Jay-R and Sam Concepcion in want of a date this Valentine’s Day

IMAGE Noel Orsal


Kung karamihan sa mga lalaki ay naghahanda para sa Valentine's Day, sina Jay-R at Sam Concepcion ay naghahanap pa lang ng date. Magtagumpay kaya sila? Abangan natin.


Ngayong love month, single ang status nina Jay-R at Sam Concepcion.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa opening ng Belo branch sa The Fort, kagabi, Pebrero 12.

Maghahanap pa raw sila ng date bukas, ang Araw ng mga Puso.


SAM ON JASMINE. Isa sa mga naiuugnay kay Sam ay ang Kapatid actress na si Jasmine Curtis Smith.

Sa panayam ng PEP contributor na si Glen Sibonga kay Jasmine, sinabi nitong nagha-“hang out” sila ng Kapamilya actor.

Ani Jasmine, “We’re friends naman po talaga. And we hang out, yeah.

“I’m not gonna say na we don’t, na I’m gonna lie pa na hindi kami nagha-hang out. We’re friends.”

Pinatotohanan naman ni Sam ang sinabing ito ng dalaga.

“Well, yeah, we hang out,” kasuwal na tugon nito.

Natanong din noon si Jasmine kung nililigawan ba siya ni Sam.

Tila ikinagulat ng aktres ang tanong na iyon dahil ang naging sagot niya’y, “Ha? Ahh… sa kanya niyo na lang tanungin,” sabay tawa.

(CLICK HERE for related article)

Kaya naman, aming tinanong si Sam kung nililigawan nga ba niya ang aktres.

Maingat ang naging sagot ng 20-year-old singer/actor, “Hindi naman ako nagsasalita ng tapos.

“Well, you know, we’re just enjoying our friendship.”

Si Jasmine ba ang naiisip niyang i-date ngayong Valentine’s Day?

“Maybe!” natatawang sagot ni Sam.

“Basta I do have someone in mind.”

Ang siguradong pagkakaabalahan ni Sam, “I’m promoting my album here and in Indonesia, and in other Asian market.”



JAY-R ON KRISTA. Samantala, tuluyan na raw tinuldukan nina Jay-R at Krista ang kanilang relasyon.

Matatandaan na noong Marso 2012, kinumpirma ng dalawa na tinapos na nila ang kanilang three-year relationship, ngunit hindi binanggit kung ano'ng dahilan nito.

Nanatili silang magkaibigan, at sinubukan ring suyuin muli ni Jay-R si Krista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ng dating beauty queen, “It’s just we’re taking things slow.

“We went through something that we don’t wanna talk about. We wanna keep it private.

“But whatever it is, we were able to handle it in a friendly way.

“And, ‘yon nga, we are in the ligaw stage. So let’s just leave it at that na lang.

“We don’t really want to go into details.

“It’s not that we wanna hide anything from the press or sa mga fans namin. Pasensiya na po talaga.

“But as much as we want to be open with you guys, we also want to reserve something for ourselves.”

(CLICK HERE for related article)

Ngunit tila hindi nasungkit ulit ni Jay-R ang puso ni Krista, dahil nang kamustahin namin ang kanyang panliligaw, “final na ‘yon,” ang naging sagot niya.

Inamin ni Jay-R na “dating” siya ngayon.

“I’m meeting people, having fun.

“Kaya nga wala akong Valentine, e, I’m working on it pa, e,” nakangiting pagbabahagi ng Kapuso singer/actor.

Pero kung walang mahanap na date, papanoorin na lang daw niya ang music video ng “Falling For You,” kung saan naka-duet niya si Marie Digby.

“So Valentine’s Day lalabas ‘yong video.

“Sa Valentine’s mapapanood sa MYX 'tapos sa YouTube channel ni Marie.

“So, I’m excited to release that in her music channel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN