Toni Gonzaga resumes work on new movie; still under medication after contracting bacterial infection

IMAGE Karen Pagsolingan

Nilinaw ni Toni Gonzaga na hindi anorexia ang dahilan ng kanyang pagkaka-ospital noong unang lingo ng Agosto. Nag-positibo si Toni sa H. pylori bacteria na siyang karaniwang sanhi ng gastritis at ulcer. Under medication pa rin ngayon ang aktres, pero balik-trabaho na ito matapos ma-confine.


Balik-trabaho na muli si Toni Gonzaga matapos niyang maospital mula Agosto 5 hanggang Agosto 9.

Nitong Lunes, Agosto 27, dumating si Toni sa pictorial ng pelikulang This Guy’s In Love With You, Pare sa Studio 8 ng ABS-CBN.

Ang This Guy’s In Love With You, Pare ay pelikula ni Toni kasama sina Vice Ganda at Luis Manzano.

Dito ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Toni.


H. PYLORI INFECTION. Isa sa mga napag-usapan sa interview ang naging sakit ng TV host/actress/singer.

Kuwento ni Toni, “Naging positive [ako] sa H. pylori na bacteria, then they found an inflammation na may slight hole lang naman sa stomach area.

“They’re saying na parang siguro ano iyon, [caused by] not eating at the right time and not eating the right food.”

Ayon sa medicinenet.com, ang H. pylori bacteria ay karaniwang sanhi ng gastritis at ulcer.

Madalas itong nakukuha sa pagkain ng contaminated food and drinks o di kaya ay sa mga hilaw na pagkain.

Tanong ng press: Hindi kaya isa ring dahilan ng pagkakasakit ni Toni ay dahil hindi na siya kumakain at all?

“Hindi! I eat a lot nga, e,” mabilis namang sagot ng aktres.

“Pero ang problema ko, since... because of the work schedule, di ba, hindi naman tayo laging nakakakain on time?

“Like, 12 o’clock minsan may work tayo, so kakain tayo mga 2 p.m., 3 p.m.

“Then when we eat, madami, so masama daw iyon.”

Under observation pa rin hanggang ngayon si Toni, bagamat pinayagan na siya ng kanyang doktor na makabalik sa trabaho.

Habang naka-confine noon sa ospital, isinagawa ang ilang endoscopy at colonoscopy tests sa kanya. Ito ay upang matukoy nang maigi ang kanyang sakit.

Halos apat na araw rin siyang naka-dextrose habang isinasagawa ang mga naturang tests.

Kuwento ni Toni, “Under medication ako for two weeks, then may gamot na iinumin for two months for [digestive] regulation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After two months, I have to go back [sa hospital] kasi dapat daw mawala na iyong inflammation.

“Parang slight na mukha siyang pimple, e. Nakita ko.

“Dapat daw mawala iyon after two months, and then pag nawala na siya, regular na lahat, normal na.”


NOT ANOREXIC. Ang apat na araw na pagkaka-suwero ni Toni ang isa raw sa posibleng dahilan kung bakit mas lalo siyang nangayayat ngayon.

Aniya, “Siguro iyon [ang dahilan] kaya ako pumayat kasi na-hospitalize ng four days, tapos naka-IV kaya…

“Tapos iyong food na kinakain ko, hindi na pwede ang mga salad, hindi na pwedeng mabusog, hindi na pwede iyong mga raw food kasi nga may bacteria.

“Hate na hate ko nga iyong hindi pwedeng mabusog. I hate it!”

Pinabulaanan naman ni Toni ang bali-balitang baka anorexia na raw ang sakit niya—na siyang posibleng naging dahilan ng kanyang pagpayat.

“Never! Ang sarap kumain, ‘no. Ang sarap kumain.

“Never kong ini-starve iyong sarili ko,” paglilinaw ni Toni.

Ayon pa rin sa medicinenet.com, ang anorexia o anorexia nervosa ay isang "eating disorder" kung saan nagiging "obsessed" sa pagda-diet ang isang tao.

Isa rin itong "psychological disorder" kung saan ang tao ay nawawalan ng "self-esteem" dahil pakiramdam nito ay mataba siya kahit hindi naman.


NO VISITORS. Ikinuwento rin ni Toni na walang nakadalaw sa kanya noong panahong naka-confine siya sa ospital.

Kasagsagan kasi noon ng pananalasa ng habagat sa Kamaynilaan.

Hindi man nga lang daw siya nabisita ng nobyong si Paul Soriano dahil sa baha.

“Ang daddy ko nga hindi rin nakadalaw dahil baha rin sa Taytay [Rizal],” dagdag niya.


THIS GUY'S IN LOVE WITH YOU, PARE. Samantala, nagbigay naman ng ilang updates si Toni tungkol sa bago niyang pelikula sa Star Cinema—ang This Guy’s In Love With You, Pare.

Kasama niya sa proyektong ito ang mga kaibigang sina Luis Manzano at Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nagkakaroon ng sapawan sa pagitan nilang tatlo dahil pare-pareho silang bida sa pelikula?

“Silang dalawa laging nananapaw,” pabirong sumbong ni Toni sa press.

“Hindi... I think iyong maganda sa set namin is because iyong director namin, si Direk Wenn [Deramas], mahusay siya.

“Nakatrabaho na niya kaming lahat in separate projects, so alam na niya iyong weaknesses, iyong strengths naming lahat.

“So, noong pinagsama-sama na kami, alam na niya—alam na niya kung paano i-distribute iyong eksena, alam na niya iyong mga instructions na ibibigay—kaya wala, wala kaming gano’n [sapawan].

“Saka ano naman, mga professional naman kami sa set. Si Luis very professional, si Vice din.

“So, pag nasa set na, talagang in character. At kung ano’ng hinihingi ng character, talagang iyon iyong ibinibigay.”

Ano ba ang role ni Toni sa pelikulang ito?

“Psycho ako dito…charos! Naku, pang-award-winning pala, ‘no? Black Swan pala ako dito,” biro ni Toni.

“No, I play the role of Gemma, 'tapos meron akong dalawang lalaking manliligaw sa akin.

“Pero iyong isa, hindi naman pala totoong lalaki.

“Iyong isa pala, kaya nanliligaw sa ‘kin, kasi gagantihan niya iyong ex niya na si Luis.

“So, ako naman, I will fall for both guys not knowing iyong isa, na hindi naman pala totoong guy.”

Dahil kilala na silang tatlo na mahuhusay sa comedy, makakaasa ba ang publiko na magiging "riot" sa katatawanan ang pelikulang ito?

“Ay, ang saya! Hindi na nga namin minsan alam kung anong gagawin kasi napapagalitan kami dahil tawa kami nang tawa sa set.

“Minsan may mga eksena na sinisigawan na ‘ko ni Direk Wenn kasi nanginginig iyong balikat ko pag iyong over the shoulder [shot].”

Karamihan sa mga pelikula nina Toni, Luis, at Vice ay naging hit sa takilya—lalo na ang Praybeyt Benjamin ni Vice, na hanggang ngayon ay record holder pa rin bilang highest-grossing Filipino film of all time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba na nararamdaman si Toni para sa pelikulang ito?

“Lagi namang may pressure sa industriya. Kahit any project na gawin natin, may pressure.

“But I always say, if I will siguro think only about the pressure, hindi ko mae-enjoy iyong opportunity, iyong project.

“So instead of thinking about the pressure, siguro i-enjoy ko na lang iyong break and this wonderful movie, like what we’re doing.”

Ipinagdarasal din daw naman ng buong team na sana ay kumita nang husto ang pelikula, bagamat magiging bonus na lamang daw ito para sa kanila kung sakali.

“Siguro mas importante sa ngayon, dahil wala pa naman iyong showing e pagandahin muna naming iyong pelikula.”


BILLING ISSUE. At dahil pare-parehong big stars ang tatlong bida ng This Guy’s In Love With You, Pare, hindi naiwasang tanungin si Toni kung sino ang mas mataas ang billing sa pagitan nila.

Aniya, “Ay, wala naman akong gano’n. Wala akong probema sa billing.

“Sa bill, sa paycheck, doon tayo magkakatalo.

"Wala akong problema sa billing, basta iyong bill ko ano [maayos]!” pabirong sagot ni Toni.

May katotohanan ba ang mga biro sa kanya ni Luis na madalas niyang kuwentahin ang kanyang kikitain sa pelikula?

“Sira-ulo iyan si Luis. Hindi, ha! May calculator lang ako minsan!” natatawang sagot ni Toni.

Pero dagdag niya, “Hindi. Wala namang gano’n."

Sino naman sa kanilang tatlo ang ipapakita sa last frame ng pelikula?

“Siyempre ako!" muling hirit ng aktres. “Hindi. Hindi ko alam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN