PEP FORUM: Successful career or happy lovelife?

IMAGE Noel Orsal/ Allan Sancon

Do Anne Curtis-Smith, Bea Alonzo, Nikki Gil, Jake Cuenca, and Ronnie Liang believe that a good showbiz career and a happy love life can go hand in hand?


Posible nga ba para sa isang artista na pagsabayin ang masayang relasyon at magandang showbiz career?

Ito ang inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil kadalasan, "focus on career" ang paboritong sagot ng mga idolo natin sa tuwing tinatanong sila tungkol sa lovelife.

Nariyan din ang "no time for each other" na minsan ay nagiging dahilan ng hiwalayan. Kaya naman, hangga't busy ang isang star, pipiliin nitong huwag munang pumasok sa relasyon.

Ilan sa kanila ang nagsabi ng kanilang opinyon tungkol dito.

THE GENTS. Unahin na natin ang opinyon ng mga lalaki, sina Jake Cuenca at Ronnie Liang.

Matatandaan na ang huling relasyon ni Jake sa Kapamilya actress na si Melissa Ricks ay tumagal ng dalawang taon.

Mayroon nang bagong nagpapatibok sa puso ni Melissa, ang aktor na si Paul Jake Castillo. Si Jake naman ay single pa rin.

Ang sabi ng aktor, mas maigi kung “settled” o masaya na siya sa narating ng kanyang career.

Maaari naman daw ito pagsabayin, ngunit kailangan ng suporta at pang-unawa mula sa iyong partner.

Ani Jake, “I think it’s just setting, I think it’s just the time.

“I think if you’re focused on your career, then one will be sacrificed a little bit. But there will come a time, you know, if you guys are still together, when you can prioritize your lovelife over your career.

“Parang feeling ko, it just goes back and forth, e.

“Siyempre, before anything else, you want to establish yourself. Di ba, you wanna be settled down and everything?

“When that time comes, that’s when you can really prioritize your family or your lovelife, if you’re married, your wife, or if you have a girlfriend.

“And I think, each partner has to be understanding that way.

“Kasi, sometimes, di ba, in a relationship, maybe it’s the guy who’s doing very well in his career, or it’s the girl doing very well in her career. And for whatever reason, you have to be supportive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, you have to be supportive of one another.

“And then, yeah, when the right time comes, you can prioritize your lovelife when you’re comfortable na and when you’re ready and you know na parang, you can give that much time into your lovelife.”

Samantala, naging payak naman ang sagot ni Ronnie na nasa apat na taong relasyon na sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Basta ang pinaniniwalaan lamang daw ng balladeer, “Depende sa dalawang magkarelasyon, how they handle it.

“If you love each other, you understand each other, you’ll support each other.”


THE LADIES. Samantala, nagkasundo naman ang mga kababaihan na nakapanayam ng PEP na maaaring pagsabayin ang magandang career at masayang lovelife.

Una na diyan si Anne Curtis-Smith na nasa two-year relationship with chef/writer/host/model Erwan Heussaff.

Sa past interview ng PEP contributor na si Rose Garcia, sinabi ng It’s Showtime host, “Ano lang yun, tsismis lang yun. Tsismis lang na hindi kaya.

“And I believe that if there’s a will, there’s a way.

“You just have, both of you, to make it work.”

Ganoon din ang naging opinyon ni Bea Alonzo nang makapanayam siya ng PEP lead correspondent na si Nerisa Almo.

Si Bea ay nobya ng Kapamilya hunk actor na si Zanjoe Marudo.

“Alam mo, for the longest time, maniniwala na sana ako na mamimili ka kung career ba o lovelife.

“Kapag okay daw ang lovelife, walang career.

“Pero I’m a living proof na, okay, puwedeng magsabay!”

Dagdag pa ni Bea, “Alam mo, I’m very lucky na understanding yung boyfriend ko,” sagot ni Bea.

“Siguro malaking bagay na pareho kaming artista, naiintindihan niya yung schedule ko.

“The more na hindi kami nagkikita, the more na mas nagiging sweet yung relationship namin.”

Katulad naman ng opinyon ni Jake Cuenca, naniniwala rin si Nikki Gil na mas madaling isabay ang lovelife kung masaya ka na sa takbo ng iyong career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Limang taon na ang relasyon ni Nikki sa kapwa mang-aawit at host na si Billy Crawford.

“Ah, iba-iba tayo ng direksyon, iba-iba tayo ng karera, iba-iba tayo ng kuwento,” pagsisimula ni Nikki.

“Yung iba, hindi nila kaya because… siguro kaya naman, it’s just really a matter of wanting more what you already have.

“Kasi happy na ako with what I have, e, you know. I’m happy with where I’m at career-wise, I’m happy with where I’m at in my love life.

“If I am a frustrated… if I have some career frustrations, then it would be hard to juggle.

“Dahil you know, it’s a battle of me wanting more and having to deal with him. But the thing is I’m okay with where I’m at. I’m busy, I’m working [and] I’m still here after so many years.

“So many people have come and gone, but you know, God has kept me here and I’m content. I’m content with where I’m at [and] I get to do what I love most.

“Of course as an artist, there’s always room to grow.

“It’s not that I want more, it’s just that I see it there, it’s gonna get there.

“Andoon ‘yong journey, I’ll just go through the journey, I don’t even want to frustrate myself, I don’t want to rush myself.”

Kayo PEPsters, tingin niyo ba puwedeng pagsabayin ang magandang career at masayang lovelife sa showbiz?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN