Toni Gonzaga on recurring news that she and Paul Soriano have broken up: “Siguro dahil tahimik kami, dahil walang masyadong issues, kaya akala nila, wala na kami.”

IMAGE Allan Sancon

Toni Gonzaga on the formula for a lasting relationship with Direk Paul Soriano: “I think walang formula ang isang relasyon, gaya ng isang marriage. It’s just a willingness to make it work.”


Damay palagi sa mga usapang hiwalayan sa showbiz ang matagal nang magkarelasyon na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Marami rin naman ang nagsasabi na mauuwi sa kasalan ang limang taong relasyon ng TV host-actress-singer at ng direktor ng commercials at pelikula.

Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang Cinema News, na linawin kung ano nga ba ang estado nina Toni at Paul.

Sabi ni Toni, “Ang dami ngang nagte-text sa akin. Kahit si Mamang Pokie [Pokwang] nag-text sa akin...

“Nabasa raw niya sa Twitter niya, marami nga raw ang nagtatanong sa kanya.

“Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro dahil tahimik kami, dahil walang masyadong issues, kaya akala nila, wala na kami.

“Saka siguro dahil uso ang hiwalayan lately, kaya siguro akala nila sunod-sunod, kumbaga, domino effect.

“Hindi rin naman ako yung tipo ng tao na ma-deny. Hindi ko rin naman naging nature na magde-deny-deny, kasi… para ano?

“Mahirap sa posisyon ko kasi nagho-host ako ng showbiz-oriented talk show.

“Mahirap akong paniwalaan at mahirap ding mag-open up sa akin ang ini-interview ko kung ako mismo ay hindi rin totoo sa kanila."

NO BASES. Wala naman daw basehan ang mga balita, paglilinaw ni Toni.

“Wala! I think nasanay na kayo na halos every year or every two years, may issue ng hiwalayan.

“Kung di hiwalay, may third party siya. Nalalampasan naman sa awa ng Diyos yung ganung mga issues.

“Mga normal na bagay—oras, panahon, schedule, saka maliliit na bagay na hindi siguro mawawala yun sa relasyon...na hindi magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.So, sanay na kami.

“I think it’s a matter of working hard for it to work. So, it’s a work in progress.”

May pagkakataon ding nali-link si Direk Paul sa iba, at inaamin naman ni Toni na nagseselos siya noong una.

“First year lang naging issue yun, dating-dati pa. Pero ngayon nakalimang taon na, nag-grow na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung bakit ganito ako, pero di ako selosang babae. Kampante rin naman ako sa fez [face] ko.

“Minsan issue yun, e—na di ako nagseselos.”

AFFECTED. Nung mga unang taon ng kanilang relasyon, naaapektuhan talaga si Direk Paul sa isyu ng hiwalayan pero nasanay na rin daw ito.

“Sanay na. Nung una, yung second year namin, nahe-hurt siya, na bakit gusto ng mga tao na mag-break kami?

“Sabi ko, ‘Ganito talaga sa industriya, masanay na lang tayo.’

“I think it saved us a lot of heartaches and pains when we started ignoring those issues.

“Ngayon wala na, manhid na..."

Tinanong namin si Toni kung ano ang sikreto ng kanilang matatag na relasyon.

“Di ko masabi kung ano talaga. I think walang formula ang isang relasyon gaya ng isang marriage.

“It’s just a willingness to make it work. Siguro yun... yun.

“This may sound cliché, but if you really put God at the center of your relationship...

“Na… you know He’s between the two of you, at Siya ang mamamagitan, at alam ninyong magiging maayos ang lahat.”

VACATION ISSUE. Nilinaw rin ni Toni ang napabalitang bakasyon nilang dalawa ni Direk Paul out of the country.

Lumabas nga sila pareho ng bansa, pero iba ang tunay na mga pangyayari, ayon kay Toni.

“Nag-out of the country ang family namin. Sila naman ay kasama ng out of the country ng Team Pacquiao.

“Nagkita kami sa Vegas, tapos nagpunta ang family ko sa New York.

“Tapos nag-screening ang Thelma sa New York, so nagkataon talaga na nagkita-kita.

"Pero it was not a vacation plan for both of us.

“Kasi hindi papayag si mudra [mother].

"Alam mo naman ang Mommy ko, akala niya ang anak niya, PBB [Pinoy Big Brother] teens.”

Ang mommy ni Toni ay siya ring manager niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ang Thelma ay pelikulang dinirek ni Paul, na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Nitong taon, nakuha ni Maja ang Best Actress award mula sa prestihiyosong Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa pagganap niya rito.

MOVIE WITH VICE GANDA. Excited si Toni sa pelikulang pagsasamahan nila ni Vice Ganda at Luis Manzano.

“Ang saya-saya! Wala kaming sayang na araw sa shooting kasi puro tawa.

“Actually, minsan nga napapagalitan kami kasi hindi kami makapag-take ni Vice.

“Kasi si Vice pag tumingin lang, natatawa ako, natatawa kami lagi sa isa’t isa.

“Yun ang struggle namin—kung paano namin matatapos ang isang eksena.

“Actually, isa ako sa unang naging unang malapit sa kanya sa industriya kasi 2007 kami nung nagkatrabaho… bago pa lang si Vice nun.”

Sa galing ni Vice at Toni sa comedy, hindi kaya sila magkasapawan?

“Hindi, wala namang double effort.

“I think sa isang pelikula, all you have to really do is know your character and alamin mo lang kung hanggang saan ka.

“Hindi puwedeng magsapawan, e. Pag may moment si Vice, 'binibigay ko talaga sa kanya.

“Kung yun ang eksena niya, eksena niya talaga yun, nandun ako para sumuporta.

“Ganun din naman siya, pag may eksena ako, sumusuporta din siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN