LJ Reyes on Paulo Avelino’s sexy image: “Mas mabuti nang pinagnanasaan kesa naman sa hindi—mas okay na yun.”

IMAGE Noel Orsal

Okay raw kay LJ Reyes ang gumawa ng isang project kasama ang ex-boyfriend nitong si Mike Tan. Sabi niya: “So kapag lumagpas na kayo sa ganoong stage, ibig sabihin okay na talaga, wala nang problema. Kung maging partners man kami sa isang project, wala nang problema yun.”


Kakaiba ang gusto pang mangyari ni LJ Reyes sa kanyang career bilang artista.

Sabi ng Kapuso actress, “Gusto ko talaga yung mga type ng roles na ginagawa ni Leonardo DiCaprio.”

Gusto rin ni LJ ang mga psychological thriller films na ginanapan ng Hollywood superstar.

Pero bakit panlalaki?

“Tomboy talaga ako, e!" biro ni LJ.

“Gusto ko yung mystery movies, mga psycho, mind-playing na mga movies.

“Sobrang in love nga ako.

“Pag may nagtatanong sa akin, gusto ko yung mala-Shutter Island... mga ganun... yung Inception... mga ganun,” pagbanggit ni LJ sa ilang pelikula ni Leonardo.



WITH EX-BOYFRIEND. Ang ex-boyfriend ni LJ at ka-batch niya sa StarStruck na si Mike Tan ay nabibigyan na ng malalaking breaks sa GMA-7.

Kumusta na sila?

“Good! Happy ako for him. Okay lang.

"Friends kami ni Mike so pag nagkikita kami, nagkukumustahan kami. Ganun.”

What if mayroong project ang GMA-7 na silang dalawa ang bida?

“Okay lang sa akin, kasi friends naman kami, e,” sagot ni LJ.

Okay lang din ba sa boyfriend ni LJ na si Paulo Avelino ang magsama sila ni Mike sa isang project?

“Oo naman.

“Ako, okay naman ako kasi trabaho naman yun, tapos professional naman kaming pareho.”

Kahit magkaroon sila ng kissing scene ni Mike?

“E, trabaho naman po yun. At saka okay lang na makatrabaho ko siya ulit kasi kumportable ako sa kanya. Yun.”

Dagdag pa ni LJ, “Oo, tsaka iyang mga past-past na ‘yan, biruan na namin, e.

“So kapag lumagpas na kayo sa ganoong stage, ibig sabihin, okay na talaga, wala nang problema.

“Kung maging partners man kami sa isang project, wala nang problema yun.”



ACTING CAREER. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na may anak si LJ sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino—ang dalawang taong gulang na si Ethan Akio o Aki.

Sa dahilang parehong artista ang mga magulang ni Aki, papayagan din ba nila ni Paulo na mag-artista ang anak nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, nararamdaman ko na may lahi siyang artista. Kung ako may lahing aswang, siya may lahing artista!" natatawang biro ni LJ.

Si LJ ay gumaganap na isang aswang sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Ayon sa aktres, magaling nang mag-pose sa harap ng kamera si Aki.

Sino ang mas kamukha?

“Parang hati.”

Nasa toddler school na raw si Aki at hindi pa raw nila papayagan itong mag-artista.

“Hindi muna, mag-aral muna siya.

“Para hindi puro patay-patay ang natututunan sa mga yaya.

“Kasi mahilig siyang mambaril. Tapos yung mga yaya, kunwari patay-patay.

“Sabi ko talaga pag-uwi ko, ‘Anong patay?’

“Tapos tawa nang tawa yung mga yaya, ‘Kasi Ma’am, binaril kami, sabi namin, patay!’

“Sabi ko, ‘Papatayin ko kayo!’” tawa nang tawang kuwento ni LJ.



CLOSER TO MOM. Malamang daw ay maging action star ang anak nila ni Paulo paglaki dahil sa mga kinahihiligan nitong mga laro.

“Mahilig siya sa sports, mahilig siyang mag-basketball, soccer, frisbee, kahit volleyball, baseball... halos lahat.”

Kanino ba nakukuha nito ang mga ugali?

“Siyempre sa akin. Mister ano yun, e... Mr. Friendship ever—pa-impress. Parang ako, ma-tsika,” at muling tumawa si LJ.

Kanino mas malapit ang bata—sa kanya o kay Paulo?

“Sa akin po. Kasi nag-breastfeed ako. Pero pareho naman, malambing na bata po siya.”

Kuwento pa ni LJ, iniiwasan nilang manood ng mga shows nila ni Paulo ang anak.

“Pag nakakapanood, kawawa. Sabi ko sa yaya, huwag nang papanoorin.

“E, kasi yung mga yaya, e, 'Patay daddy, patay mommy.'”

Napapanood si LJ sa primetime series ng GMA-7 na Aso Ni San Roque at nasa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Si Paulo naman ay nasa primetime series ng ABS-CBN na Walang Hanggan.

NAKED PAULO. Kamakailan ay isa si Paulo sa rumampa nang naka-underwear sa denim and underwear fashion show ng Bench. Marami raw ang nagnasa at nagpantasya kay Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni LJ dito?

“Nakakatuwa! Sabi ko nga sa ibang tao, sabi ko, mas mabuti nang pinagnanasaan kesa naman sa hindi—mas okay na yun.

“Nakakahiya naman yung hindi man lang siya naa-appreciate,” sabi ni LJ.

Proud si LJ kay Paulo, pero naapektuhan ba siya kapag may mga isyu tungkol kay Paulo?

Gaya ng nababalitang may malakas itong backer kaya nabibigyan ng magagandang projects.

“Gusto ko pong maniwala na kaya siya binibigyan ng magandang project dahil magaling siya. Naks!” pagtatanggol ni LJ kay Paulo.



COLLEGE EDUCATION. Malapit nang matapos sa kolehiyo si LJ at plano raw niyang tapusin ang kanyang college education.

Kuwento niya, “Dapat this sem [semester] pero hindi kaya ng schedule, e.

“Meron na po akong anak na pinapakain, pinapalaki, pinapaliguan. Joke!

“Actually, kung kunwari, e, ipu-full load ko siya every term, one year na lang tapos na ako.”

Economics ang kurso ni LJ sa De La Salle University. Hindi ba nakakahinayang kung hindi siya matatapos?

“Oo naman! Hindi naman ako nagpapabaya, whenever I can, pero siyempre kasi may anak na kasi ako.

“Kung ipu-full load ko, matatapos na ako in a year, pero ang schedule kasi mahirap.”



EXCHANGE ROLES. Bakit hindi niya sabihin kay Paulo na siya na muna ang magtrabaho at siya naman ay mag-aaral na lang muna?

“Ayoko!” bulalas ni LJ.

Balikwas naman si LJ sa tanong kung 50-50 ba sila sa lahat ng gastos?

“Bakit may ganung tanong?

“Basta alam namin ang responsibilidad namin.”

So hindi kinakalimutan ni Paulo ang responsibilidad nito sa kanilang mag-ina?

“Alam namin pareho ang responsibilidad ng isa’t isa,” tugon ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN