Enchong Dee runs, bikes, and swims to stay fit

IMAGE Allan Sancon

Ngayong 2013, handa na ngang sumabak si Enchong Dee sa daring at sexy roles. Inumpisahan na niya ito sa pag-pose sa isang magazine at sa upcoming movie niya na Tuhog, kung saan gagampanan niya ang isang "wild" character.


Sa pagpasok ng taong 2013, isang seksing Enchong Dee ang ipinakita sa cover ng January issue ng isang magazine.

Kitang kita ang kaseksihan ng The Strangers star sa Metro magazine Body Issue, habang ito'y nakasuot lamang ng swimming trunks at naka-pose na tila nang-aakit.

Sa launch ng nasabing pahayagan, na ginanap sa Prive Bar sa The Fort noong Enero 6, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor tungkol sa naganap na photo shoot at sa mga bagong niyang showbiz projects.

Paano nga ba pinaghandaan ni Enchong ang photo shoot para sa magazine cover?

“Hiring your own trainer para talagang may magpu-push sa 'yo," wika ni Enchong.

Hindi naman daw sumailalim si Enchong sa isang partikular na diet program.

"Eat anything you want, still, pero you have to work out harder.

“I run, I bike... swim. Going to the gym as much as possible.

"Kung kinakaya ng schedule ko, pinipilit kong pumunta sa gym three times a week.”

Umpisa pa lang ng taon ay nagpakita na agad ng katawan si Enchong.

Ibig bang sabihin nito ay makakaasa ang kanyang fans ng mas maraming pang daring at sexy roles o projects ngayong taon?

“O, yes, definitely," agad na sagot ni Enchong.

"I want to try something new, something different.

"Siyempre, you can’t stay forever doon lang sa kung ano iyong nagustuhan sa 'yo ng tao.

"You have to discover something new every now and then, in the things that you can do.

“Even doon sa mga roles na darating, I'm gonna make sure na it is something unusual.


"Like, for the next movie na gagawin ko, ang theme niya ay very teenager na wild iyong pag-iisip, parang gano'n.”

DARK COMEDY. Tinutukoy ni Enchong ang Star Cinema movie Tuhog, kung saan makakasama niya ang premyadong aktres na si Eugene Domingo.

“Yung Tuhog, under Star Cinema na si Direk Ronnie Velasco ang magdi-direk, it is a dream come true project for me kasi nga makakasama ko si Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And at the same time, kung ano iyong nakikita nila rito, na kung gaano ako ka-daring sa magazine na ito, will translate to that project.”

Ipinagpatuloy ni Enchong ang paglalarawan sa bago niyang pelikula niya.

“Siguro I can say that it is a dark comedy.

"You will laugh, pero malalim kung bakit ka matatawa... dahil sa istorya.

"Hindi siya basta comedy lang, medyo may lalim.”

Anong klaseng karakter naman ang gagampanan ni Enchong sa Tuhog?

“Isa akong teenager na may erotic na pag-iisip... Wild!"

Ano naman ang koneksyon ng mga karakter nila ni Eugene Domingo?

“Iyon ang kailangan pa naming i-discover, kasi hindi pa kami nagmi-meet sa shooting ni Ms. Eugene.

"Pero siguro pag nagkita na kami, masasabi ko na iyong ibang details ng karakter namin dito.”

KISSING SCENES. Aminado si Enchong na kinabahan siya nang malamang isa si Eugene Domingo sa makakasama niya sa pelikula.

Aniya, "Of course, kinakabahan din, definitely.

"Pero siyempre, we need to help each other. Kung ano iyong mga alam niya at kung ano iyong mga alam ko, pagsasamahin namin at tingnan natin kung ano iyong kalalabasan ng pelikula namin."

Sa ilang nakaraang pelikula ni Eugene ay nagkaroon siya ng ilang kissing scenes sa mga nagiging leading man niya.

May aabangan din bang kissing scene sa kanila ni Enchong sa pelikulang ito?

“Ang tanong: Ready na ba siya sa 'kin?" pabirong sagot ni Enchong, sabay tawa nang malakas.

"... Or ready na ba siya sa ganito?" sabay turo nito sa kanyang magazine cover.

Pero kung sakali ay handa ba siyang gumawa ng kissing scene kasama si Eugene?

“Oo naman. Anything that I can explore this year, I’ll try,” walang pag-aatubiling sagot niya.

NATURAL SEXINESS. Pero bakit nga ba tinawag na Tuhog ang pelikulang ito?

“Because of the accident. Accident siya, nothing erotic about the title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it’s an incident that will happen sa movie.”

Gaano nga ba ka-daring at sexy si Enchong sa movie na ito?

“Kasi iba yung nagpapa-sexy na... at iba iyong natural na sexiness na lumalabas.

"I think, in this movie, it’s very natural.

"Kasi everyone undergoes this kind of puberty, adulthood, so dadaanan iyong topic na iyon sa movie na ito.”

Gaano nga ba ka-daring ang kaya niyang gawing pagpapa-sexy sa kanyang mga susunod pang projects?

“Iyan ang kailangan ko pang I discover sa sarili ko.

"I don’t know yet, pero soon I can answer that question.”

Bukod kay Eugene Domingo, makakasama rin ni Enchong sa pelikulang Tuhog sina Leo Martinez, Jake Cuenca, Empress Schuck, at marami pang iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN