Xian Lim on having"rival" for Kim Chiu's heart: "Ang dami-dami ko nang iniisip. Hindi ko na kailangang isipin pa ang mga ganoon."

IMAGE Noel Orsal

Tuloy raw ang panunuyo ni Xian Lim kay Kim Chiu kahit ano pa ang sabihin ng iba. Sabi ng young actor, “Pero habang tumatagal, time will tell kung ano naman yung totoong nangyayari.”


Mas relaxed na raw si Xian Lim ngayon sa ikalawang pagtatambal nila ni Kim Chiu sa Ina Kapatid Anak.

Sa presscon ng Ina Kapatid Anak kahapon, October 3, ito ang unang topic sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Xian.

Nakangiting bungad ng young actor, “Siyempre sa work, we’re always staying professional.

“We’re always gonna give our one hundred percent.

“And iyon nga, gaya ng palagi kong ikinukuwento, noong unang nakatrabaho ko si Kim, palaging kinakabahan ako.

“Because I started from yung My Binondo Girl nga po. And I was just starting while si Kim Chiu is Kim Chiu already.

“So, talagang kinakabahan ako.

"And even up to now, noong nagkaeksena ulit kami after a long time, kinakabahan pa rin ako.

“Pero ngayon, it’s starting to ano… nagiging medyo ano na rin... nagkakaroon na rin ng flow, nagkakaroon na rin ng confidence.

“Yun! Okey naman po. It’s doing wonderful. Mas nakikilala namin ang isa’t isa.”

FOR PRESS RELEASE? Kaagad naka-establish ng kilig sa fans noon ang unang pagtatambal nina Xian at Kim sa My Binondo Girl. Lalo pa at that time, sinasabing may nabubuong espesyal na pagtitinginan ang dalawa.

Pero tila naudlot iyon nang magtapos ang teleserye nila kaya may mga nagsasabing pang-press release lang yata ang balita.

Tugon ni Xian dito, “E, siyempre, people are always gonna talk... People are always gonna talk.

“People are always gonna look forward to the negative side of things.

“Okey lang naman iyon. Normal lang naman iyon, di ba?

"Normal lang iyon na magsabi ng ganoon ang mga tao.

“Matagal-tagal din, ilang months ang dumaan matapos ang My Binondo Girl.

“And after nun, hindi naman kami yung parang… hindi na nag-usap, e. Nag-uusap pa rin kami.

"Hindi lang kami masyadong nagkikita dahil pareho kaming busy sa kanya-kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nagtutugma ang schedules namin. Pero kapag may oras, nakakalabas kami,” saad niya.

Hindi ba siya nao-offend sa paratang na pang-press release lang ang relasyon nila ni Kim?

Sagot ni Xian, “Bahala na sila kung gusto nilang sabihin iyon, di ba?

"Kung iyon ang nararamdaman nila, wala na akong magagawa doon.

“Pero habang tumatagal, time will tell kung ano naman yung totoong nangyayari.”



MOM’S PET. Ang mommy ni Xian ay very vocal sa pagsasabi na boto ito para kay Kim, at wish daw nito na sana ay sagutin na ng young actress ang anak.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon dito ni Xian?

“Si Mommy, ang ugali ni Mommy… hindi kasi siya masyadong ma-socialize, e.

“Pero si Mommy, paulit-ulit ko namang sinasabi na supportive ‘yan, e.

“Supportive siya sa kahit na anong gawin ko kasi she’s my only parent.

“And bilang single mother siya, mahal na mahal niya ako, e.

"So lahat ng gawin ko, susuportahan niya.”



REAL SCORE. Sa balik-tambalan nina Xian at Kim sa Ina Kapatid Anak, muli na namang pag-uusapan ang estado ng dating pagtititinginan nila.

Sabi ni Xian tungkol dito, “Ang masasabi ko lang, nandito pa rin naman ako for her, e.

"And also, I’m here to work. Gusto kong mapagbuti pa ang trabaho ko.

“Hindi namin idadaan ‘yan sa asa ng fans, di ba?

"Nasasaamin din naman ‘yan, e. Na not because gusto ng mga fans, mape-pressure na kaming gawin yun, e. Di ba?”

Pero honestly, ano ba ang kasalukuyang estado ng puso niya para kay Kim?

“Kung saan siya masaya... I think she deserves to be happy.

"Tapos ako naman, I’m gonna be working really hard.

“Kasi pakiramdam ko, suwerte ako, e, dahil sa magagandang opportunities na dumarating sa buhay ko ngayon.”



RIVAL? Inamin ni Kim na bukod kay Xian ay may isa pang aktor na nagpaparamdam sa kanya, pero ayaw nga lang nitong tukuyin kung sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko rin alam kung sino yung isa na nanliligaw sa kanya,” pag-amin ni Xian.

Okey lang na may karibal pala siya sa panunuyo kay Kim?

“Hindi ko naman iniisip yung mga ganoon!” sabay tawa ng binata.

“Ang dami-dami ko nang iniisip. Hindi ko na kailangang isipin pa ang mga ganoon.

“And… I’m just gonna be here to make her feel special always, di ba?

“I’m gonna make her feel like a girl, treat her like a girl.

"At kung saan man mauwi yun, bahala na!”

Ano ba ang nakakapigil para maging sila na talaga?

“Wala namang nakakapigil, e.

"Katulad din nga ng sinasabi ni Kim, mahal niya yung trabaho niya.

“And siya nga rin, narinig kong sinabi niya na nahirapan siya dating pagsabayin ang lovelife at ang career.

“So, this time, mas maganda kung focused kami sa trabaho.

“At itong bagong project na ibinigay sa amin, itong Ina Kapatid Anak, we’ll try to make it work para sa ikalawang beses na pagsasama namin as loveteam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN