Alex Gonzaga on her parents' reaction to her suitors: “Yung isa naman, nabigyan naman siya ng matinong smile ng mommy ko, pero hindi siya binabaan ng daddy ko.”

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga says she is not treated special at TV5: “Pag sila ang may trabaho… ako, kami naman ang pinapahinga. Pag kami naman ang may trabaho, sila naman yung meron. Hindi naman yung lagi-lagi ako. Give and take lang naman.”


Naniniwala si Alex Gonzaga na lahat ng mga prinsesa ng Kapatid network ay inaalagaan nang husto ng istasyon.

Kaya sa last episode ng Paparazzi noong Sabado, July 28, nag-guest si Alex para i-promote ang bago niyang serye na Enchanted Garden.

Sinabi ni Alex sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Broadway TV5 studio na hindi naman parating siya ang may trabaho.

“Hindi naman kasi… nawalan rin naman ako ng… pinapahinga lang kami,” simula niyang paliwanag.

“Pag sila ang may trabaho… ako, kami naman ang pinapahinga. Pag kami naman ang may trabaho sila naman yung meron.

“Hindi naman yung lagi-lagi ako. Give and take lang naman.”


REGULAR PROJECTS. Ang pinakahuling serye ni Alex ay ang P.S. I Love You, na nagtampok muli sa team-up nila ni Kean Cipriano.

“Pero nag-Toink naman ako and may Juicy ako that time, at ngayon nga, 'eto pa lang yung serye ko, ang Enchanted Garden.

“Mula March, wala akong soap. Eto lang, pagpasok ng taping namin ng Enchanted Garden ako nagkaroon ng series.”

Gaano katagal ba silang pinagpapahinga ng TV5 bago sila uli bigyan ng trabaho?

“Depende sa TV5. Usually, parang inaabot ng one season, usually.

“Kasi sa Hampaslupa, after three months, two months rin akong walang trabaho.

“Natapos kami ng June, October nagka-P.S. I Love You naman ako. Usually, after three months.

“Sa soap lang ako nababakante, kasi that time nagdyu-Juicy ako, tapos marami kaming guestings dito sa TV5.

“At saka kaka-graduate ko lang nung March. Kaya nung nawalan ako ng trabaho, nakapagpahinga kami ng kapatid ko [Toni Gonzaga].

Nagbakasyon muna kami, nag-States kami.”


VIVA CONTRACT. Isa sa mga malaking tanong sa career ni Alex ay kung ano na ang nangyari sa movie contract niya sa Viva Films.

“Actually, hindi ko rin alam, e,” sagot ni Alex.

“As of now, dito muna ako sa Enchanted kasi hindi ko rin alam kung ano ang nangyari, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila ina-update ng mommy nila na si Pinty Gonzaga kung ano ang plano ng Viva Production sa kanilang movie career?

“Hindi,” mabilis niyang sagot at biglang bawi. “Nag-offer sila ng movie before P.S. I Love You, pero hindi rin namin tinanggap dahil medyo horror.

“Yung mommy ko, sinabi niya sa akin. Hindi rin namin tinanggap.

“Then after that… pero okey lang,” kibit-balikat niyang dugtong.


PROJECT WITH VICE GANDA. Isasama sana si Alex sa Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda, pero hindi natuloy.

“Hindi ko alam. Wala akong alam diyan. Pero, siyempre, if ever na gusto kong makasama si Vice.

“Ayun, may movie sila ng kapatid ko.

“Kung totoong dapat sana kasama ako, though wala akong alam, ang paniniwala ko na lang—kung di ukol, hindi bubukol.

“Sinabi rin sa akin ng kapatid ko at ng parents ko na, ‘Pag hindi talaga para iyo, hindi 'yan para sa iyo.’

“So merong darating na project, pag nasa iyo na, yun talaga ang para sa iyo.’”

Hindi ba frustrating na tumagal nang ganito ang dapat sana’y nagsimulang movie career niya?

“Hindi naman kasi, ano naman, e, binibigyan naman ako ng trabaho ng TV5.

“So, hindi naman ako nababakante nang sobra. Okey naman sa akin.

“Kasi kung meron naman talagang i-o-offer sila, siyempre, gusto natin.

“Pero, as of now kasi, marami rin namang artista at contract stars ang Viva, so naiintindihan naman namin yun ng mommy ko.”

Kung susumahin ang kontrata niya sa Viva, baka magkaroon na siya ng sariling festival.

“Actually, kami ng mommy, ang sinasabi na lang namin, ‘Kung wala, maghintay na lang kung meron. Kung meron naman, mag-o-offer naman sigurado ang Viva.’

"Kung wala, meron naman akong ginagawa sa TV5 kaya dito na muna.”


STAGE MOTHERS. Nadako ang usapan tungkol sa sinasabing panghihimasok ng nanay ni Sarah Geronimo, si Mommy Divine, sa napabalitang naudlot na panliligaw ni Gerald Anderson sa Pop Star Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi-sabi rin ay di nagkakalayo sina Mommy Divine ni Sarah at Mommy Pinty ni Alex pagdating sa mga manliligaw ng mga anak.

“Uy, hindi naman,” tanggi agad ni Alex, sabay kambyo na naman. “Ay, hindi! Siyempre, hindi ko alam kung ano…

“Tsismis-tsimsis lang naman, pero hindi naman talaga natin alam kung ano si Mommy Divine sa kanilang bahay,” pagtatanggol ni Alex.

“Siguro, ang difference lang namin, si Sarah lagi niyang kasama si Mommy Divine.

“Kami naman, manager namin ang mommy ko.

“Pero… kasi okey naman si Sarah, successful naman siya.

“Wala pa namang nangyayaring masama sa kanya, maayos naman ang image niya, maayos naman ang career niya.

“So, I think wala namang ginagawang masama yung parents niya.

“Kung meron man, mas maganda nga yung ginagawa nila dahil maganda yung nangyayari sa career o sa buhay ng anak nila.”

Hindi maitanggi ni Alex na minsan ay bawal ang manliligaw sa kanila noon.

“Naiintindihan ko naman yung parents ko… na may stage ka talagang pagdadaanan na ganun.

“Pero kami ng ate ko, nag-iisip rin kami na, ‘Naku, hindi tayo pinapayagan.’

“Kunwari, gusto naming mag-out of town, hindi kami pinapayagan na kami lang mag-isa or mag-overnight, mga ganyan-ganyan.

“Siyempre, iisipin mo yung bigger picture na pinu-protektahan ka lang ng mommy mo, saka ng parents mo.

“Pero pinapayagan naman kaming manood ng sine, mag-malling. So, okey na yun.

“E, hindi rin naman kami mahilig ng ate ko sa mga bars, sa mga out of town. Minsan lang pag naisip namin.

“Pero alam naming hindi rin naman kami papayagan.”


PARENTS’ REACTION. Naranasan na ba ni Alex na bigyan ng cold treatment ng mommy niya ang isang manliligaw niya?

“Ang Mommy ko naman mabait, e. Pero hindi lang talaga niya binibigyan ng ano… kasi ilan lang naman yung pumunta sa bahay.

“May pumunta… pero wala kasi kami nun, nasa States kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapadala lang ng pagkain at mga regalo, wala rin naman usually ang Mommy ko. So, hindi niya na-meet.

“Yung isa naman, nabigyan naman siya ng matinong smile ng mommy ko, pero hindi siya binabaan ng daddy ko. Yun lang naman.”

Parang naging Gerald ba si Kean Cipriano, na balitang nanligaw sa kanya?

“Hindi! Si Kean, kaibigan ko… Naku, tama na 'yang si Kean!” tutol ni Alex na pag-usapan pa si Kean.

Sa mga panahong ito, pinapayagan na si Alex ng kanyang parents na tumanggap ng suitors sa bahay.

“Pero, siyempre, si Mommy, pag alam niyang may umaaligid sa akin, sinasabi na nila sa akin na, ‘Ayaw namin ‘yan.’

“Pag may umaligid, tapos hindi sila nag-react… ayun, puwede na sigurong manligaw yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN