Vic Sotto not in a hurry to settle down with girlfriend Pauleen Luna: “Yung kasal, nandiyan naman ‘yan, e. Hindi naman natin alam kung ano ang plano sa atin ng Diyos.”

IMAGE Noel Orsal

Inamin ni Vic Sotto na nagkasama sila ng kasintahan at Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna na nagsimba noong bisperas ng Pasko. Pero may mga indibidwal na plano raw sila kung paano ipinagdiwang ang Pasko kasama ang kani-kanilang pamilya.


Hindi maitatagong masaya ang magkasintahang Vic Sotto at Pauleen Luna ngayong Pasko.

Nag-post si Pauleen sa kanyang Instagram account ng kuha kasama si Vic sa Christmas party ng Eat Bulaga!.

“Sandali lang siya dun, may taping pa siya kasi sa Magdalena. Napakasipag nga ng batang ‘yan,” puri ni Vic kay Pauleen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-comedian sa Parade of Stars ng 2012 Metro Manila Film Festival noong December 23.

Ayaw nang idetalye pa ni Vic ang relasyon nila ni Pauleen, basta masaya raw sila lalo na ngayong Pasko.

Ayon pa sa kanya, may mga indibidwal na plano sila ni Pauleen kung paano nila ipagdiriwang ang Pasko.

“Siyempre, kasama naman niya ang pamilya niya. Siguro, magkasama lang kami sa midnight mass,” sabi ng Eat Bulaga! host.

Sa hiwalay na panayam ay tinanong din ng PEP si Pauleen kung magkasama nga ba silang nagsimba ni Bossing Vic.

Nagulat ang TV host-actress kung paano namin nalaman.

Hindi na niya kami sinagot nang sinundan namin ng tanong kung saan sila nagsimba.

POSSIBLE WEDDING. Ilang beses namang sinasabi ni Bossing Vic na mas gusto nila ni Pauleen ng tahimik na relasyon.

Sinundan namin ng tanong kung masasabing si Pauleen na nga ba ang tipo ng babaeng pakakasalan niya.

“Yung kasal, nandiyan naman 'yan, e. Hindi naman natin alam kung ano ang plano sa atin ng Diyos,” seryosong sagot ni Vic.

Napag-usapan na lang din naman ang kasal, game naman ang TV host-comedian sa pagsagot sa amin.

Since lalo silang naging close nina Senator Bong Revilla at Judy Ann Santos sa pagsasama nila sa Si Agimat Si Enteng Kabisote at Si AKO, posible bang kunin niyang ninong si Bong kung sakaling magpakasal siya?

“Napakabata pa ni Senator Bong na maging ninong ko. Siguro abay,” mabilis na sagot ni Vic.

Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Bong tungkol dito at natawa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng actor-politician, “Isa ako sa pinakamasaya kung sakaling matuloy 'yan.

“Kung ano ang magpapasaya kay Vic, nandun ang suporta ko.

“Siyempre, masaya rin yung may inuuwian ka, yung merong mag-aalaga sa iyo, at may kasama ka sa pagtulog.

“Sana nga makakita na siya ng makakasama niya, at merong mag-aalaga sa kanya, at meron siyang mamahalin na makakasama niya.”

Napatili naman si Judy Ann nang tinanong ng PEP tungkol sa posibilidad na pagpapakasal ni Vic.

“Kahit ako pa ang wedding coordinator, masaya ako na gawin yun sa kanya,” natatawang sabi ng aktres.

Hindi naman daw nagmamadali si Bossing Vic, na nagsabing ipinauubaya niya sa Diyos kung ano ang magpasaya sa kanya.

Ayaw rin i-entertain ni Pauleen ang ganung ideya dahil napakabata pa raw niya.

Iniiwasan ni Pauleen na mapunta sa kasal ang usapan dahil alam niyang hindi pa handa sa ganun ang pamilya niya, lalo na ang kanyang mga magulang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN