Pops Fernandez designs costumes for Valentine Foursome concert

IMAGE Noel Orsal


Pops Fernandez will design the costumes for the Valentine concert Foursome, where she’ll perform with Regine Velasquez, Ogie Alcasid, and Martin Nievera. What style do you think will she design for each of her co-performers?


Isang bagay na mahalaga para sa mga showbiz performers ay ang maayos at kaakit-akit na 'dating' nila sa mga manonood.

Para kay Pops Fernandez, bukod sa kaalamang iyan sa kanyang propesyon, nagbigay-daan ito para madiskubre niya ang kanyang bagong kahihiligan— fashion designing.

Sinabi ni Pops sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagsimula ang kanyang “passion” sa fashion design dahil na rin sa kanyang hilig sa “clothes, accessories, putting pieces together.”

Katunayan noong 2011, ipinakita ni Pops ang kanyang bridal collection sa ginanap na 11th Franchise Excellence Awards sa SMX Convention Center, sa Pasay City.

(CLICK HERE for related article)

ONLINE WEBSITE. Noong Marso 2011, nag-launch ng isang online shop si Pops, ang Cheapipay.

Dito’y makikita ang iba’t ibang klase ng bags, shoes, ilang appliances at health and wellness products.

Pero ang isa sa mga ipinagmamalaki ng online shop na ito ay ang mga idinesenyong damit ng Concert Queen.

Karamihan sa mga nadesenyo niya’y mga couture dresses, habang ang iba’y mga simpleng cocktail dress.

Ngunit sa ngayon daw, “We’re revamping the clothes and we’re trying to come up with something more affordable, something that you can match up with everything.

“Uhm, gusto ko mangyari, parang during the day na outfit mo, you accessorize it wearing the same clothes… you can just change your accessories and wear the same clothes after [work].”

Nabanggit din niya sa PEP na ang ilan sa mga fashion icons niya'y sina Cate Blanchett at Gwyneth Paltrow. Pero ang nangibabaw sa kanila’y si Sarah Jessica Parker.

Gustong-gusto raw kasi ni Pops ang mga “playful” outfits ng Sex and the City actress. “She’s not afraid to [mix and match]. Even at her age she’s not afraid to try new looks.

“Maybe for others, if they wear what she wears, other will feel uncomfortable, but she wears it with confidence and I think that’s what fashion is all about.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOURSOME OUTFIT. Samantala, hindi lamang sa online shop ni Pops makikita ang mga idinesenyong damit, dahil siya ang namamahala sa outfit nila sa kanilang upcoming Valentine concert.

“Alam mo ba, we recently just finalized our songs, so siyempre, everything will be based on the outfit and the sequence,” pagbabahagi niya.

“Kasi ‘yon ang mahirap, e, from one outfit to the next and you’re given about a minute lang [to change]. So kailangan isang mahabang meeting na naman for that.”

Kasama ni Pops sa concert na ito ang isa sa malalapit niyang kaibigan na si Regine Velasquez- Alcasid.

Kaya naman aming naitanong, kung sakaling gagawan niya ng espesyal na desenyo ng damit si Regine, ano kayang style ito?

Napangiti si Pops at sandaling napaisip.

“Siyempre sexy si Regine, di ba?” balik na tanong niya sa amin.

“I love her… I love it when she wears mga plunging niya na outfit.

“Ako sobrang simple [‘yong design], pero ‘yong accent is very, very local tapos ‘yong drama lang ng outfit will really focus on her neckline, and also on the cuffs and the hem of the outfit.”

Ano nga kayang gagawing desenyo ng Concert Queen para sa Asia’s Songbird sa kanilang Valentine concert?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN