Baron Geisler's battle with alcoholism continues: "Sinusumpa ko na iyang alak. Walang naidulot na maganda iyan."

IMAGE Noel Orsal

Aminado si Baron Geisler na dumadaan pa rin siya sa stage ng depression. Saad niya, “Masyado akong naaapektuhan sa judgment ng tao, e. At saka I don’t know how to act anymore, to tell you the truth. Pag titingin ako sa babae o kakausapin ko, baka isipin nila maniac ako. Pag medyo naging swabe ako, sasabihin lasing ako. So, hindi ko alam talaga kung saan ko ilulugar ang sarili ko kung minsan."


Magandang impluwensiya raw kay Baron Geisler si Derek Ramsay, ang co-star niya at bida sa upcoming “heroserye” ng TV5, ang Kidlat.

Kailangan niya raw ng mga ganitong tao ngayon, lalo na’t muli siyang bumabangon at nagbabagong-buhay.

“Hindi naman lingid sa lahat ang mga pinagdaanan ni Baron na mga intriga at pagsubok sa buhay.

Sabi ni Baron, “Siguro noon, hindi ako seryoso sa mga ginagawa ko. Laging may kulang. 'Bakit ganito? Bakit eto lang yung meron ako?'

“But now, I’m so blessed ang ganda ng mga project, so talagang ninanamnam ko po bawat proyekto.

“And now, I’m very serious with what I’m doing because hindi na lang yung pera or yung fame o yung popularity ang iniisip ko ngayon o yung trabaho—it’s more of my future, e.

“Speaking of my future, ang galing na impluwensiya ng mga taong kasama ko rito [sa Kidlat], especially Derek.

“He’s acting like my big brother. Para kaming magkakapatid dito sa set, you know, kami nina Nadine [Samonte].

“And you know, he gives me advice and I would really listen to it because makikita mo naman sa buhay ni Derek, he’s very successful, good influence.

“So, para sa akin, I’m in good hands, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron kahapon, Disyembre 17, sa set visit at taping ng Kidlat sa TAPE Studio, Central Business Park, sa Manggahan, Pasig City.

IDOL DEREK. Dahil nga sa pagiging close nila ni Derek, niyaya si Baron ng co-actor niya na mag-spend ng Christmas kasama ang pamilya Ramsay sa Bukidnon.

Ayon kay Baron, “Oo nga, e. I’m thinking about it, kasi kasama ko rin ang mommy ko, e.

“But if I don’t have any plans, I could probably follow siguro sa 26.

“Kasi nga, ang dami kong natututunan kay Derek. And I hope talagang maisagawa ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung mga ibinibigay niya sa aking pointers, hindi mo mabibili kahit saan.

“Di ba, napakasuwerte kong tao na si Derek Ramsay pa yung nagbibigay sa akin nito, ng mga advice? And priceless yun.

“So, I pray talaga na maisaisip at maisapuso ko talaga yung mga sinasabi niya because makikita mo talaga sa lifestyle niya na he’s doing everything right.”

Inamin nga ni Baron na idol ang tingin niya ngayon kay Derek, pati rin daw pagdating sa fitness.

“Kahapon po nag-badminton kami ng dalawang oras, kami nina Derek, Nadine.

“Tapos this morning, nag-workout ako. Kasi gusto kong habulin ang katawan ni Derek, e!” biro niya.

Patuloy ni Baron, “He’s such an idol.

“I think, for an actor, he has the entire package. He’s not only a good actor but he also has a good image.

“And people really look up to him, and these young actors who are starting in the business should follow his footsteps.

“And even me, matagal na ako sa industriya, hanga talaga ako sa kanya, magaling talaga.”

PLAYING KONTRABIDA TO DEREK. Kung sa totoong buhay ay magkaibigan sina Baron at Derek, taliwas naman ito sa ginagampanan nilang roles sa Kidlat.

Gagampanan kasi ni Baron ang pangunahing kontrabida ni Derek sa "heroserye."

“Ako si Vincent Megaton. Tatay ko si Christopher de Leon and magkapatid kami ni Derek sa ama.

“Lumpo ako dito, so naka-wheelchair ako all throughout.

“Kumbaga, yung father ko, bilyonaryo iyan, e, napaka-genius. Lahat ng meron dito sa mundo, kumbaga nakuha na niya.

“Naging disappointed lang siya dahil yung totoong anak niya ay may defect, kumbaga, lumpo.

“Kaya mas naging pabor siya kay Voltaire [Derek] dahil si Voltaire yung malakas na bata.

“So, yun ang panggagalingan ng galit ko kay Voltaire. So, may pinanggagalingan naman yung angst ni Vincent.

“Tapos, eventually, pakiramdam ko lahat inaagaw sa akin ni Voltaire. Gaya si Lara, na si Nadine Samonte, na magkakaroon kami ng parang love triangle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong klaseng kontrabida siya rito?

“Napaka-grey, e, parang two-faced, e.

“Pag nasa labas siya o depende sa kasama niya, mabait siya.

“Pero pagka nagpaplano siya ng masama, para sa taong Kidlat, doon na lumalabas yung bad side ni Vincent.”

Gaano kasama si Vincent?

“To the point na pag sobrang frustrated siya, kahit mga bata wala siyang pakialam na mamatay, parang ganun. Basta ang gusto niya lang gumanti.”

Ayon kay Baron, very challenging ang role niya sa Kidlat.

“Actually, it’s one of my hardest roles ever.

“Actually, tinutulungan ako ni Direk Mike [Tuviera]. Kung hindi ako gina-guide nina Direk Mike, hindi ko magagawa itong character na ito.

“So, I’m very blessed na magagaling yung mga kasama ko rito, sina Direk Mike, Derek, Nadine, and yung staff, talagang sobrang professional, wala akong masabi.”

BUILDING HIS FUTURE. Sinasabi ni Baron na gusto na niyang paghandaan ang kanyang future. Ano ang ibig niyang sabihin dito?

“I’m thinking about my future, like I want to be successful as a person, not only as an actor.

“Yung mga dreams ko, gusto ko nang ma-reach.

“Hindi lang yung dream na gusto kong makainom ngayong gabi, di ba? Hindi na yung ganun,” biro niya.

So, ano ang goal niya ngayon?

“Ang goal ko ngayon is to have a nice house, to have a decent house, to have a family in the future na I can support them, na hindi mapapahiya yung pamilya ng babae or hindi mahihiyang lumaki yung mga anak ko.

“I want them to be proud of me. I want my family to be proud of me.”



MOVING FORWARD. Kumusta ba ang state of well-being niya ngayon?

“Okay naman. I’m moving forward,” sagot ni Baron.

“Sabi nga ni Derek, ‘Pare, you just have to move forward in a good way. Keep on moving forward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Dapat pa-increase nang pa-increase yung mabuti sa buhay mo. Hindi yung paatras nang paatras.’

“Alam mo yun, moving up, parang ganun.”

Pero ano ang komento niya sa sinasabi ng iba na hindi na raw siya magbabago pa?

“Hopeless case, parang ganun? You know, I cannot blame them talaga dahil sa mga nangyari.

“But they don’t really know me.

“What is important is the opinions of the people I love and who love me back—and sila talaga ang makapagsasabi kung sino talaga ako.

“I cannot blame them, people can be quick to judge.

“But, at least, sila ang nagbibigay ng… sila ang nagpapaalala sa akin na, ‘Hoy, Baron, prove it to yourself.’

“I will not prove it to them, I will prove it to myself this time.”

Hindi na ba siya umiinom o tumitikim man lang ng alak ngayon?

“Hindi na,” mabilis niyang sagot.

“Kasi once na mag-start ako, tuluy-tuloy na naman iyan. So, talagang hindi na.”

Ano ang ginagawa niya pag dumadating yung desire o temptation na uminom ulit ng alak?

“I read. I read self-help books, the Bible.

“Tapos, I go to Sunday service sa CCF [Christ’s Commission Fellowship], it helps talaga.

“Yun ang nagre-recharge sa akin.”

Paano pag uma-attend siya ng party o event na may alak involved, lalo na ngayong kabi-kabila ang Christmas parties? Ano ang nararamdaman niya?

“Siguro manginginig ako nang kaunti. Hindi ako magsisinungaling, tao lang naman ako, e.

“Pero buti na lang yung parties na napupuntahan ko sa TV5, they’re intelligent enough na hindi ako buyuhin o mag-offer ng alak.

“And they want to help me, e, that’s why I’m very blessed and very thankful sa TV5.

"Because of them, makakapag-ipon na ako to buy my mom a house.

“I’m very grateful, kasi ang tagal ko na sa industriya and dito pa ako magiging successful in that way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very grateful talaga.”

BIPOLAR DISORDER. Noong nakaraang buwan lang ay humingi ng pang-unawa sa mga tao ang kuya ni Baron na si Donnie Geisler, matapos ang pag-amin nito na may bipolar disorder ang kapatid na aktor.

(CLICK HERE to read related story.)

Ito ay makaraang nasangkot na naman si Baron sa panibagong gulo noong nakaraang buwan, nang awayin niya ang kanyang kapitbahay, na naging dahilan pa ng pansamantalang pagkakulong ng aktor.

Ano na ang ginagawa ni Baron ngayon para sa kanyang sakit?

“I’m taking my meds [medicines] every day. I’m taking it seriously this time.

“May konting stings of depression pa rin. Sometimes I’m not parang too comfortable… you know, under my skin, because of yung mga pinagdadaanan.

“Masyado akong naaapektuhan sa judgment ng tao, e. At saka I don’t know how to act anymore, to tell you the truth.

“Pag titingin ako sa babae o kakausapin ko, baka isipin nila maniac ako.

“Pag medyo naging swabe ako, sasabihin lasing ako.

“So, hindi ko alam talaga kung saan ko ilulugar ang sarili ko kung minsan.

“Buti na lang TV5 understands me, sina Derek.”

Ano na ang mga pagbabago sa kanyang disorder?

“May development naman at stable naman yung mga moods ko lately and nakakatulong din yung good company.

“I’m very blessed na tuluy-tuloy ang shoot namin.

“So, nagra-rub in sa akin yung greatness ng bawat tao dito, like si Direk Mike, kay Nadine…

“Nadine is such a sweet girl talaga, ang sarap niyang kausap. Very charming at napakalalim niyang tao.”

Hindi ba siya attracted kay Nadine kasi puring-puri niya ang dalaga, lalo na’t pareho pa silang single ngayon?

“Sino ba ang hindi maa-attract sa kanya? But right now, pinoposisyon natin na kapatid siya,” sagot ni Baron.

Bukod sa pag-take niya ng medicines, kumokonsulta ba siya sa isang psychiatrist o doktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, I’m seeing one. Kailangan, e. Kasi nga, somehow I have self-esteem issues, e, because of what happened.

“After the fire [nang masunugan sila dati], I felt na sobrang hirap po.

“Alam n’yo yun, coming from an okay family sabay talagang nag-decrease talaga yung lifestyle ko.

“And then, ang dami—yung alcoholism, yung nangyari sa PBB [Pinoy Big Brother]….

“People knew me as an alcoholic. Ngayon naman sira-ulo.

“So, right now, it’s really hard.”


COPING. Paano siya nakaka-cope?

“You know, I accepted na nangyari yung mga bagay na yun.

“But nasa proseso pa rin ng healing. It’s a lifetime process.

“Even with my alcoholism, it’s a struggle.

“So, I’m struggling with a lot but, you know, God is so good pa rin na He gives me the courage to wake up pa rin every day and to choose what I have to do, which is okay.”

Pakiramdam niya ba ay kailangan niya pa ring i-prove sa mga tao ang kanyang kabutihang taglay?

“No," sagot nito.

"You know what I want to prove…Yun nga ang naging problema ko kasi, e. Sa lahat ng mga nangyari, I try to think what other people say, which is wrong, that’s why I get paranoid, e.

“But now, it’s, like, I have to think about me. I just have to take care of myself.”

Hindi na raw niya kailangang pumasok sa rehabilitation center.

“Hindi na. Everything’s under control.”


DATING. Wala ba siyang nililigawan ngayon?

“Ah, steady lang. I’m dating.”

Hindi niya ba naiisip na huwag munang mag-lovelife at mag-focus muna sa sarili niya?

“Oo nga, e, kasi nabe-break ako, tumataas ang sales ng San Miguel [Beer], e,” biro niya.

“But that’s what I’m doing now. I’m focusing more on myself muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And the girl I’m dating naman is also a good influence. She doesn’t drink, she doesn’t smoke.

“She always reminds me almost every day to pray.

“She’s a Christian also and lagi niyang nire-remind sa akin yung good life na dapat kong ma-achieve.”

ASSESSING 2012. Paano niya ilalarawan at ia-assess ang mga pangyayari sa buhay niya sa 2012?

“As usual, roller-coaster ride.

“Ayokong sabihing shaky, roller-coaster ride, kasi mas marami namang good na nangyari kaysa sa bad, di ba?

“So, I’m grateful pa rin for 2012 kasi dumating itong Kidlat, dumating yung El Presidente.

"Then I did a few movies din. I did Sapi with Direk Brillante Mendoza.

“Hopefully, we go abroad [for international film festivals]. I’m looking forward to a blessed and abundant 2013 talaga.”

Nasabi na niya ang best na nangyari sa kanya sa 2012. Ano naman ang worst?

“Yung 14 hours sa kulungan. Talagang sabi ko, ‘What’s this? What’s happening with my life?’

“Sabi ko, I should improve myself more. Ibig kong sabihin, siguro naging masyado akong kampante.”

Kumusta na sila ng kapitbahay niyang nagpakulong sa kanya?

“Okay na. Pag nagkikita kami, ‘Uy, Kuya Rey, kumusta po?’ Okay na kami, nagbabatian kami.”

May plano nang lumipat ng lugar si Baron pero hindi raw ito dahil sa nangyari.

“Matagal na akong nagpaplanong kumuha ng house.

“And then, like nung last taping, sabi ni Derek, ‘You should take risk, Baron, para magkaroon ka ng disiplina and responsibility. Baka makatulong pa lalo iyan sa pag-mature mo, sa pagiging better person. To grow up as a new man.’

“And the next day, parang miracle, biglang yung tita ko, nakahanap ng house.

“‘O, Baron, eto yung house. Eto yung hitsura.’ ‘Game!’ gumanun ako.”


NEW YEAR’S RESOLUTION. Ano ang New Year’s resolution niya?

“New Year’s resolution… huwag nang makipag-away sa kapitbahay!” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, ang New Year’s resolution ko ay be more patient, be more kind, be more understanding, and yun nga, love thy neigbor.”

E, yung no to drinking?

“I think it should be that way, talagang never drink. No more na.

“Actually, 'sinusumpa ko na iyang alak. Walang naidulot na maganda iyan.”

Paano niya ide-describe si Baron Geisler ngayon?

“I’m on my way to becoming the man I’m supposed to be.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN