Ogie Alcasid performs at a three-show concert tour in California

IMAGE Jun Lalin


Ogie Alcasid and Angeline Quinto stopped to take pictures with their fans after their three-show concert tour in California.


Nakabalik na ng Pilipinas si Ogie Alcasid mula sa ilang araw na pananatili sa California, USA.

Nagkaroon siya ng tatlong shows doon, kasama si Angeline Quinto.

Isa sa tatlong shows ay ginanap sa Hanford, California; at dalawa naman sa Cache Creek Casino sa Brooks, California, malapit sa Sacramento.

Ayon sa singer and songwriter, masaya siya sa matagumpay na shows nila ni Angeline sa California.

MORE SHOWS WITH ANGELINE. Sabi naman ng manager ni Ogie na si Leo Dominguez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napatunayan niya na may chemistry sina at Ogie at Angeline sa stage, kaya siguradong mauulit pa raw ang show at willing silang gumawa muli ng series of shows sa iba pang mga bansa.

“Okay iyong shows nina Ogie at Angeline, may chemistry silang dalawa, kaya nakakatuwa.

"Natuwa ang mga tao sa kanila,” pahayag ni Leo.

Hindi na nagtagal sa Amerika ang pangulo ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) dahil marami pa raw itong commitments dito sa bansa.

Pati si Angeline ay umuwi rin kaagad upang mag-taping para sa afternoon series sa ABS-CBN, Kahit Konting Pagtingin, kung saan ang isa sa mga kapareha nito ay ang alaga rin ni Leo na si Paulo Avelino.

NEW ACHIEVEMENTS. Bago umalis ng bansa, nakausap din ng PEP si Ogie at masaya nitong ibinalita na ang 25th anniversary CD niya under Universal Records, The Songwriter and The Hitmakers, ay nag-Number One na sa Odyssey at Astro Vision record bars.

“Good news talaga iyon, kaya I’m so happy.

"‘Tapos naka-gold na rin siya, so, very thankful talaga ako!” sabi ni Ogie patungkol sa asawang si Regine Velasquez-Alcasid.

Bukod sa tagumpay ng kanyang silver anniversary CD, ikinuwento rin ni Ogie na nag-record siya kamakailan ng awitin para sa sa series ng TV5 na Never Say Goodbye.

Ang awitin ay pinamagatang "Ang Aking Puso," na isinulat niya para maging theme song ng naturang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa series na iyon, si Ogie rin ang sumulat ng "Kailangan Ko’y Ikaw," ang theme song naman ng bagong series ng ABS-CBN, na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Kris Aquino, at Anne Curtis.

Sa GMA-7 naman, namamayagpag din si Ogie dahil sa sinulat niyang "Yakap na Sandali," ang theme song ng teleseryeng Pahiram ng Sandali, na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes.

Mapalad umano si Ogie dahil nagawa niyang makapagtrabaho sa top three TV networks ng bansa.

“God is great!” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN