Toni Gonzaga on having been courted by a "pare" who turns out be a "mare": "Hindi ko naman na-confirm, hindi ko naman alam. Tsismis lang ang naririnig ko."

IMAGE Noel Orsal

Bagamat 28 years old na si Toni Gonzaga, hindi pa rin siya nakakaligtas sa pagiging istrikto ng kanyang mga magulang, partikular na ang kanyang Mommy Pinty. Pero paliwanag ni Toni, “Ano lang sila, protective, pero hindi sila overprotective. Likas naman sa magulang yun na protektahan nila ang anak nila. Lalo na ang nanay ko, hindi ko lang nanay, manager ko pa."


Hindi naging mahirap para kay Toni Gonzaga na gawin ang pelikulang This Guy’s In Love With U Mare, sa ilalim ng Star Cinema at Viva Films, kahit first time pa lang nila nina Luis Manzano at Vice Ganda na magsama sa isang pelikula.

Magkakaibigan daw kasi sila sa totoong buhay kaya wala nang nangyaring adjustments at ilangan sa set.

Madali raw nilang nagawa maging ang mahihirap na mga eksena na ipinagagawa ng kanilang direktor na si Wenn Deramas.

Sabi pa ni Toni, “Tapos hindi rin namin first time makatrabaho si Direk, in several projects nakatrabaho na namin [siya].

“Kaya ang gaan lang sa set, masaya dahil alam mong mga kaibigan mo yung katrabaho mo, at saka gamay mo na rin kahit papaano.

“So, yun, wala naman masyadong parang weirdness. Masaya lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Toni sa grand presscon ng This Guy’s In Love With U Mare kagabi, Setyembre 27, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Dahil kaibigan na niya sina Vice at Luis, may mga bagong nadiskubre pa ba siya sa mga ito nang gawin nila ang pelikula?

Kuwento ni Toni, “Si Vice, ang hilig niyang kumain ng hotdog. Naka-pitong Bibbo hotdog-on-stick siya noong nagsu-shooting kami sa zoo.

“Paborito niya raw yun. Kahit yun lang daw ang ulam niya, okay sa kanya.

“Yun ang bagong na-discover ko kay Vice.

“Si Luis naman, pareho pa rin, professional, napakasarap katrabaho, mabait, parehong-pareho.

“Mas in love lang siguro ngayon. Dati kasi single iyan nung nakakatrabaho ko, e. Ngayon, in love na siya.”



A PARE-TURNED-MARE SUITOR? Ginagampanan ni Toni sa pelikula ang role ni Gemma, isang babaeng gusto nang mag-asawa kaya timing ang relasyon nila ni Mike (Luis).

Pero ang hindi niya alam, may dark secret pala ang boyfriend niya: dati itong nagkaroon ng karelasyong bading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahuhulog din ang loob ni Gemma kay Lester (Vice), ang bading na dating karelasyon ni Mike, na magpapanggap namang lalaki.

Kaya naman sa presscon ay natanong si Toni kung naranasan na ba niyang maligawan ng isang “pare” na sa kalaunan ay nadiskubre niyang “mare” pala, at ano ang ginawa niya?

Medyo naiilang pa si Toni na sagutin ang tanong at tila naguguluhang nagsabi ng, “Hindi ko alam, e. Hindi ko alam na mare, ang alam ko pare.”

Bigla namang sumingit si Vice na, “Late mo na lang nalaman, di ba?”

“Ewan ko sa iyo, Vice!” pagsita ni Toni sa kaibigan at co-star.

“Hindi ko alam e. Mahirap yung tanong… ano na lang, world peace na lang.”

Muli namang inusisa ng PEP ang naturang isyu nang makausap muli namin si Toni pagkatapos ng presscon.

Na-disappoint ba siya nung malaman niya na “girl” pala yung lalaking nanligaw sa kanya noon?

“Hindi, kasi pag kaibigan mo naman, di ba?

“Actually, yung mga ganun, tsismis-tsismis lang din. Nakakarating lang sa iyo.

“Hindi naman ako nanghuhusga ng tao. Wala naman akong karapatang manghusga ng tao.

“Kahit naman ako, hindi rin ako perpekto, marami rin akong kapintasan. Hindi naman kakulangan ng pagkatao yun.

“At saka yung sa akin, hindi ko naman na-confirm, hindi ko naman alam. Tsismis lang ang naririnig ko.

“Hayaan mo na.”

Pero magkaibigan pa rin ba sila ng guy na ito hanggang ngayon?

“Kaibigan ko, kaibigan ko lang,” sagot niya.

Nag-alala nga si Toni na baka yun na ang lumabas na isyu sa kanya.

Sabi niya, “Ano ba ‘yan? Baka iyan na ang isyu. Wala yun. Matagal na yun.”

E, wala naman siyang binanggit na pangalan, di ba?

“Kahit na. Baka kasi kung anong isipin nila at ma-pertain kung kanino.”



KISSING SCENE WITH VICE. Kaabang-abang daw sa pelikula ang ginawang kissing scene nina Toni at Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ipinakikitang trailer ng pelikula, mapapanood na napagitnaan sila ng aso. Pero meron pa raw isang kissing scene silang ginawa.

So, natuloy ba ang halikan nila?

“Secret! Hindi namin puwedeng ikuwento kasi para may panoorin kayo.”

Paano niya ilalarawan ang kissing scene niya with Vice?

“Iba… iba sa lahat. Hindi ako nagki-kissing scene, di ba?

“Parang gusto ko nang bumalik sa ‘no-kissing-scene policy.’ Parang ayoko nang mag-kissing scene,” biro ni Toni.

Ibig sabihin, na-trauma siya sa kissing scene nila ni Vice?

“Hindi naman trauma, kayo naman. Weird lang.

“Kakaiba, e, parang kiniss mo yung kapatid mo, si Alex [Gonzaga]. Di ba, weird?”

Naikuwento niya ba sa kanyang director-boyfriend na si Paul Soriano ang tungkol sa kissing scene?

“Oo, naku kay Direk Paul naman, alam naman niya trabaho lang ang lahat, e.

“At saka alam naman niya na hindi ako gagawa ng isang bagay na masyadong maku-compromise o yung mawawala yung pagkatao ko.”



GOING SEXY? Mapapanood din sa pelikula ang kauna-unahang pagbe-bathing suit ni Toni.

Pero ayon kay Toni, “Naku, sandaling-sandali lang po iyon. Patikim lang.

“Hindi ko alam kung kaya kong gawin yung sa isang buong pelikula.”

Posible pa bang masundan ang pagbe-bathing suit niya sa pelikula? Ano ang magpapapayag sa kanya?

“Baka. Tingnan natin. Basta maganda ang script at kailangan talaga.”

Totoo bang ikinagulat daw ng kanyang Mommy Pinty ang pagbe-bathing suit niya?

“Hindi ko na rin kasi nasabi para magkagulatan na lang din. Nagulat naman siya na hindi pa raw ako puwedeng pabayaan.

“At this age, sinabi niya talaga, ‘Hindi ka talaga pwedeng pabayaan kung ano ang gagawin mo.’”

Nagalit ba ang mommy niya?

“Hindi naman, kasi ikinuwento ko naman sa kanya kung ano yung eksena.

“Hindi naman yun yung bathing suit na ang ending ay hubaran o bed scene. Resort lang naman.

“Sabi ko, ‘Ano ang gusto mo sa resort, naka-pants ako?’ At saka one-piece naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabilis lang yung eksena. Hindi naman bastos.

“At saka hindi naman yung naka-tight shot sa puwet ko, sa boobs ko. Full shot naman iyon.”

Hanggang one-piece pa lang ba ang kaya niya?

“Hindi ko nga alam, baka sa susunod two-piece na. Palala pala nang palala!” biro ni Toni.

Nangangahulugan ba ito na papayag na rin siyang mag-pose nang sexy sa isang magazine cover?

“Hindi ko pa alam kung kaya ko na. Depende.

“Siguro yung classy lang. Hindi ko pa kaya ng all-out.

“May ginawa ako, yung sa Preview, pero hindi naman siya all-out.”

How about sa sexy men’s magazine?

“Hindi siguro sa men’s magazine. Kasi pag sa men’s magazine ka na nag-pose, iba na yung gusto mong palabasin.

"Gusto mo nang pagpantasyahan ka na ng mga kalalakihan.”

Ayaw niya bang pagpantasyahan siya ng mga kalalakihan?

“Gusto ko rin naman!” birong bawi ni Toni. “Pero huwag naman sa men’s magazine.”

Hindi ba magiging problema ito kay Direk Paul?

“Naku, wala namang ano ‘yang si Direk Paul.

“Ang problemahin ninyo, yung nanay ko. Hindi raw ako puwedeng maiwan.

“Katulad nung isang beses kami ni Alex, sabay na sabay yung magazine namin na lumabas, parehong kita yung cleavage.

“E, nasa Amerika siya [Mommy Pinty]. Pag-uwi niya, nagalit siya. ‘Hindi kayo puwedeng maiwan. Hindi ko maipakita sa Bible study group. Hindi ko mai-promote.’

“Pino-promote pala niya. E, hindi niya raw mai-promote dahil labas nga raw yung aming cleavage.

“Hiyang-hiya dahil siyempre makikita ng mga ka-Bible study niya yung cleavage namin.”

Pero napag-usapan na ba nila ng mommy niya na gusto niyang mag-level up?

“Oo, lagi kong sinasabi. Sabi nga niya, ‘Ikaw, pag hindi ka mabantayan, mag-bold star ka.’

“Biro lang naman niya iyon. Alam naman niya na hindi ako gagawa ng isang bagay na mababastos ako.”



PROTECTIVE MOMMY PINTY. Hanggang ngayon, nagiging isyu pa rin ang tila pagiging istrikto ng kanyang Mommy Pinty kahit na nga 28 years old na si Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang halimbawa raw nito ay pagte-text at paghahanap kay Toni pag lumalapit na ang oras sa alas-dose ng gabi at wala pa siya sa bahay.

Paliwanag ni Toni, “Normal na iyon. Parang nangangati na ang kamay nun bago mag-twelve.

“Kahit nga tulog siguro yun, nagta-type ang kamay nun. Twenty-eight years na niyang ginagawa iyon.”

Kailan matitigil ito?

“Pag nag-asawa na raw ako. Sabi niya, ‘Pag may asawa ka na, hindi ka na sa amin. Iba na yung ano mo. Hindi na kami ang mag-aalaga sa iyo.’

“Pero hindi naman strict ang mommy ko. Ganun lang iyon. Saan ka na?

“Yun na nga, e, siya ang manager ko, pero nakalimutan niya may dubbing ako!”

Pero may pag-aalala rin ba sa kanya na baka hindi niya kayanin kung sakali ngang tuluyan nang bumitaw sa pag-aalaga sa kanya si Mommy Pinty?

“Siyempre, minsan. Kasi actually, nararamdaman ko iyan hanggang ngayon, e.

“Parang pag may konting nangyari, consult sa mommy, consult sa daddy, consult sa kanila.

“Although maganda yun dahil at least hindi ako… pag may nangyaring masama, sila ang sisisihin ko. Or pero pag may kadamay ako sa mga problema ko.

“Ano naman… tinuturuan din nila akong maging independent.

“It just so happens na pag major decision sa buhay ko, malaking bahagi ang kanilang opinyon.”

Binibigyan ba siya ng timeline o deadline ni Mommy Pinty kung kailan siya mag-aasawa?

“Hindi, hindi niya sinasabing bawal akong mag-asawa or hindi ako pwedeng mag-asawa.”

Pero hindi ba nangangahulugan sa pangingialam ng parents niya na wala silang tiwala sa kanya?

“Meron, meron namang trust. Kasi maraming instances na rin sa buhay ko na pinagkatiwalaan ako ng magulang ko.

“Ano lang sila, protective, pero hindi sila overprotective.

“Likas naman sa magulang yun na protektahan nila ang anak nila. Lalo na ang nanay ko, hindi ko lang nanay, manager ko pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, alagang-alaga hindi lang yung career ko, pati yung imahe ko pine-preserve niya hanggang sa makakaya niya.”



TO MARRY IN 2-3 YEARS. Ano pa ang mga gusto niyang gawin bago siya mag-asawa?

“Marami pa. Yung programa na, sa akin, yung makaka-inspire sa mga tao.

“It’s something na I love to do, my passion, na isine-share ko yung buhay ko sa tao. Yung programa na puwede kong angkinin na akin.

“Dream ko yun. Actually, dream naming magkapatid yun na magka-show kaming dalawa na magkasama.”

So, matagal pa siyang mag-aasawa?

“Hindi naman. Mga in two, three years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN