Part 1. John Lloyd Cruz on relationship with Angelica Panganiban: “Wala naman kaming idine-deny... Pero talking openly about it, talagang may discomfort tayo.”

IMAGE Noel Orsal

“Masayang-masaya tayo at talaga namang magpapasalamat ka na lang sa ibinibigay sa iyo ng mundo, ng Diyos… napaka-ano niya, e, too good to be true. Ang ganda ng nangyayari sa trabaho, sa career. Tapos, puwede rin palang tumbasan yung ganitong kaligayahan ng personal na buhay," paglalarawan ni John Lloyd Cruz sa estado ng kanyang buhay at lovelife.


Humarap sa entertainment press kahapon, October 28, sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para sa presscon ng kanilang bagong primetime series sa ABS-CBN, ang A Beautiful Affair.

Sa presscon na ginanap sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City, hindi nakaiwas si John Lloyd na matanong tungkol sa kanyang “beautiful affair” sa totoong buhay.

Si Angelica Panganiban.

Bagamat marami na ang naghihinala tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina John Lloyd at Angelica, tila nakumpirma pa ito sa pamamagitan ng kaibigan ng aktres na si Direk Dante Nico Garcia.

Sa presscon ng pelikula ni Angelica na idinirek ni Direk Dante, ang Madaling Araw, Mahabang Gabi, noong October 25, ay inamin nitong “four months” na ang relasyon nina John Lloyd at Angelica.

May ipinakita ring video sa press ang direktor kunsaan nagpahayag ng kanilang tunay na damdamin ang magkasintahan.

(CLICK HERE to read related story.)



NOTHING TO HIDE. “O, ano ang inaamin niya?” reaksiyon ni John Lloyd nang usisain ng press sa presscon ng A Beautiful Affair kahapon.

Dagdag pa niya, “Wala naman kaming idine-deny.

“Yun lang… hanggang ganun lang.

“Pero talking openly about it, talagang may discomfort tayo.”

Bakit may discomfort?

“Parang yun ang pinipili ko ngayon, pinipili namin.

“Hindi naman sa nagde-deny po kami or meron kaming itinatago.

“In fact, makikita mo kami kung saan-saan—yun po ang ibig sabihin na wala kaming itinatago.

“Pero para pag-usapan pa at bigyan pa ng detalye ang aming relasyon at ang aming mga plano, siguro it’s something na mas gugustuhin namin na sa amin na lang.”


THE VIDEO. Sa video na ipinakita ni Direk Dante sa press ay mayroon ding “moments” sina John Lloyd at Angelica, katulad halimbawa ng paghalik ng aktor sa kamay ng aktres at ang pagli-lips to lips nila.

Pumayag ba si John Lloyd na ipakita ng direktor ang video sa ilang entertainment press?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi ko pa alam kung ano yung video na yun na nakita n’yo. Pero wala namang ano sa amin yun.

“We’re good friends with Ga [palayaw ni Direk Dante]. Sobrang close nilang dalawa [ni Angelica].

“Hindi naman yun nagko-cause ng harm o danger sa amin—sa amin, individually, as actors.

"Naging ganun na lang. Between barkada, naging ganun.

“It shouldn’t be an issue.”

Sinabi rin ni Direk Dante na apat na buwan na ang relasyon nina John Lloyd at Angelica.

Natatawang sabi naman ng aktor, “Ang dami namang sinabi ni Ga!

“Hindi ko alam… siguro mas maganda kung makausap ko muna si Ga at kung ano ba yung mga ikinuwento niya.

“Baka mamaya, pero… si Ga is a very good friend.”



ANGELICA’S SONG. Pero alam ba ni John Lloyd na may ginawang kanta si Angelica para sa kanya, ang “Barcelona”?

“Oo naman,” mabilis at nakangiti niyang sagot. “Sila ni Glaiza [de Castro].”

Ano naman ang masasabi niya na ginawan siya ng kanta nito?

“E, first time, first time nating magawan ng kanta.

“’Yan ang sinasabi ko, medyo nahihiya ako kapag napag-uusapan kasi medyo mahiyain po tayo!” natatawa niyang sabi.

Biro naman kay John Lloyd ng press, kailan pa siya naging mahiyain?

“E, hindi naman normal na gawan ka ng kanta.”

Nang gawin daw ni Angelica ang kantang “Barcelona” sa Spain ay hindi raw niya kasama si John Lloyd.

Nang makausap ng PEP ang kaibigan ni Angelica na si Glaiza de Castro, sinabi nitong plano itong kantahin ni Angelica sa show nilang Banana Split sa mismong birthday niya ngayong November 4.

Ayon kay John Lloyd, “Nagkasama na kami sa Barcelona, years and years ago.”



LOVE LIKE THIS. Sa video na ipinakita ni Direk Dante ay sinabi ni John Lloyd na “I hope you’ll find a love like this,” bilang pagtukoy sa relasyon nila ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe naman si Ga, hindi niya in-edit!” natatawang sabi ng Kapamilya actor.

“Alam n’yo, mapanood ko nga ‘yan, mapanood ko muna.”

Pero dagdag ni John Lloyd, “Alam n’yo, ito nga ang sinasabi ko—alam ko may mga taong nae-excite para rito, may mga taong nagtatanong.

“Pero hindi talaga kami para magkuwento sa mga nangyayari sa aming mga personal na buhay.

“Sa kasalukuyan, tayo’y humaharap sa press, sa inyo, para maipagbigay-alam ang tungkol dun sa ating napakagandang teleserye—A Beautiful Affair.”


HAPPIEST. Masasabi ba niyang he’s at his happiest now?

“Mahirap yun sukatin. Hindi yata kayang sukatin yun,” sagot ni John Lloyd.

Hindi ba “happiest” kapag ang isang tao ay nakapagbigay na ng mamahaling kotse sa babaeng minamahal niya?

May balita kasi, na nagsimula sa Instagram at pinatutunayan ng YES! magazine, na niregaluhan ni John Lloyd si Angelica ng Mercedes-Benz SLK.

Ito ay nai-post ng aktres sa kanyang Instagram account. (CLICK HERE to read related story.) At sa November issue ng YES! Magazine, binuo pa ang mga detalye ng pagde-deliver ng kotse, paglalagay ng bulaklak at tsokolate rito, at ilan pang bagay na maaari lang manggaling sa sources na totoong may nalalaman.

Hindi rin naman pinabulaanan ng kampo ni John Lloyd at Angelica ang mga lumabas sa magazine.

Ngayon, sa presscon, pag-parry ni John Lloyd sa kuwento ng Mercedes-Benz: “Naku, nandiyan na naman tayo sa isyung ‘yan, iwasan po natin ‘yan.

“Kasi, baka isipin po ng… e, ganun tayo kaluwag sa ating pinaghihirapang pera. E, hindi naman.

“Huwag na po nating pag-usapan yun kasi nakakahiya naman na napakalaking pera para bitawan mo lang nang ganun.”

Nilinaw rin ni John Lloyd ang singsing na nai-post din ni Angelica sa kanyang Instagram account, na marami agad ang nag-assume na siya ang nagbigay.

Aniya, “Yun pong pinost sa Instagram, ano po yun, part ng costume niya sa ginagawa niyang movie na kasama sina Dingdong [Dantes].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni John Lloyd ay ang pelikulang One More Try ng Star Cinema.

Ibinalik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tanong kay John Lloyd kung masasabi niyang he’s at his “happiest” now.

“Happiest, ikinukumpara kung kailan?

“Mahirap kasing sukatin. Gaya ng pagmamahal at kaligayahan.


“Para siyang ano, e… hindi siya nasusukat.”

Ipinaalala ng PEP kay John Lloyd na nang mainterbyu siya noon ni Boy Abunda sa The Buzz, sinabi niyang kung anuman ang meron siya ngayon ay he’s never been this happier.

(CLICK HERE to read related story.)

“Totoo naman, totoo,” pag-amin niya.

“Masayang-masaya tayo at talaga namang magpapasalamat ka na lang sa ibinibigay sa iyo ng mundo, ng Diyos… napaka-ano niya, e, too good to be true.

“Ang ganda ng nangyayari sa trabaho, sa career.

“Tapos, puwede rin palang tumbasan yung ganitong kaligayahan ng personal na buhay.”



EVERYTHING IS BEAUTIFUL AND HAPPY. Kung may isang bagay na nakakapagbigay-saya sa kanya tungkol kay Angelica, ano yun?

“More than anything, kung paano kami as partner, even companionship—yun ang parang talagang tine-treasure mo.

“Siguro yun ‘yon… yun ang meron kami kaya siguro ako ganito.

“Kaya tingin n’yo, parang nagba-blush ako or ang ganda ng ngiti ko, napaka-ano, e, napaka… lahat maganda, lahat masaya.”

Ano ang naibigay o nabago sa kanya ni Angelica sa maikling panahon nilang magkasama?

“Ito ang sinasabi ko na mahirap, kapag tayo ay dumedetalye sa ating personal na buhay,” iwas ng aktor.

Nasaang level na ang relasyon nila ngayon ni Angelica?

“Basta ang masasabi ko, we’re enjoying.

“Nagkakaroon kami ng pagkakataon to actually get-together and spend time with family—yung side niya, side ko.

“Napakaano kasi, relax lang. Enjoy n’yo lang ang moment.

“Walang pressure, napakagaan, napaka-fluid.”

Sa usaping “detalye,” maaari bang sagutin ni John Lloyd kung ano ang katotohanan sa ipinagtapat ni Direk Ga na apat na buwan na sila at diumano’y may permiso naman daw ng aktor ang pagpapakita ng video sa press?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Panoorin ko muna,” ang nakangiti naman niyang sagot.

CLICK HERE to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN