Gladys Guevarra uses Twitter to vent anger about being dragged into Paolo Contis-Lian Paz word war

IMAGE Allan Sancon

Hindi na napigilan ng comedienne na si Gladys Guevarra na mag-react sa pagkakadawit ng pangalan niya sa away ng estranged couple na sina Paolo Contis at Lian Paz. Kaninang madaling-araw ay inilabas ni Gladys ang sama ng loob sa Twitter account niya.


Nadadamay si Gladys Guevarra sa marital problems ng estranged couple na sina Paolo Contis at Lian Paz.

Pero pinili ng comedienne na manahimik.

Last Monday, October 29, pinuntahan si Gladys ng crew ng StarTalk TX sa taping ng weekly variety-game show ng GMA-7 na Manny Many Prizes.

Ito ay para kunin ang panig niya tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa problema nina Paolo at Lian.

Pero tumanggi siyang magsalita.

Sa live interview ni Lian sa H.O.T. TV noong October 28, Linggo, tinanong siya ni Roderick Paulate tungkol sa phone call sa kanya ni Gladys, na diumano'y nag-trigger para aminin ng dating EB Babes member na “third party” ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Paolo.

Pinabulaanan ni Lian na may mga isinumbong sa kanya si Gladys.

Pero kinumpirma ng dancer na tinawagan siya ng comedienne, ngunit nangumusta lamang daw ito at nagbigay ng mga payo bilang isang kaibigan.

(CLICK HERE to read related story).



TRAITOR FRIENDS. Noong Sabado, November 3, muling lumabas ang pangalan ni Gladys sa live interview naman ni Paolo sa StarTalk TX.

Napag-usapan kasi nila ng host na si Joey de Leon ang sinabi ni Lian tungkol sa mga kaibigan ni Paolo na diumano’y “masamang impluwensiya” sa aktor.

Binanggit ni Joey ang mga kasamahan ni Paolo sa Manny Many Prizes, at isa na nga raw dito si Gladys.

Tinanong ni Joey si Paolo kung may mga nag-react na mga kaibigan niya sa sinabi ni Lian.

Sagot ng aktor: “Wala naman. Hindi ko po kasi alam kung katrabaho o ano yung mga binabanggit niya.

“But, yes, I should actually say na, oo, marami akong kaibigan talaga na masasabi talaga na, ngayon lalo, mga wala namang kuwenta talaga.

“I mean, siyempre, pag may pinagdadaanan naman kayo, doon mo makikita kung sino yung totoong kaibigan mo, e.”

Nang mapag-usapan naman ang tungkol sa pagrerenta nila ng limousine sa Amerika, nang magpunta sila roon para sa huling laban ni Manny Pacquiao, ito ang buwelta ni Paolo:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, dahil dun sa nabalitaan niyang yun, mas lumiit yung mga posibilidad na may mga kaibigan akong traydor!

“Kasi alam ko, maaring malaman ko na kung sino yung nandun.

“Una sa lahat, pag nasa Las Vegas ka, hindi naman mahal ang limousine, e. It’s forty dollars, one way.

“So, yun sigurong nagkuwento sa kanya, siguro mangmang, hindi alam kung ano’ng kuwento ng tungkol sa limousine ng Vegas.

“Sana rin nakuwento niya na, pagkatapos ng fight ni Manny, lahat kami naglakad kasi wala na kaming forty dollars pang-isa pang limousine.”

(CLICK HERE to read related story.)



GLADYS REACTS. Hindi na ikinatutuwa ni Gladys ang patuloy na pagkakasangkot ng pangalan niya sa away nina Paolo at Lian.

Kaninang madaling-araw, November 5, inilabas niya ang sama ng loob sa kanyang Twitter account na @igladysguevarra.

Mabibigat ang mga salitang pinakawalan ni Gladys.

Kahit hindi siya nagbanggit ng mga pangalan, malinaw na patungkol kina Paolo at Lian ang kanyang mga tweet.

Narito ang magkakasunod na tweets ni Gladys:

“Nakakaloka na ito, drag na drag na ang pangalan ko sa interview . . . Ano bang mga problema nyo?

"Ang nakakainis pa dito, as ako lang talaga ang sinino mo! ako lang talaga ha?!

"Sana nagtatanong muna, actually nalinawan na yan eh kung bakit ako tumawag. All of a sudden, ako na talaga yung source? ano to?!!!!

"Kung may mga kabalbalan kayo, siguraduhin nyo sino ang salarin. Wag nagbibitaw ng pangalan basta basta! Kapal!

"Yan ang hirap sa mga taong nasa kumunoy eh, tawag sayo HANAP DAMAY! Kapal ng mukha mo!

"ininterview ako ng startalk nung isang linggo, hindi ako nagpa interview, bilang gulo nyo yan at iba ang itinawag ko! wala kong paki sa mga ka-cheapan ng buhay nyo! ang sobrang payapa ng buhay ko, wag nyo ko isali sa labo ng mundo nyo!

"yun na nga nakakairita eh, sana alam nila totoo para mawindang at sa mukha nila sumabog mga kawalanyaan nila"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN