Lian Paz reacts to negative write-ups about her; still has not heard from estranged husband Paolo Contis

IMAGE Arniel Serato

Hinamon ni Lian Paz ang mga gumagawa ng negative write-ups tungkol sa kanya na maglabas ng ebidensiya na nakikipag-date na nga siya nang mag-isa. Madalas daw kasi na mga kaibigan niya ang kasama niyang lumalabas. Hindi raw siya nakikipag-date dahil trabaho at ang mga anak niya ang kanyang prayoridad.


Masama ang loob ni Lian Paz sa mga nagkakalat ng intrigang isang lolo raw ang ipinalit niya kay Paolo Contis.

Diumano, madalas daw kasi siyang nakikitang lumalabas kasama ang isang matandang lalaki.

“Naku! Madami akong kasamang may edad na, lola ko, tito ko po, at saka ano…nasa events kasi ako, ang parents ko.

“Most of the time, I talk to my clients. May events din akong pinupuntahan, kung saan-saan, kinukuha ako para magsayaw ganyan. Sideline, kumbaga, raket po.

“Naloloka na nga po ako, e,” bulalas pa ni Lian sa panayam sa kanya ng Startalk.

May lumabas din na mga litrato sa isang tabloid kamakailan lang na kuha kay Lian sa Enchanted Kingdom. Kasama niya naman dito ang isang lalaki na hindi naman matanda.

Ang parehong mga litrato rin ang nauna nang lumabas sa PEParazzi section ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sinagot din ni Lian dito ang tungkol sa lalaking ito nang kontakin siya ng PEP para sa kanyang paglilinaw.

"Hello po! He's my bestfriend. Dalawa po kasama ko that day...my girl bestfriend and he, wag po nating bigyan ng kulay, he is of same age as my brother and my girlfriend po yung tao. :) Salamat po :)" paliwanag ni Lian sa PEP sa pamamagitan ng text message.

(CLICK HERE to see photos.)



NOT HAPPY WITH NEGATIVE WRITE-UPS. Samantala, hindi naman ikinatuwa ni Lian ang paglalabas ng mga litrato at paglalathala ng tabloid tungkol dito nang wala man lang panig niya para magpaliwanag.

“Actually, nau-offend na talaga ako sa mga lumalabas na mga balitang ganyan, yung mga hindi magandang write-ups sa akin. Kasi ano po, e…I don’t know what to do.

“Parang, ano pa ba’ng gusto nila?

“Para ma-satisfy yung hunger n’yo na gusto n’yo talagang ilaglag yung pagkatao ko or what?

“Kasi lahat po ng nangyari sa akin ngayon this year, talagang mahirap po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit po sa akin na ito, nananahimik na po ako.

“I’m trying my best to raise my kids alone.

“Ang sa akin lang po sana, yun na lang yung tingnan ng mga tao. Respetuhin naman po nila yun,” pahayag pa ng dating EB Babes member.

Lumalabas daw siya minsan pero grupo naman daw kasama ang mga kaibigan.

“Hindi naman siguro ako stupid na lalabas ako with a guy alone, di ba?

“Kung meron silang ilalabas, ilabas n’yo po lahat ng nalalaman n’yo or whatsoever.

“Hindi po ako natatakot. Wala po akong tinatago,” naghahamong pa niyang pahayag.

Dagdag pang himutok ni LIan, “I’m trying to keep things in private na parang hindi na maganda yung mga nangyari sa akin.

“It’s painful and I’m really trying my best to cope up dahil mag-isa po talaga ako ngayon…

“Mga anak ko ang pinagkakabalahan ko.”



NO COMMUNICATION WITH PAOLO. Sa ngayon ay solo raw niyang pinapalaki ang dalawang anak nila ni Paolo, dahil ang huling perang natanggap daw niya mula sa aktor ay nung nagpa-interview pa siya sa H.O.T. TV.

Alam daw niyang may pinagdadaanan si Paolo, kaya hindi raw niya alam kung kailan ito magpapadala uli.

Tini-text daw niya si Paolo kung may ipapadala daw ba ito para sa mga bata, at sinasagot naman daw siyang meron next week, pero wala naman daw dumarating.

Sa text lang daw sila nagkakaroon ng komunikasyon pero tungkol lang daw sa mga bata.

Ang madalas daw na dumadalaw sa dalawang bata ay ang ina ni Paolo.

“Yung mama po ni Paolo nagpupunta po siya dito, pero nitong mga nakaraang araw hindi po siya makapunta. Masama po yata yung pakiramdam.

“Hindi ko naman inaano yung bata sa kanila.

Ayon pa kay Lian, “I don’t know if he’s done with his financial problems, pero hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang alam ko…yun po, pero marami akong naririnig.

“Hindi po ako nagsasalita, tahimik lang ako, kasi, actually, nasabi ko na lahat.

“Kapag nagsasalita ako, ang lumalabas ako pa yung masama.

“The next day, may mga negative write-ups na naman sa akin. So, parang ayoko na po nung ganun.

“Parang gusto ko pong makiusap, sa totoo lang, sa lahat po ng tao na nakakaalam ng situation namin at sa mga writers na nagsusulat.

“Nirerespeto ko yung trabaho nila, karapatan po nila yun.

“Pero sana lang po maisip nila yung pagiging isa kong ina.

“Tinataguyod ko yung mga anak ko, mag-isa dahil yun pa lang part na yun, sobrang hirap na po talaga.”

Ikinuwento ni LIan na bukod sa pag-organize ng mga events, gumagawa raw ito ng mga customized chocolates na inaalok niya sa mga coffee shops.

Nakikipag-tie-up daw siya sa ilang kaibigang gumagawa nito.



“WHERE IS PAPA?” Pagdating sa mga anak niya, hinahanap daw ng mga ito si Paolo, pero lagi na lang daw niyang sinasabihan na nasa trabaho ang kanilang ama.

“Actually, si Xonia [panganay nilang anak]…Kasi ang swerte ko nga po, hindi pa nakakapagbasa yung mga anak ko, at hindi pa sila nakakapagsalita, yung mga nakikita nila.

“Hindi nila alam kung anong nangyayari. But Xonia is turning three already.

“Minsan nagtatanong siya pag wala ako, lola ko ang nandito, ‘Where is Mama?’ Ganun siya,

“’Where is papa?’

“Minsan ako yung nakarinig talaga na, ‘Where is papa?’

“Sabi ko, ‘Papa is at work.’

“Hindi para siraan siya, dahil ama siya ng mga anak ko. Yun nga po yung unfair sa part ko.

“Dehado na nga po ako dahil ako yung iniwan with my kids, sana naman yung even yung part na yun.

“Ma-realize niya, tatay siya ng mga anak ko.

“Sana, yung mga pangangailangan ng mga bata, yun lang po. But then again, hindi ko din mapipilit kung may problema siya,” patuloy ni Lian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FIRST CHRISTMAS WITHOUT PAOLO. Hindi pa raw niya maisip sa ngayon kung ano ang gagawin niya sa darating na Pasko na hindi kasama ng mga anak niya si Paolo.

“Naku! First-ever na Christmas na wala siya, but I’ll try to make it the best pa rin.

“Siyempre, di ba, Christmas is for children? Family ko, nandiyan for us. We might as well spend it with them,” sagot ni Lian.

Samantala, sinubukang kunin din ng Startalk ang panig ni Paolo.

Ayaw pa muna ni Paolo na sagutin ang mga binitiwang pahayag ni Lian.

Mas mabuting manahimik na lang daw siya sa ngayon para maayos ang dapat ayusin para sa kanyang mga anak.

Mananatili ring bukas ang PEP para sa reaksyon ni Paolo sa mga pahayag ni Lian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN