Pauleen Luna on status of her lovelife: "Basta, masaya ako ngayon."

IMAGE Noel Orsal

“Basta ako, basta may trabaho ako, masaya ako. Siyempre, mas masarap and I’ll be a hypocrite kung sasabihin ko na ayokong maging bida. Siyempre, lahat naman ng artista, lahat yun, gustong maging bida. But since 'eto yung ibinigay sa akin, hindi naman ako humihindi sa grasya," sagot ni Pauleen Luna nang tanungin kung hindi ba siya nangangarap na gumanap ng lead role.


Isang kontrabida muli ang ginagampanang role ni Pauleen Luna sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Magdalena.

Pero may kakaibang challenge kay Pauleen ang bago niyang kontrabida role dahil “nakababatang kapatid" ng bidang si Bela Padilla ang karakter niya rito.

“Batang kapatid ni Bela ang role ko. Kapatid niya ako na nakababata.

"Kaya kung mapapansin mo, wala akong make-up. Tapos, medyo tinitinisan ko ang boses ko.

"E, mas bata sa akin si Bela!” natatawang sabi ni Pauleen.

Dalawang taon ang tanda ni Pauleen, 23, kay Bela, 21.

Sabi pa ni Pauleen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “That’s very hard, ha, yung hindi mo inaarte ang edad mo.

"Mas madali pang magpatanda kesa magpabata. Kasi, mas madali pang magpatanda kesa magpabata.

“You cannot overdo it. When you overdo it, magmumukha kang umaarte na bata.

"You have to feel na bata ka.”

AS LONG AS THERE IS WORK. Diretsahang tinanong ng PEP si Pauleen kung okay lang ba siya sa mga role na naitotoka sa kanya ngayon.

Oo nga’t main kontrabida ang kadalasang roles niya, pero madalas din ay suporta siya sa bida, tulad ngayon kay Bela sa Magdalena.

Ito ay sa kabila ng katotohanang mas matagal na sa industriya si Pauleen kumpara kay Bela.

Sagot ni Pauleen dito, “Basta ako, basta may trabaho ako, masaya ako.

“Siyempre, mas masarap and I’ll be a hypocrite kung sasabihin ko na ayokong maging bida.

"Siyempre, lahat naman ng artista, lahat yun, gustong maging bida.

"But since 'eto yung ibinigay sa akin, hindi naman ako humihindi sa grasya.”

Wala siyang tampo?

“Wala,” nakangiti niyang sabi.

“At saka, ako pa? Napakasaya kong tao.

"Kung ano ang ibinibigay sa akin, I’ll just make everything para maalagaan kung anuman ang ibinibigay sa akin.

“And you know what they say, walang bobong role—as long as binibigyan mo ng justice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AVOIDING THE ISSUE? Pagkatapos na pagkatapos ng presscon proper ng Magdalena noong September 24, Lunes, ay nagpaalam agad si Pauleen dahil birthday raw ng kanyang mommy.

Pero nagawang habulin ng PEP si Pauleen para sa ilang karagdagang mga katanungan.

Kahit natatawang humirit ang aktres na tungkol sa Magdalena lang ang pag-usapan namin, nagawa pa rin namin siyang tanungin nang pahapyaw tungkol sa lagay ng kanyang puso.

Simula kasi nang ma-link si Pauleen sa kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Vic Sotto, tila naging matipid at mailap siya kapag ang paksang ito ang itinatanong sa kanya.

Natawa si Pauleen nang tanungin namin kung kumusta ang kanyang puso ngayon.

"I’m very, very happy with everything.

“I just moved in sa bagong bahay namin. Same village pa rin, pero bagong bahay na.

"Almost two years in the making.”

Kasama pa rin daw niyang lumipat sa bagong bahay ang pamilya niya.

Saad ni Pauleen, “Ako, I will never, ever leave the house.

"I have a comfortable life with the family. Nirerespeto nila ako, nirerespeto ko sila.

"So, bakit ako aalis?

“Tapos, malulungkutin pa ako, so hindi ko kayang mag-isa.

"At hindi ko rin ma-gets kung bakit kailangan... I mean, I respect other people na nago-solo. Nothing against it.

“It’s just not for me.”

Posible raw na parentahan na lang nila ang dati nilang bahay.

Pagkatapos nito ay muli naming tinanong si Pauleen tungkol sa kontrobersiyal na lovelife niya.

Sabi namin kay Pauleen, nagkakaroon kasi ng impresyon na umiiwas siyang ma-interview tuwing presscon.

Sabi niya nang nakangiti, “Hindi, birthday talaga ng nanay ko ngayon.”

Pero dugtong din niya, “Hindi ba, mas masaya kung tahimik?

“E, kasi, ang buhay na nga naming buo, nasa labas, eh.

"Basta, masaya ako ngayon.”

Paano niya ilalarawan ang lagay ng puso niya ngayon kumpara sa nakaraan?

“Siguro kumpleto. Kumpleto in all sense... peaceful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga, our life is a big, open book.

"So, if there’s a chance na may isang aspect—not necessarily lovelife—na may isang aspect ka sa buhay na puwede mo namang... yung sa inyo lang, halimbawa, sa mga pamilya mo lang, kaibigan mo lang, I think I’ll grab that chance.”

Kailan kaya siya magiging “open” muli sa pagbabahagi ng lovelife niya?

“Hindi ko alam. Sa totoo lang, hindi ko alam," nakangiting sagot ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN