Vic Sotto open to having another child: “Ay, bukas na bukas! Pati bintana, open air!”

IMAGE Noel Orsal

Nang tanungin kung masaya siya ngayon, ito ang naging tugon ni Vic Sotto: “Kailan ba ako naging malungkot? Hindi naman ako nalulungkot, e!” ang natatawa nitong sinabi. Mas masaya lang kumbaga. Kailangan parati tayong happy. I’m always happy. I can say that I am happier, we should always be happy. Kahit anong sitwasyon mo sa buhay kailangan happy ka."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Vic Sotto sa pocket presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako noong Lunes, December 3, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Una muna naming pinag-usapan ang muli nilang pagsasama ni Senator Bong Revilla sa isang pelikula.

Saad ni Vic, “Yung resulta nung aming unang pagtatambal ni Agimat, yung istorya nun, medyo bitin, so parang ipinagpapatuloy lang namin yung istorya.

“Maganda yung team-up namin ni Bong, maraming natuwa at itong sa muli naming pagtatambal kasama pa si Juday [Judy Ann Santos].

“Siguradong triple ang matutuwa dahil parang ano ito, three-in-one... tatlo ang mapapanood mo.”

Limang malalaking film companies ang nagtulung-tulong upang iprodyus ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako—Imus Productions, OctoArts Films, M-ZET TV, APT Entertainment, at GMA Films.

Kailangan bang lima talaga ang mag-produce para mabuo ang pelikula?

Tugon ni Vic, “Ikalima na ako pero mabigat pa rin, e.

“Ganun kalaki yung pelikula so hindi namin kakayanin na dalawa lang. Mas mabuti yung mas marami, mas kakayanin mo.

“Mas maraming nagtutulung-tulong sa pag-iisip, sa lahat ng bagay, maraming masaya.

“Dapat lang na maraming producer.”

Kung hindi pang-Metro Manila Film Festival na pelikula ay kakayanin naman daw ni Bossing Vic na siya lang ang producer.

“Kakayanin naman siguro. Pero pag festival, mataas ang expectations, e.

“Hindi puwedeng ganun-ganun lang. Kailangang espesyal, kailangang makikita mo na may quality.

“Hindi yung basta-basta lang. Makikita nila yun sa produkto.”

Magkano na ba ang inaabot ng pelikula nila?

“Hindi ko masabi kasi hindi ko tinitingnan, e. Sila na, yung mga nasa accounting.

"Kami ni Bong, tira lang nang tira. Shooting lang kami nang shooting.”



GIFTS. May ilang nakapansin sa poster ng pelikula na may pangalan at litrato si Ryzza Mae Dizon, samantalang si Jillian Ward ay wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon ni Vic, “Wala ba? Hindi ko napansin. Ipalalagay ko ngayon.”

Bago pa pagsimulan ito ng intriga sa pagitan ng dalawang child stars, sinabi ng TV host-comedian na mas malaki ang role ni Ryzza Mae kaysa kay Jillian kaya ganoon.

Samantala, si Ryzza Mae ay binigyan ni Judy Ann ng upuan na “pang-artista” at iPad naman daw ang bigay ni Senator Bong sa child star.

Tinanong ng PEP si Bossing Vic kung ano naman ang ibibigay niya kay Ryzza Mae, na regular din sa noontime show na Eat Bulaga!.

“Pagmamahal, iyon ang pinakaimportante!” sabay tawa nito.

In an interview with Ryzza Mae, sinabi nitong wish niyang magkaroon ng bahay malapit sa Broadway Centrum kung saan ginaganap ang Eat Bulaga!.

Paano kung bahay ang hilingin nito kay Bossing?

“E, sira pala ulo ng batang yun, e! Hindi bata yun, e, racketeer ‘ata yun, e. Agad-agad, bahay?” nagbibirong tanong niya.



ANOTHER CHILD. Sa daily noontime show nila, kitang-kita rin na giliw na giliw si Bossing Vic kay Ryzza Mae. Kaya naitanong sa TV host-comedian kung gusto ba niyang magkaroon pa ng anak.

“Hindi na,” mabilis niyang sagot.

Sabay bawi ng, “Kung darating, darating, pero kailangan may asawa ako.”

So kasal muna?

“Hindi ko pinag-iisipan ‘yan, bata pa ako. Wala pa sa isip ko yung mga yun,” pagbibiro niya.

“Hindi... yung anak, kung darating, darating. Wala akong problema dun.”

Hindi raw niya isinasara ang pinto sa posibilidad ng pagkakaroon pa ng anak.

“Ay, bukas na bukas! Pati bintana, open air!” biro pa niya.

Girl or boy ang gusto pa niyang maging anak?

“Boy, girl.”

Kambal?

“Puwede iyan. Iyan... gusto ko kambal.”



HAPPY? Natanong din siya tungkol sa pagdalaw ng rumored girlfriend niyang si Pauleen Luna sa set ng movie nila nina Juday at Senator Bong.

“Dumalaw? Hindi ko matandaan, e,” muli nitong pagbibiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umamin naman si Pauleen in an interview na dumalaw nga siya sa pag-iimbita nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Masaya ba siya ngayon?

“Kailan ba ako naging malungkot? Hindi naman ako nalulungkot, e!” ang natatawa nitong sinabi.

Dagdag niya, “Mas masaya lang kumbaga. Kailangan parati tayong happy.

“I’m always happy. I can say that I am happier, we should always be happy.

“Kahit anong sitwasyon mo sa buhay kailangan happy ka.

“Yung dumalaw, hindi ko talaga masagot, e.”

Mas masaya siya talaga ngayon?

“Happier, happy… hindi naman nasusukat yun, e.

"Pag happy ka, happy ka na, e.

“I don’t believe na you can be happier or happiest.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN