PEP FORUM: What will stars do on Valentine's Day?

IMAGE Noel Orsal


Para sa mga single, huwag mainggit, dahil kahit sa showbiz, karamihan sa mga artista ay walang date sa Valentine's Day.


February 14 is Hearts' Day!

Kaya naman, tinanong namin ang inyong paboritong artista kung saan, sino, at papaano nila ipagdiriwang ang Araw ng mga Puso.

Karamihan sa kanila ay magtatrabaho, habang ang mga single naman ay makikipag-date sa mga kaibigan.

Dalawa sa kanila, gustong maka-date si Enchong Dee!

Narito ang kanilang mga plano:

Paulo Avelino: “ Simple dinner lang kasama ng pamilya ko. Medyo excited and thrilled kasi ito ang first Valentine's Day na tatlo na kaming magkakasama— si LJ [Reyes] at ang baby namin na si Aki.


Rocco Nacino: “Work, work, and work— 'yan ang gagawin ko sa Valentine's Day kasi may trabaho ako. Pero if makakuha ng konting oras, idi-date ko ang Mommy ko. Wala kasi akong ka-Valentina ngayon kung hindi Mommy ko lang, and I'm happy to be single right now kasi mas nabibigyan ko ng focus yung trabaho ko."

Sheena Halili: “ Katulad last year, solo flight. Hahaha! Baka siguro mag-dinner na lang kami nila Mommy at Daddy kasama ang mga kapatid ko, yun lang."

Kristoffer Martin: “Baka yayain ko lumabas na mag-lunch o kaya mamasyal si Joyce [Ching] at mga friends ko. Kung papayag siya... Pero kung hindi, yayain ko na lang si Mommy. Siya na lang ang ka-date ko sa Valentine's Day."

Joyce Ching: “Ano bang plano namin? Siguro kakain lang sa labas with my family, pero pag nagyaya si Kristoffer [Martin] at ibang friends na lumabas, baka sila yung kasama ko sa Valentine's Day."

Derrick Monasterio: “Single ako ngayon kaya wala akong ka-Valentine's date, 'tsaka may trabaho yata ako that day. Medyo sobrang dami kasing trabaho kaya walang time sa lovelife. Baka next year, meron na."

Jake Vargas: “Sa Araw ng mga Puso, kasama ang pamilya ko. Balak naming mag-beach o kaya kumain na lang sa labas. Parang bonding na rin ng pamilya namin, kasi sa sobrang busy ko sa trabaho, bihira na kami magkita-kita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

German Moreno: "Kasama ko ang family ko— sila Federico, Sheila, at mga apo ko. Kakain lang sa labas o kaya manonood ng sine."

Sylvia Sanchez: “Sa bahay lang, nagluluto ako ng dinner sa mag-aama ko. Ayaw kong mag-dinner sa labas dahil sobrang traffic."


Arjo Atayde: “Baka nasa work po ako that day, kaya wala akong date sa Valentines Day. Right now kasi, mas focused ako sa work, kaya naman, zero ang lovelife."


Sunshine Dizon: “ No plans pero same as last year, lalabas lang kami ni Tim, magdi-dinner, kasama na namin yung mga bata."


Jackie Rice: “No plan to go out kasi may taping ako that day."

Ryza Cenon: “No date! single na kasi ako ulit. Siguro palalagpasin ko na lang ang Valentine's Day ngayong taon or I'd rather go out with my friends na lang, sila ang ka-date ko this Valentine's Day."

Arnell Ignacio: “Papa'no ba? Wala kasing lovelife right now... Siguro kasama ko na lang ulit ang daughter ko. Kakain lang kami sa labas o manonood ng sine. Bale siya ang ka-Valentina ko ngayong Araw ng mga Puso."

Direk Cesar Apolinario: “I just kiss my kids on early morning ng Feb 14, and then go to work to gather news about Valentine's Day. Buy flowers for my wife during free time, then file report for the news program, and go home ask my wife to go out for a date."

Neil Coleta: “Simple lang naman ang pagsi-celebrate ko ng Valentine's Day ngayon, if walang trabaho, siguro lalabas lang ako with my friends kasi wala naman akong GF ngayon. So mga kaibigan ko lang ang ka-date ko ngayon."

IC Mendoza: "Single ako this Valerntine's Day. Ilang taon na rin akong may ka-Valentines date pero nothing really happened. What I mean, hindi rin naman nagtatagal... Kaya naman this year, pass muna. Pero if may gusto ako maka-date, ang dream ko, si Enchong Dee kasi crush ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mr. Fu: “ Zero, as in wala akong ka-Valentine's date... Pero if magkakaroon ako, well, sino pa ba ang gusto ko? Isa lang naman, si Enchong Dee. Siya lang naman ang laman ng puso ko. Etchos, hahaha."

Shalala: “Well, masaya ang Valentine's Day ko. Baka yayain ko lang siya, alam mo na, hahaha! Pero depende pag walang work, pero pag meron, wa na muna date, work work muna."

Akihiro Blanco: “Actually, wala po akong ka-Valentina this Valentine's Day. Mas focused muna kasi sa work. Pero if ever na magkakaroon, gusto ko yung ka-loveteam ko, si Chanel.”

Hiro Magalona: “ Sa bahay lang, hindi kasi ako nagsi-celebrate ng Valentine's Day kasi loveless ako. Baka next year, pag may special someone na ako, doon na ako magsi-celebrate ng Valentine's Day."

Saida Diola: "Naku, zero ang lovelife ko kaya walang ka-date sa Valentine's Day. Family ko na lang siguro ang kasama ko sa Araw ng mga Puso. Baka pag niyaya ako ni Derek Ramsay, baka magkaroon ako ng ka-date."

Teejay Marquez: “Gusto ko sanang maka-date si Jennylyn Mercado kasi siya yung ultimate crush ko. Pero taken na siya, kaya solo flight lang ako this Feb 14."

Benjamin de Guzman: “Almost pareho lang naman every year ang pagsi-celebrate ko ng Valentine's Day. Kasama ko ang family, kakain sa labas, tapos bibigyan ko ng regalo ang Mommy ko, kapatid ko, Lola ko, at ang manager ko. Isasabay na rin namin namin ang celebration ng birthday ng Daddy ko kasi Feb 13 ang birthday niya. Basta ang mahalaga sa akin sa araw na ito na manatili ang magandang samahan at pagmamahalan ang pamilya namin."

Rhen Escano: “Sa mga nakaraang taon, nag-e-exclusive dates ako. But this Valentine's Day, gusto ko makasama ang malalapit kong kaibigan para i-celebrate ang friendship at appreciation namin sa isa't isa... para mas masaya."

Arkin del Rosario of XLR8: “Siguro, family ko lang ang kasama ko sa Valentine's Day. Kakain lang kami at manonood ng sine, zero kasi lovelife ko ngayon kaya malamig ang Valentine's Day ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Xavier Cruz (singer): “ Wala po akong Valentina this year kasi nasa concert ako nun. Gusto ako ni Angeline Quinto sa concert niya, kaya nasa trabaho lang ako sa araw na yun."

UPGRADE (group): “Kasama naming kakain sa labas yung special someone namin— yun yung mga fans namin. Kasi, may show kami that day kaya sila ang ka-Valentina namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN