Kim Chiu on status of Xian Lim's courtship: “Hindi pa… masaya naman kami sa ganito muna. Konti pa. Hindi naman nagmamadali.”

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu took a break from drama by guesting in the popular gag show Banana Split.While it was a memorable experience, she doubts being a comedienne: “Ay, hindi kasi ako marunong magpatawa. Marunong lang akong tumawa."


Pansamantalang nakipag-relyebo si Kim Chiu kay Angelica Panganiban sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

Sa mismong taping ng show sa Club Mwah naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim noong Martes, June 5.

Ayon kay Kim, nag-enjoy siya sa ginagawa niya sa Banana Split.

“First time ko, yes. Nag-enjoy ako kasi, sobrang bait ng cast, sobrang wine-welcome nila ‘ko.

“So, yun… sobrang nakakatawa.

"At least, ibang experience. Ibang mundo sa comedy, di ba?”

MAINSTAY. Nang tinanong ng PEP si Kim kung sakali at gawin siyang regular sa Banana Split, mabilis at natatawang siyang sumagot.

“Ay, hindi kasi ako marunong magpatawa! Marunong lang akong tumawa.

"Kaya nag-enjoy ako dito kasi lahat sila nakakatawa.

“Ako pa naman, tawa muna,” pag-amin niya.

May segment sa Banana Split tungkol sa mga hiwalayan ng mga celebrities at nagre-react daw ang cast.

Ano naman ang reaksiyon niya rito?

“Ay, wala. Ganoon talaga ang buhay.

"Nangyayari naman talaga yun sa dalawang tao kung hindi sila ang para sa isa’t isa.”

ON TOUR. Kagagaling lang ni Kim sa U.S. para sa isang show, pero umuwi rin siya agad ng Pilipinas.

“Sa Carlson kami, pero sandali lang kami do’n. Pagka-show, umuwi rin agad.

"Masaya kasi ang daming Pinoy.

“Ang daming nanonood ng Binondo Girl. Kailan daw ulit yung susunod na ipapalabas.

“’Tapos sabi ko, ‘Malapit na, yung Ina Anak Kapatid.’”

NEW PROJECT. Ayon kay Kim, nagte-taping na sila para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN.

Iba raw ito sa mga una na niyang nagawang teleserye.

“Usually, ako lang kasing mag-isa. Ako lang ang may conflict.

"Ito, ang daming nangyayari. Ang dami namin sa soap.

“Lahat may kuwento. Iba namang kuwento. Parang very family drama about magkapatid, anak, yun…”

TANDEM WITH XIAN LIM. Sa naturang teleserye, sila pa rin ni Xian Lim ang magkapareha. Makakasama rin nila dito sina Maja Salavador at Enchong Dee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na ba sila ni Xian?

“Okay naman, masaya naman kami,” nakangiting sabi ni Kim.

May lumabas na tila nagnakaw raw ng halik sa kanya sa show nila sa Amerika, totoo ba?

“Kasi sa show namin sa U.S., ang dami ngang may gusto sa Binondo Girl.

“Doon, Jandy-Jandy sila. Natuwa kami kasi lahat sila, nakakaalala pa rin sa soap.

“’Tapos kinanta ni Xian yung song na 'Ikaw Lamang' sa Binondo. Hindi naman niya dapat kakantahin, so kinanta niya.

“Natuwa sila ‘tapos yun, nagsigawan sila ng ‘Kiss! Kiss!’

“Parang ano ba, ano ba, hindi kami pinapaalis. So yun, napasaya naman namin sila.”

Mas close ba sila ngayon ni Xian?

“Oo, lumalabas naman kami,” sagot ni Kim.

Sinagot na ba niya ang panliligaw ni Xian sa kanya?

“Hindi pa… masaya naman kami sa ganito muna.

"Konti pa. Hindi naman nagmamadali.”

THE HEALING. Samantala, natapos na ni Kim ang shooting ng The Healing para sa Star Cinema. Ito ang pelikulang pinagsasamahan nila ni Governor Vilma Santos.

Aniya, “Tapos na kami, finally… hindi ko pa lang alam kung kailan ipapalabas.

“Depende siguro kung kailan matatapos ang mga effects. Marami pa kasing ginagawa. Basta effects na lang at saka dubbing.”

Kinamusta namin si Kim sa mga naging karanasan niya habang ginagawa ang pelikula.

“Masaya. Kakaibang experience kasi horror-suspense ito. So, iba naman.

“Ang sarap ng pagiging artista, kasi napupunta ka sa iba’t iba… not only sa drama, pa-cute.

“Napupunta ka sa ganito, 'tulad sa Banana Split na comedy. ‘Tapos sa movie, sa horror.

“At least, umiikot ang knowledge mo pagdating sa pag-arte.”

ACTING MENTOR. Kay Governor Vilma, ano naman ang mga natutunan niya?

“Marami. Kailangan pagdating sa set, nakaaral na sa lines, nakaayos na, huwag babagal-bagal.

“Parang sabi ko, ‘In fairness naman sa kanya, gayahin ko nga ito.’”

Nagsilbing bonding daw nilang dalawa ni Governor Vi ang nakaraang American Idol kunsaan si Jessica Sanchez na may lahing Filipino ang naging runner-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Kim, “Noong time kasi na yun, wala pang nanalo. Paisa-isa pa lang yung ano. Ang saya.

“’Tapos noong sinabi na ang nanalo, nagpa-stop shooting kami dahil tiningnan namin sa TV, 'tapos talo.

“Nalungkot kami nila Ate Vi, nila Direk [Chito Roño], ang saya.”

DOWN TO EARTH. Aminado si Kim na noong unang malaman niya na makakatrabaho niya si Vilma Santos ay kinahaban siya. Pero kalaunan ay nawala rin ito.

“Hindi naman siya mahirap abutin. Hindi naman siya mahirap pakisamahan. Ang bait nga niya.

“Hindi niya ipaparamdam sa ‘yo na 'Kim Chiu ka lang.'

"Noong una, kinakabahan talaga ako.

“Pero palagi niya akong kinakausap, hinahawak-hawakan.

“Palagi niya akong dinadalan ng siomai kapag may shooting… ang sweet…” papuri ni Kim kay Ate Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN