Angelica Panganiban on relationship with John Lloyd Cruz: “Nag-e-exist pala yung ganung klaseng happiness.”

IMAGE Monching Jaramillo

Ganito inilarawan ni Angelica Panganiban ang estado ng buhay pag-ibig niya pagkatapos umamin ni John Lloyd Cruz tungkol sa kanilang relasyon: “Siguro mas masasabi kong mas okay ako ngayon, mas kumpleto ang pakiramdam ko, kasi may taong nagpapasaya sa akin at nagpaparamdam sa akin at nagpupuno ng mga nawala sa akin.”


Masaya si Angelica Panganiban sa ginawang pag-amin ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Pero hindi raw ito dapat gawing malaking isyu.

Inamin ni Angelica na nagulat siya nang malaman niya ang ginawang pag-amin ni John Lloyd tungkol sa kanilang relasyon sa The Buzz noong Linggo, October 27.

“Siyempre, hindi ko naman ine-expect. Hindi naman ako na-brief, di ba? Ano… O, di sinabi!” sabi ni Angelica nang tanungin siya ng entertainment press tungkol dito, sa press conference ng Banana Split Extra Scoop kahapon, October 30.

Patuloy pang kwento ng 25-year-old Kapamilya actress, “Tapos nawalan na ako ng baterya. Busy na yung phone ko, e.

“Tapos tinanong niya kung napanood ko kasi binati raw niya ako.

“Nandoon kasi ako sa bahay ng family niya kasi birthday ng pamangkin niya.

“So, una kong nalaman, siyempre, sa madaldal kong kaibigan [turo kay Melai Cantiveros], tinatawagan niya ako.

“Tapos nagpunta na yung mga tita niya.

“Siyempre, nagulat [ako]. Gusto kong makita kung paano nangyari.”

Dahil sa pag-amin ni John Lloyd, mas madali na raw para sa magkasintahan na magsalita sa publiko tungkol sa kanilang dalawa.

Sabi ni Angelica, “Well, kasi tulad naman ng lagi naming sinasabi, wala naman kaming itinatago, e.

“Nagkataon lang na noong tinatanong kami, wala naman talaga.

“So, mahirap bigyan ng label yung mga bagay na wala pa naman talagang label.

“Ngayon na alam na namin kung ano kami sa isa’t isa, kapag tinanong kami, diretso na rin naming sasabihin.”

(CLICK HERE to read related article.)



“WALA LANG ‘YON.” Nang tanungin nga kung masasabing “kumpleto” na siya dahil sa pag-amin ni John Lloyd, sinabi ni Angelica na hindi dapat gawing malaking isyu ang panayam ni John Lloyd sa The Buzz.

“Alam niyo, hindi ko pwedeng i-base ang sasabihin ko na ‘yes, kumpleto na ako’ dahil nagsalita siya sa The Buzz," sagot nito sa media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang ‘yon. Kung ako man ang nakaupo doon at tinanong ako, sasabihin ko na, ‘Oo, kami.’

“Walang malaking isyu.

“May nagtanong, sinabi namin, at sinasabi namin ngayon na 'Oo, kami,' hindi para makumpleto ang buhay ko sa nangyaring interbyu, di ba?

“Siguro mas masasabi kong mas okay ako ngayon, mas kumpleto ang pakiramdam ko kasi may taong nagpapasaya sa akin at nagpaparamdam sa akin at nagpupuno ng mga nawala sa akin.”



“PARANG MAY SPARK. PARANG MAY MAGIC.” Aminado si Angelica na kahit nasa iisang TV network (ABS-CBN) at talent management (Star Magic) sila ni John Lloyd, hindi naman sila maituturing na close noon.

Bago ang pagsasama nila sa upcoming movie ng Star Magic na 24/7 In Love, kung saan sila ang magkapareha, nagkatrabaho na rin noon sina Angelica ang John Lloyd sa drama series na Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik.

Subalit may kanya-kanya pang karelasyon noon ang dalawa.

Kaya naman sabi ni Angelica, “Hindi mo naman din akalain na one day magkakasundo kayo and parang bakit ganun—parang nagkakasundo kami, parang may spark, may magic.”

Base sa kuwento ni Angelica, tila ngayong taon lang siya naging malapit kay John Lloyd.

“Ever since naman kasi, hindi kami ganun ka-close.

“Hindi naman namin pinapansin ang isa’t isa.

“Hindi kami close, hindi kami bonding, walang ganun.

“Kapag nag-uusap kami, usually small talk—kahit noong nasa Vietnam kami.”

Ang tinutukoy ni Angelica ay ang pagpunta nila ni John Lloyd sa Vietnam earlier this year para sa pelikula ng Star Magic.

May hinuha na sa Vietnam nagsimula ang pagkakamabutihan nilang dalawa.

Sa panahong ito kasi naging maugong ang usap-usapan tungkol naman sa pagkakaroon ng problema ng relasyon ni John Lloyd kay Shaina Magdayao, at sa relasyon ni Angelica kay Derek Ramsay.

Hindi ibinigay ni Angelica ang tiyak na panahon na naging malapit sila ni John Lloyd sa aming panayam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi niya, “Siguro dumating kami sa point na nagkukuwentuhan, nagkukuwento o nagse-share ako ng mga experiences at nangyari sa akin.

“Nagulat ako na may tao palang ganun, may lalaking ganun, na pakikinggan ka hanggang matapos yung kuwento mo.

“Nagulat din ako na nakuwento ko—as in, nakuwento ko nang hindi siya sumasabat.

“Na-enjoy ko yung kuwentuhan.”



KEEPING THEIR PRIVACY. Bago ang ginawang pag-amin ni John Lloyd, usap-usapan na rin ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Angelica.

Unang kinumpirma ng YES! magazine sa November 2012 issue nito (na lumabas sa merkado ng Oktubre 19) ang relasyong John Lloyd-Angelica.

Pagkatapos nito ay naging sunud-sunod na ang kuwento tungkol sa kanilang relasyon.

Tinanong ng media si Angelica kung nasaktan ba siya sa mga lumabas na kuwento bago sila umamin.

Sagot ng aktres, “Hindi. Mahirap sabihin kung ano yung nararamdaman ko kasi nanggaling ako sa isang relationship na talagang open ako at wala akong itinatago.

“Ngayon na may nagsalita, parang inamin ni John Lloyd na kami na, may mga tao na sasabihin na, ‘O, aamin din pala kayo.’ Ganito-ganyan.

“So, ano ba ang gusto ng publiko? Magsasalita ba kami?

“Siguro mas mabuti na inamin namin, kami na.

“Kung may mga masaya, good for you guys, masaya kayo.

“Kung may mga hindi masaya, sasaya din kayo eventually."

Bagamat may pag-amin na mula mismo kina John Lloyd at Angelica, gusto pa rin daw ng dalawa na maging tahimik tungkol sa relasyon nila.

Sabi ng aktres, “Ayaw ko nang bigyan ng detalye ang mga bagay-bagay kasi para hindi pagpiyestahan ng mga tao yung personal kong buhay.

“Mas maganda yung ganun, yung private—mas ako 'yon, and happiness naming dalawa 'yon.

“Kung sino yung masaya na gustong makisali, welcome naman lahat, e.

“Pero yung mga nega, hindi namin kayang i-take ‘yon.”

THIS IS DIFFERENT. Sa kabuuan, kakaiba raw ang pakiramdam ni Angelica sa bagong relasyon niya sa 29-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba, e, parang out of this world.

“Hindi mo nga alam na nag-e-exist pala yung ganung klaseng happiness.

“Puwede pala ‘yon. May dalawang tao palang magkakasundo and kaya nIyong suportahan yung isa’t isa.

“Ganun kasimple, walang hassle, walang isyu, walang problema.”



RESOLUTION AND HEALING. Dahil sa bagong relasyon ni Angelica kay John Lloyd, tila iwas na ang aktres sa pagsagot tungkol sa mga nakaraang relasyon nilang dalawa.

Unang tinanong kay Angelica ang tungkol sa dating girlfriend ni John Lloyd na si Shaina Magdayao.

Sabi ni Angelica, “Well, hindi naman ‘yon napag-uusapan.

“I don’t think issue siya.

“Wala, wala. Hindi siya big deal, e.

“Siguro, ang importante is yung ngayon at yung future. Yung past, e, kaya natapos ‘yon kasi may ibig sabihin."

Dagdag pa niya, “Hindi kami nagkikita. Hindi naman kami nakukulong sa isang kuwarto para magyakapan. Wala namang ganun.”

Sa panayam na ito, naitanong din si Angelica kung masasabing "healed" na siya mula sa kanyang dating relasyon kay Derek.

Sandaling tumahimik si Angelica bago sumagot.

Aniya, “Hindi, e… Mahirap 'yon i-identify kasi kung anuman yung nangyari sa akin sa past ko, desisyon ko naman na hindi ‘yon ikuwento sa public, dahil ‘yon din naman ang ipinangako ko sa nakaraan ko.

"Tapos na 'yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN