Paolo Contis blames“traitor friends” for his marital troubles; denies having an affair with non-showbiz girl

IMAGE Noel B. Orsal

“Marami akong kaibigan talaga, na masasabi talaga na, ngayon lalo, mga wala namang kuwenta talaga. I mean, siyempre, pag may pinagdadaanan naman kayo, doon mo makikita kung sino yung totoong kaibigan mo, e,” lahad ni Paolo Contis. Aniya, may mga kaibigan siyang “traydor” na nagkalat ng mga maling balita tungkol sa kanya.


Live na nag-guest si Paolo Contis kaninang hapon, November 3 sa StarTalk TX.

At sa interview sa kanya ni Joey de Leon, tinanong si Paolo kung isa nga ba ang isyu ng third party sa dahilan ng hiwalayan nila ni Lian Paz?

“Hindi totoo yun,” ang mabilis na sagot ni Paolo.

Isang taon na diumano ang relasyon ni Paolo sa isang non-showbiz girl.

Ayon nga kay Paolo, wala siyang sinumang karelasyon.

Kung babaligtarin at sa panig naman ni Lian, wala rin ba itong karelasyong iba?

“Actually, ang nangyayari kasi is puro interview. Pumayag ako na magsalita na to put a stop to all the interviews,” ani Paolo.

“I feel bad na ang nangyayari, usapan puro on TV, on TV.

“Maybe partly it’s also my fault, pero I want to put a stop on it.

“Yung mga ganitong issue, I think, should be kept private. Kung kailangang pag-usapan, pag-uusapan namin dalawa in closed doors.

“Tapos yung sa ano, sa one year, meron daw akong karelasyon ng one year?

Alam kahit ng mga kasambahay namin na halos isang taon akong nasa bahay lang.

“Kapag wala naman akong trabaho hindi ako umaalis ng bahay.”

BAD INFLUENCE. Isa pang isyu ay masama raw na impluwensiya ang ilang kaibigan ni Paolo.

“Hindi naman ako mapiling tao, di ba? I mean, kung may masamang impluwensiya ka mang kaibigan, hindi naman ibig sabihin magpapaimpluwensiya ka.

“Hindi mo naman puwedeng piliin kung sino yung masamang tao.”

Wala naman daw nag-react sa mga kaibigan ni Paolo.

“Wala naman. Hindi ko po kasi alam kung katrabaho o ano yung mga binabanggit niya [Lian].

“But, yes, I should actually say na, oo, marami akong kaibigan talaga na masasabi talaga na, ngayon lalo, mga wala namang kuwenta talaga.

“I mean, siyempre, pag may pinagdadaanan naman kayo, doon mo makikita kung sino yung totoong kaibigan mo, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRAITORS. Isyu rin ang pagre-rent ng limousine ni Paolo sa U.S. noong huling laban ni Manny Pacquiao at ipinagamit sa mga kaibigan niya.

“Actually, dahil dun sa nabalitaan niyang yun, mas lumiit yung mga posibilidad na may mga kaibigan akong traydor!

“Kasi alam ko, maaring malaman ko na kung sino yung nandun.

“Una sa lahat, pag nasa Las Vegas ka, hindi naman mahal ang limousine, e. It’s forty dollars, one way.

“So, yun sigurong nagkuwento sa kanya, siguro mangmang, hindi alam kung ano’ng kuwento ng tungkol sa limousine ng Vegas.

“Sana rin nakuwento niya na, pagkatapos ng fight ni Manny, lahat kami naglakad kasi wala na kaming forty dollars pang-isa pang limousine.”

Isa pa raw pinag-awayan nila ni Lian ay ang problema sa pera.

“Yes! True! I’m facing financial problems now. I don’t think iyon ang sukatan ng pagkatao ko, na meron akong problemang pinansiyal.

“The fact is I’m facing it.”

Ayon pa kay Paolo, “In all honesty, ngayon sa estado kong ito, diyan ko napatunayan kung gaano ako kamahal ni Nay Lolit [Solis, his manager].

“Diyan ko napatunayan kung sino yung mga kaibigan ko.”


May mensahe naman si Paolo sa mga sinasabi niyang nanraydor sa kanya: “At tsaka yung mga ‘kaibigan’ ko, para sabihin ninyong magastos ako, nakinabang kayo, di ba?

“Ngayon nahahalata ninyo lang na ano, kasi wala na akong pakinabang, kasi hindi ko kayo malibre, hindi ko kayo magastusan.

“So, yung mga nagsusumbong kunu-kuno, tumahimik na lang kayo siguro.

“Nakakairita! Nakakainis!”

FINANCIAL OBLIGATIONS TO KIDS. Gaano katotoo na nababayaan niya raw ang financial obligations sa mga anak?

“Well, again, hindi ko gustong hindi mabigay yung financial obligations ko sa mga bata. Hindi totoong hindi ako nagbigay, ever.

“Nade-delay, oo! Because I have to face other problems.

“Meron akong hinaharap, mga kailangang bayaran, binabayaran ko isa-isa. Pero sinisigurado ko naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, nade-delay ako.”

Dalawa ang anak nila ni Lian, sina Xonia at Xalene.

Ten days ago raw ay kasama ni Paolo ang mga bata sa Podium sa Pasig City at naglaro sila roon. Nakakausap din daw ni Paolo ang bata sa telepono kapag tinatawagan niya ang mga yaya ng mga ito.

WANTING TO TALK TO LIAN. Totoo bang gusto niyang makausap si Lian na silang dalawa lang?

“Mas maganda sanang ganun, and naiintindihan ko na, for a time, hindi talaga ako makausap and it goes back to the problem that I have.

“Marami akong hindi nakita, marami akong hindi napansin. So, ngayon, mas mabuti na in private na lang. Kasi ang pangit, e.

“In a way, marami, marami kaming kailangang pag-usapan, huwag na lang sana sa ano... Mali yun, mali yung nangyari na puro sa interview, because marami rin akong kailangang asikasuhin,” pakiusap ni Paolo.

Kaya raw kailangang mag-usap nila ni Lian.

“I believe we have to kasi, kumbaga, naging out-of-hand siya.

“We have to talk in private, para maging maayos. Not na lang for us. Ako naman wala akong inaalagaang ano... Okey lang naman sa aking maano ang reputasyon ko, e.”

Nais ba niyang magkaayos pa sila ni Lian?

“We have to fix yung mga bagay para sa mga bata. Kailangang ayusin, kailangang pag-usapan yun.

“For now, ang iniisip ko lang yung mga bata. For now, I’m thinking about the kids.”

Ang mensahe niya for Lian: “Talk to you soon. Hope we can talk soon, for the kids. Ayoko ng away, e. Ayoko ng gulo.

“Para na lang sa mga bata, especially. Hindi naman tayo ganyan, e. Hindi naman natin style yung mag-away sa telebisyon.

“Sana maayos natin in private."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN