FIRST READ ON PEP Part 1: Jake Ejercito speaks up about breakup with Andi Eigenmann; says he and Albie Casiño were, at one point, both Andi's boyfriends at the same time

IMAGE Allan Diones

“I respect Tita Jane very much. But then, parang nagulat lang ako at, siyempre, sumama na rin yung loob ko dahil, yun nga, medyo napasama yung parents ko,” pahayag ni Jake Ejercito tungkol sa mga sinabi ni Jaclyn Jose, ina ni Andi Eigenmann, tungkol mga magulang niyang sina Joseph Estrada at Laarni Enriquez.


LONDON, UK. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang ex-boyfriend ni Andi Eigenmann na si Jake Ejercito rito sa London.

Nandito kami para i-cover ang EB Dabarkads in London, na ginanap nung Sabado ng gabi, November 17 (Linggo ng madaling-araw sa Pilipinas), sa ExCel London.

Nanood ng show si Jake kasama ang isa niyang close friend na nag-aaral din dito. Paborito raw kasi ni Jake ang EB Dabarkads.

Bago pa kami lumipad pa-London ay may contact na kami kay Jake at nagpasabi kaming gusto namin siyang makausap hinggil sa paghihiwalay nila ni Andi.

Noong una ay tila ayaw pang magpa-interview ng 22-anyos na anak ng dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada at ng dating aktres na si Laarni Enriquez.

Baka raw kasi lumaki pa ang isyu.

Pero nang magkita na kami sa London ay hindi na niya napigilang sagutin ang lahat ng mga katanungan namin.

“Ayos naman, surviving,” sagot ni Jake nang kamustahin namin siya sa malamig na lugar na iyon, kung saan tatlong taon na siyang nag-aaral.

JACLYN JOSE INTERVIEW. Kamakailan lang ay umiiyak na na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Andi.

Ibinulalas nito ang tungkol sa pagbi-break nila ni Jake. (CLICK HERE to read related story.)

Pagtatapat ni Jake: “Well, it all started with Tita Jane’s interview."

Ang tinutukoy ni Jake ay ang panayam ni Jane, aka Jaclyn Jose, ang ina ni Andi, kung saan sinabi nitong tila hindi pabor ang mga magulang ni Jake sa relasyon nina Jake at Andi.

Ito ang eksaktong pahayag ng 48-year-old actress sa kanyang panayam sa press: “Hindi ko sinabing sila ni Jake, ang sabi ko lang, meron… Dagdagan natin—baka ayaw ng parents.”

(CLICK HERE to read related story.)

Mismong si Andi ay umalma sa sinabi ng ina.

Pagpapatuloy ni Jake, “Sinabi naman yata ni Andi sa interview niya na pati siya, nagulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, the exact same reaction. Nagulat din ako—very surprised.

“Kasi, yung statements niya [Jaclyn], yung insinuations were unwarranted.

“Wala naman siyang sinabi blatantly, pero parang na-put yung parents ko in a bad light.

“So, yun yung parang…

“I respect Tita Jane very much. But then, parang nagulat lang ako at, siyempre, sumama na rin yung loob ko dahil, yun nga, medyo napasama yung parents ko.”

ANDI'S APOLOGY. Matapos ang pagsasalitang iyon ni Jaclyn—na naganap sa victory dinner para sa box-office success ng pelikulang A Secret Affair—ay may inilabas si Andi sa blog nito na nagsu-sorry siya sa nangyari at tila idinedepensa nga nito ang mga magulang ni Jake.

(CLICK HERE to read related story.)

Nabasa ba iyon ni Jake?

“Yeah,” sagot ng binata.

“Kasi, after Tita Jane’s interview naman, magkausap kami [ni Andi].

"Tapos, kami pareho, parang we were both shocked.

“Sabi niya, hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya.

“Parang gusto niyang mag-sorry sa mom ko, pero walang way, ganyan-ganyan.

“I think she tried to text my mom’s best friend or something.

“Tapos, gusto niyang makipagkita, pero wala siyang number ng mom ko.

“Ang sabi naman ng mom ko, ‘Not right now. Maybe someday soon. Pero huwag muna ngayon.’

"Kasi, siyempre, fresh pa lahat.

“Nagulat din mom ko, kasi ang tahimik, e. Ang tahi-tahimik na ng lahat, biglang may ganito.”

JAKE'S PARENTS. Ano ba nga ba ang reaksyon ng mga magulang ni Jake sa mga nasabi ni Jaclyn, na tutol diumano ang mga ito kay Andi dahil dalagang-ina ang young actress?

“Well, napanood naman natin yung reaction ng dad ko [sa interview nito sa TV Patrol].

“Totoo yung sinabi niya na, both my parents, never nila akong pinagbawalan kay Andi.

“Yun lang, nung nabuntis si Andi, they just told me to be careful, to watch out, to look after myself lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But not necessarily bawal na, ‘Itigil n’yo na ‘yan!’ Walang gano’n.

“Kasi, kung ganun man, matagal nang wala ‘to, e. Matagal nang natapos sana,” sabi ni Jake.

THEY WERE AN ITEM. So, nung mabuntis si Andi ay silang dalawa pala no’n?

“Well, yeah, yeah, yeah,” pag-amin ni Jake.

“The thing is, before siya mabuntis, kami na.

“I think my mom mentioned in an interview na… nakita niya kasi ako, e.

“One time, nung mag-LQ kami ni Andi, nasa Manila ako. Bumalik ako ng London, kasi start na ng school.

“Pagbalik ko, sila na ulit ni Albie [Casiño].

“Pero hindi kami nag-break or anything. Nag-away lang kami.

“Pagbalik ko, biglang buntis na, gano’n.

“Tapos, nakita ako ng mom ko—you know how heartbroken she was.”

So, nag-overlap ang relasyon ni Andi sa kanya at kay Albie?

“Basically, yes," sabi ni Jake.

"And it’s because of that kaya medyo nasaktan… Siyempre, nanay ka, e, di ba?

“Siyempre, masasaktan ka rin para sa anak mo.”

Tapos, kahit nagkabalikan sina Andi at Albie, hindi pa rin iniwan ni Jake si Andi?

Sagot ni Jake, “Hindi ko siya iniwan, oo. Tama ‘yon. So, yun nga."

JAKE & ALBIE. Pagkatapos nito ay nagkuwento si Jake kung paano nakarating sa kanya ang tinuran ni Jaclyn.

“Kasi, after the interview [ni Jaclyn], siyempre may mga nagtu-tweet. May comments na medyo nakakasakit.

“Kasi, parang ang nakuha ng tao, ang pinapalabas ni Tita Jane, dahil lang nabuntis si Andi, nagkaanak si Andi, pinagbawalan na ako ng parents ko.

“So, parang nagmamalinis sila.

“But then, my parents, both their lives are open book.

“Alam naman ng mga tao yung nangyari sa kanila, yung relationship ng parents ko.

“Never silang nagmalinis.

“So, hindi lang dahil nabuntis si Andi kaya ano… dahil nandun pa rin nga ako, e,” paglilinaw ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba ni Albie na sila ni Andi nung time na ‘yon?

“Hindi ko alam, e. Ewan ko. Hindi ko alam. I’m not sure.”

Ayon kay Jake, unang naging kasintahan ni Andi si Albie. Matagal daw ang naging relasyon ng dalawa noon.

Nang mag-break daw ang dalawa ay naging sina Andi at Jake.

Pero nang mag-away sila ay nagkabalikan naman sina Andi at Albie.

Kaya, ayon kay Jake, may pagkakataon daw talaga na pinagsabay sila ni Andi.

(Bukas ang PEP sa paglathala ng panig ng mga pangalang sangkot sa artikulong ito, kung may nais silang ipahayag.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN