Pops Fernandez hopes to produce concerts for Filipino artists in support of the local music industry

IMAGE Noel Orsal


Pops Fernandez is now active behind the camera as she focus on the production business of their family. She believes that this is a good venue for her to help Filipino artists to showcase their talents, and to give equal opportunity for both local and foreign artists who want to stage concerts here in the country.


Isa si Pops Fernandez sa mga hinahangaang mang-aawit at host sa ating bansa.

Gayunman, pinili ng tinaguriang Concert Queen na subukan ang mundo sa likod ng camera sa pamamagitan ng pamamahala sa isang production company.

Si Pops na ngayon ang punong-abala sa family business nilang DSL Events and Production House Inc., na noon ay pinamumunuan ng kanyang ina, ang dating aktres na si Dulce Lukban.

“My mom has retired na,” pagbabahagi ni Pops sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Enero 11, sa presscon ng Foursome sa C2 Events place, Greenhills, San Juan.

“I wanted to work on the other side naman of the business.

“So it started last year, we started doing events and now nga mga production.”

Isa sa mga pinagkakaabalahan ng production company nila ay ang Foursome concert niya, kasama sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez, na magaganap sa Pebrero 14 sa SM Mall of Asia Arena.

Dito'y katulong niya ang producer, malapit na kaibigan, at tagahanga na si Anna Puno.

LOCAL OR FOREIGN ACTS? Bukod sa mga concerts, tumatanggap rin daw sila ng mga company events and launches.

Pero gusto rin niya magkaroon ng “own conceptualized shows with our own very talented artists.”

Isang paraan na niya raw ito upang tulungan ang music industry, na pinaniniwalaan ng ilan na “not in its best condition.”

Isang paraan pa ni Pops ng pagtulong sa kinalakihan niyang industriya ay ang pagbabalanse ng mga concerts ng local at foreign acts.

Kapansin-pansin kasi na noong nakaraang taon ang dami ng mga foreign acts na bumisita sa bansa, tulad na lamang ni Jennifer Lopez, Lady Gaga, Nicki Minaj, at Maroon 5.

Ani Pops, “Uhm, siyempre gusto rin naman natin ma-experience ‘yong mga international acts also, di ba, para hindi naman tayo nalalayo sa ibang bansa.

“Sana lang mas phased out siya, hindi sunud-sunod para mag-give way din sa mga local performers natin, because we have to admit na it affects our local production also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre ang mahal-mahal nila [foreign performers], pati sa sponsor pumupunta na doon. By the time turn na ng ating mga performers, normally naubos na ‘yong budget nila doon or mayro’n na ulit susunod na bago.”

Kaya naman ang pakiusap ni Pops sa ibang producers: “Sana lang mas phased out siya [foreign acts], or alam mo na nakalendaryo siyang maige and mapag-usapan with the other producers who wanna do mga local shows also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN