Baron Geisler considers 14-hour imprisonment lowest point of his life

IMAGE Noel B. Orsal


“May mga natutunan ako. Lowest point ko yung 14 hours ako sa kulungan. Andaming nag-flashback, and ayoko ng ganitong buhay talaga. Para sa akin, I deserve a good life, and be careful next time. Yun ang pagkakamali ko, e. Nakalimutan ko kung minsan na artista po ako,” pagtatapat ni Baron Geisler tungkol sa kinasuutang gusot nitong mga nakaraang araw.


Eksaktong isang linggo matapos siyang makulong sa Station 5 ng Quezon City, umamin si Baron Geisler na marami raw siyang natutunan sa sinasabi niyang “lowest point” in his life.

Matatandaang noong November 9, inaresto si Baron ng mga pulis dahil sa diumano’y panununtok nito sa kanyang kapitbahay na si Raymond dela Rosa.

Kinabukasan, November 10, nakalaya naman ito at nagkaroon daw ng settlement ang kanilang pamilya sa pamilya ni Dela Rosa.

Kahapon, November 17, nag-guest nang live si Baron sa Ang Latest: Updated ng TV5 at dito'y masaya niyang ibinalitang okey na talaga sila ng kanyang nakaalitang kapitbahay.

Kuwento nga niya, “Okey na po lahat. Nagkaayos na po kami ni Kuya Ray. So, everything is settled.

“Now, I’m back at work and pinuntahan ko na po yung doctor ko. So, everything is ok.”

Naungkat sa interview na matagal na pala silang hindi nagkakasundo ni Dela Rosa, na nauwi na nga sa hindi magandang pangyayari.

Pero, tapos na raw ang lahat, kaya laking pasasalamat ni Baron.

Aniya pa, “Thank God talaga.”

Dagdag pa niya, “Okey naman, at okey na lahat.

“May mga natutunan ako. Lowest point ko yung 14 hours ako sa kulungan. Andaming nag-flashback, and ayoko ng ganitong buhay talaga.

“Para sa akin, I deserve a good life, and be careful next time.

“Yun ang pagkakamali ko, e. Nakalimutan ko kung minsan na artista po ako.”

CHEMICAL IMBALANCE. Lumabas din ang isyung may bipolar disorder diumano si Baron at nakaligtaan daw nitong uminom ng gamot noong panahong yun, kaya raw nakagawa ito ng kakaiba.

Totoo nga bang meron siyang ganitong kalagayan?

“Ah, may chemical imbalance po ako. Actually, more on anxiety attacks po. Kasi ho naging overconfident po ako na naging maayos na po ako, especially right after rehab.

“Naisip ko po na hindi ko na kailangang mag-meds.

“Yun pala e kailangan palang tuluy-tuloy yung pag-inom ng meds,” lahad ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEATEN INSIDE THE PRISON CELL? Pagkalabas ni Baron noong Sabado, nagkuwento naman ang kapatid nitong si Donnie Geisler na ipapasuri nila si Baron sa ospital dahil daw may mga nakitang pasa sa katawan nito.

At nitong mga nakaraang araw, may lumabas na balitang diumano ay nasaktan daw si Baron sa loob ng kulungan.

Pero ayaw nang pag-usapan ni Baron ang isyung ito.

Paliwanag niya, “Napag-usapan ko na po ‘yan dati sa ibang interview. Ayoko na pong pag-usapan.

“Pero gusto ko pong magpasalamat dun sa mga pulis. Gusto ko din pong magpasalamat sa mga tao dun sa loob, at prinotektahan naman ako sa loob.

“At right now, I just want to move forward and mag-concentrate na lang sa aking karera.

“And thank God, andiyan pa rin ho ang industriya,” pasasalamat ni Baron.

NOT A REGULAR GUY. Marami ang nagsasabing isa si Baron sa pinakamagagaling na aktor ng bansa.

Kaya naman marami ang nanghihinayang sa kanya tuwing nasasangkot siya sa mga gusot.

Pero ngayon daw, ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi sasayangin ang talento at magiging mapagmatyag sa kanyang ikinikilos.

Kuwento pa niya sa Ang Latest, “That’s why naisip ko po talaga dun sa loob, na I should be careful and watch my actions po talaga, na dapat di ko po dapat makalimutan na public figure ako.

“Yun po ang nakakalimutan ko madalas, kasi pakiramdam ko I’m just a regular guy, e. Simpleng tao.”

GOD AND PRAYERS. Sa mga ganitong pagkakataon daw, inaamin niyang ang pinagsusumbungan niya ay ang Diyos sa pamamagitan ng dasal.

Pero, minsan ay nakakalimutan din daw niya.

Saad pa niya, “Usually po kasi, I pray. Si God po. But nung medyo naging busy ako, yung prayer group ko, hindi ko na po napupuntahan.

“But I’m back, meron na akong kontrata na every Saturday magkikita po kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw, happy naman si Baron dahil may nagpapatibok na ng kanyang puso, isang magandang babae na galing din sa angkan ng mga artista.

Ayaw pangalanan ni Baron kung sino ito pero Montano raw ang apelyido nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN