Derek Ramsay reveals confronting Baron Geisler in the past about his unprofessionalism

IMAGE Noel Orsal


Ikinuwento ni Derek Ramsay ang isang insidente nang muntik na niyang suntukin noon si Baron Geisler: “Alam niya yun, muntik ko na siyang suntukin before. I told him, sa set, sa Habang May Buhay yata… he’s not professional, he’s drinking on the set. So, sabi ko, ‘Nakakabastos ka na. Hindi lang sa akin kung hindi sa lahat ng tao rito.’ So, sabi ko, ‘Bago gawin ang eksenang ito, mag-sor


Nagsimula nang mag-taping si Derek Ramsay para sa kanyang kauna-unahang teleserye sa TV5, ang Kidlat.

Excited si Derek dahil kakaiba raw ito sa mga napapanood na teleserye ngayon.

Bago ang pagpapalabas ng Kidlat, maglalabas muna ang TV5 ng isang movie made for television tungkol sa teleseryeng ito.

Kuwento ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ipapalabas muna ang pelikula, ninety minutes film about the story of Kidlat.

“Di ba, usually, kapag nag-soap ako, pilot… ang sa amin, full-length film muna ang ilalabas.

“Ninety minutes about the movie of Kidlat and then teleserye na.

“Doble lagare. Tinatapos namin ang pelikula tapos teleserye.”

KIDLAT COSTUME. Si Kidlat ay isang bagong Pinoy superhero na gagampanan ni Derek.

Kumusta ang costume ni Kidlat?

“Ang costume ko, walang cape, walang tights, hindi ganun.

“Let’s just say, Hollywood level ang costume.

“Dito ginagawa ang costume, pero tagaroon ang gumagawa, from Hollywood."

May pagka-futuristic ba ang Kidlat?

“Well, it’s very endearing to people. Yung character ko, matatanggap ng tao ang character ko.

“Hindi ako yung parang si Superman, na tao lang ako na tatamaan ng kidlat.”

Isa ba ito sa inaabangan niya sa pagpasok niya sa TV5?

“Yes, it’s a challenge. It’s a challenge that I’ve been looking for.

“I wanted something new, ito na talaga yun, and it’s a big change.

“First time ko talaga na magpu-full costume.

“First time ko talaga na yung character ko ang pangalan ng serye.

“I thought I feel so much pressure, but weird, I don’t.

“Siguro kapag nag-umpisa na.

“I don’t feel any pressure kasi noong na-meet ko yung cast, sobrang enjoy lang.”

LEADING LADY. Isa sa leading ladies ni Derek sa Kidlat ay si Nadine Samonte.

Kung si Derek ay dating Kapamilya, si Nadine naman ay dating Kapuso.

Sabi ng aktor, “Nagkakatawanan na kami at kapag nagkatawanan na, mahirap tumigil. Kaya kanina, inilalabas namin sa sistema namin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BARON GEISLER. Kasama rin nila sa Kidlat ang controversial actor na si Baron Geisler.

Sabi ni Derek tungkol sa kanyang co-star, “With Baron Geisler, with this issue and all the stuff that he’s done, yes, he made a lot of mistakes.

“I told him kanina. And ako, sa isang show namin, pinagsabihan ko talaga siya.”

Paano niya pinagsabihan si Derek?

“Well, I really believe that he’s the Johnny Depp of the Philippines.

“At sinabi ko sa kanya, joke nga namin, ‘Nasabi mo na ‘to, nasabi mo na ‘yan.’

“Pero alam n’yo, with the right guy, right people around Baron, I think he’ll do well.

“We can give him another chance.”

Baka naman siya ang makakapag-impluwensiya kay Baron sa tuluyang pagbabago nito ngayong magkasama sila sa Kidlat?

Sabi ni Derek, “Alam niya yun, muntik ko na siyang suntukin before.

“I told him, sa set, sa Habang May Buhay yata… he’s not professional, he’s drinking on the set.

“So, sabi ko, ‘Nakakabastos ka na. Hindi lang sa akin kung hindi sa lahat ng tao rito.’

“So, sabi ko, ‘Bago gawin ang eksenang ito, mag-sorry ka sa lahat ng tao.’”

Pero ayon kay Derek, malaki ang bilib niya kay Baron bilang aktor.

“Sinabi ko sa kanya, ulit, I think he’s the Johnny Depp of the Philippines and he’s the most talented actor our country has right now.”

Bilang siyang bida ng Kidlat, hindi ba siya namili ng makakasama niya?

“Ay, no, I don’t choose whom I work with.

“I wanna work with everybody and I also don’t like not giving people a chance.

“He’s messed up many times but we should be giving him a chance,” sabi ni Derek tungkol kay Baron.

Masaya ba siya bilang isang Kapatid?

“Very happy,” nakangiting tugon ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN