting sinabi ng 26 taong gulang na aktor.

“Kasi nga, same reason, gusto ko matuto, different opportunity naman ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ‘yon ang winu-work out ko with Tita Anabelle ]Ram, his manager], na kahit sa very small rate makagawa ako, very small rate tanggapin ko para lang sa education na ‘yon.”

Pero bukod sa gusto niyang matuto, naniniwala siyang masusubok nito ang kanyang kakayahan bilang aktor.

Aniya, “Kasi mai-i-stretch lalo ‘yong kakayahan ko, kasi raw ‘yon, e.

“Doon ako magte-testing kung gaano talaga ako ka-flexible sa kahit ano.

“So it’s something to look forward to next year, na-e-excite ako kasi bago para sa akin.”

Kaya naman ang kanyang “challenge” sa sarili sa susunod na taon: “Ma-try kung hanggang saan ako.

“So hindi ako titigil hanggang hindi ako nahihirapan, gusto ko nahihirapan ako lagi, gusto ko may something new.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN