NEWBIE: Artista Academy contestant Benjo Leoncio ready to take on career in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Benjo Leoncio may not have emerged the male grand winner of TV5’s reality star search show Artista Academy, but the 21-year-old newbie is game for anything— be it singing, dancing, or acting. That excludes agreeing to indecent proposals, of course.


Isa sa hindi malilimutan ni Benjo Leoncio sa taong 2012 ay ang pagsali niya sa Artista Academy.

Hindi man pinalad na manalo, nakaabot siya sa top 8 ng naturang artista-search reality show ng TV5.

“Nung nalaglag ako, siyempre medyo masakit rin sa pakiramdam.

“Pero contest talaga siya e so may mananalo, may matatalo. So, kailangan mo lang tanggapin the fact na natanggal ka,” ang sabi ni Benjo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Disyembre.

Bagamat hindi hinirang na grand winner, mayroong rason upang maging masaya si Benjo.

Kuwento nito, “May kontrata na kami ngayon sa TV5, tapos may gagawin na po kami, yung Forever Barkada na show, na kaming lahat [sa Artista Academy] ang kasama dun.”

Bago itonag-audition sa show ng TV5, isang 3rd year Civil Engineering major sa University of San Carlos ang 21-year-old na binata.

Sabi pa nito, “May dalawang taon pa sana kaya lang, nahirapan ako. That’s why I decided na pumunta ako dito sa Manila para maghanap ng ibang opportunities. Ako lang talaga, sarili ko lang talaga.

“I used to model in Cebu tapos nakilala ko yung manager ko si Jonas and then iyon, na-prove niya na okay yung management niya so pinuntahan ko dito.”

Sa Sinulog Festival sa Cebu nakilala ni Benjo si Jonas Gaffud na head ng Mercator Artist & Model Management, na siyang nagma-manage ng career nina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Shamcey Supsup, to name a few.

“Ipinakilala kami… naka-uniform lang ako tapos tinawagan ako ng isang kaibigan ko sa Cebu. Sabi [niya,] ‘Benjo ipapakilala kita sa may-ari ng Mercator.’

“So iyon, pinuntahan ko, tapos [sabi ko], ‘Ah ito pala yung Jonas Gaffud.'”

Ilang taon bang naka-kontrata si Benjo sa Mercator?

Ayos sa binata, “Honestly ang pinirmahan ko po sa Mercator, ten years talaga.

“May tiwala sila sa akin tapos may tiwala rin ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa management iyon at saka [nasa] sa akin din, sa sarili ko din, kung paano ko dadalhin ang sarili ko.”

Malapit si Benjo sa mga talents ng Mercator. Ayon dito, “Ako yung taong kahit sino, puwede kong makasundo, close ako. Actually, halos lahat ng makikilala ko magiging close kong tao.”


NOW AN "ARTISTA." Hindi nawalan ng pag-asa at hindi nag-isip [na] tumigil sa pag-aartista si Benjo matapos matalo sa Artista Academy.

“Actually, hindi! Hindi naman... Kasi alam ko naman, lahat kami may kontrata na, puwede na talaga kaming tawaging artista.

“And then masaya na ako na pumasok ako sa top 8 pero mas masaya sana kung pumasok sa top 6. Pero iyon yun, e.”

NOW A SINGER. Ibinahagi din ni Benjo ang hindi niya malilimutang karanasan sa pagsali sa Artista Academy.

Saad nito, “Marami yung experience ko. Yung una, parang sinabi ko na hindi talaga ako marunong kumanta.

"Pero I was thinking na sana may talent ako sa pagkanta kasi most of my relatives talaga sa Cebu are performers.

“Musicians talaga sila tapos dalawa lang kaming magpinsan ang hindi. Isa ako dun.

“So ngayon, nang napunta ako sa Artista Academy, parang lumabas yung confidence ko na kumanta.

“So, natuto talaga akong kumanta. Ngayon nag-e-enjoy na akong kumanta at mag-perform.

“Medyo natuto na rin akong sumayaw, pero sa pagkanta po talaga ako."

Dagdag pa ni Benjo, “[Sa] acting, ang dami kong natutunan sa acting— dun talaga ako nagsimula.

"Hindi ko akalain na yung acting pala, madadala mo sa personal mo na buhay, parang ma-i-re-relate mo siya talaga para magiging natural siyang tingnan.”

Inakala ba nito na sina Vin Abrenica at Sophie Albert— ang mga tinanghal na male and female grandwinners— ang mananalo?

Sagot ni Benjo, “Yeah! Nung nasa final day na talaga kami, sinabi ko talaga kay Sophie na... kasi kinabahan siya e. Sabi niya, sa tingin daw niya, hindi siya yung mananalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ikaw yung mananalo!’

“Tapos alam ko na kung si Sophie yung mananalo, automatic yun si Vin na yung mananalo kasi sila talaga yung parang standout talaga sila sa lahat e, sa lahat ng top 6.

“Perfomer naman talaga si Vin, nakita ko na sumayaw, siya talaga yung standout namin sa pagsasayaw. Deserving naman siya talaga.

“At magkamukha daw kami!” sabay tawa ni Benjo.

“Sa acting naman, si Sophie talaga ang Best Actress kasi magaling talaga siya mag-act.”

RANDOM SHOWBIZ QUESTIONS. Sino nga ba ang iniidolong aktor ni Benjo?

Sagot nito, “Kung sa local, marami kasing magaling, e. Usually sina Cesar Montano, mahilig kasi ako sa action. Kasi pag, let’s say sa romance, nandiyan lang yan, e.

“Sa edad kong ito, as in makaka- relate pa ako. Pero yung sa action talaga, nag-e-enjoy talaga ako,” saad pa ng 5’ 10” newbie.

Kung sakaling maalok ito ng isang sexy role, papayag ba si Benjo?

“Depende naman yun, e. I think hindi lang yata ako yung magde-decide diyan kundi yung management ko.”

Inamin ni Benjo na kung siya mismo ang tatanungin ay hindi pa ito handa para sa isang sexy role. Paliwanag niya, “Sa ngayon, kailangan ko pang mag-ayos ng katawan.”

Bagamat hindi pa ito nakaranas ng sexy pictorial, sinabi ni Benjo na bukas siya sa mga proyektong tulad ng Bench Underwear Campaign.

“Why not? Iyon pa, di ba? Sino ba naman ang hindi papayag kung kukunin ng Bench?”

Rarampa ba ito sa mga underwear fashion kung sakali?

Sagot ni Benjo, “Oo! Marami naman kami, e!”

Masaya ba siyang nasa TV5 siya at wala sa GMA or ABS-CBN?

“Happy naman ako na nasa 5 ako kasi sa naririnig ko lang, parang lahat ng mga tao gustong pumunta ng 5, e. So, ako kinuha ako. Masaya ako na nandun ako.”

IS HE TAKEN? Wala raw girlfriend ito sa kasakuluyan kaya madalas na kapiling ang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, ngayon wala po akong girlfriend. Tapos wala po akong nililigawan ngayon.”

E, sino ang hinahangaang babaeng artista ni Benjo?

Nangingiting pag-amin nito, “Ang daming maganda. Sa maganda lang, ha? Type ko nung una pa, nasa Cebu pa ako, si Ellen Adarna.

“Si Arci Muñoz ang ganda, nung nakita ko sa personal, ang ganda niya.

Dagdag pa nito, “Tapos si Anne Curtis. Yung karisma niya pag nakita mo siya… Iyon, yung karisma niya.”

INDECENT PROPOSALS. Pansinin, guwapo, at macho si Benjo kaya’t nakaranas na ng “indecent proposals” mula sa mayayamang gays, na tinanggihan ng binata.

Paliwanag ni Benjo, “Sa totoo lang, medyo pag sa ganyan, snob kasi ako, e.

“Pero siyempre marami akong kaibigan na ganyan sa showbiz.

“Kung sa hanggang kaibigan lang talaga, okay ako.

“Kasi disenteng tao naman ako, kahit noong nasa Cebu ako.”

Paano kung kotse na ang alukin sa kanya?

“Hindi naman puwede [ang] kotse kasi sa Cebu, may kotse naman ako,” sabay-tawa ni Benjo.

Hindi ba niya kailangan ng kotse sa Manila?

Sagot ni Benjo sabay tawa muli, “Okay lang, may taxi naman, puwede ka namang maglakad.”

May kaya ang pamilya nila, ayon kay Benjo.

“Contactor ang father ko, government employee naman ang mother ko sa Department of Agriculture.”

Samantala, panganay sa tatlong magkakapatid si Benjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN